Jayzen’s POV
Saturday na it means wala kaming pasok kaya ang dalawa kong kaibigan ay nag aayang pumunta ng mall. Kaya naman nagsimula na akong mag ayos ng sarili. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Hays ibang iba na talaga ako, kung dati sobrang kikay ko ngayon naman sobrang siga haha. Dating maganda ngayon gwapo na. Pormahan pang lalaki na din ako. Napangiti na lang ako sa mga iniisip ko.
Dala ang aking mga gamit ay lumabas na ako pero di muna ako pupunta ng mall, uuwi muna ako sa amin kase one week ko ng di nakikita ang parents ko at namimiss ko na din sila. Tsaka kakausapin din daw ako ni Dad, hmm ano kayang sasabihin ni Dad wala naman akong nagawang mali. Ay bahala na!
“Yaya Meling alis na po ako.” Paalam ko kay yaya.
“Sige anak mag iingat ka ha, ikamusta mo na lang ako sa mommy at daddy mo.” Sabi ni Yaya Meling at nagba bye pa sakin.
Agad naman akong sumakay sa sasakyan at agad itong pinaalis, mga 1 hour din kase ang byahe pauwi sa amin. Mga ilang oras lang ay nakarating na ako sa bahay, Bumusina ako para pagbuksan ako ng gate kaya pag open ng gate ipinasok ko na ang sasakyan ko.
Pagpasok ko ng bahay dumiretso na ako sa office ni Dad para makausap niya na ako. May sarili ng office si Dad sa bahay dahil sa dami ng ginagawa niya. Lagi din siyang busy sa work niya. Pagpasok ko sa office niya agad ko naman siyang nakita, ano pa nga ba edi busy nanaman sa work.
“Good morning Dad.” Bati ko sa kanya, medyo nagulat pa siya kase sa sobrang busy niya siguro di niya na namalayan na nakapasok na pala ako.
“Good morning my daughter, no! My son pala. Haha.” Pang aasar na bati sa akin ni Dad.
“Dad naman daughter niyo pa rin ako.” Tuntrums na sabi ko. Ganyan yan si Dad e mapang asar.
“Di na bagay sayo ang tawagin kang daughter, look at you. You look very handsome. And manang mana ka sa akin sa kagwapuhan.” O diba may kayabangang taglay din.
“Dad naman maganda din ako noon no. Syempre gwapo naman ngayon.” Pagyayabang ko din sa kanya. Nag mana nga ako sa kanya.
“So may hihingiin sana akong favor sayo Son.” Biglang sumeryosong sabi ni Dad pero may kasama pa ring pang aasar. Son daw eh.
“Ano po yon dad? Alam niyo naman na pag kaya ko payag naman po agad ako.” Syempre minsan lang naman humingi sa akin ng favor ang mga magulang ko diba, di ko pa ba pagbibigyan. Lahat nga ng gusto ko nasusunod e.
“Gusto kong kuhanin mo din ang kursong gusto kong kunin mo.” Sabi ni Dad sa akin. Gusto niya kase akong pakuhanin ng Business Ad tulad ng course ng dalawa kong kaibigan.
“Pwede po ba yon dad dalawang course na sabay?” Nagtatakang tanong ko kay dad. Ang alam ko kase bawal yon.
“Oo naman anak, ako ng bahala kumausap sa Admin niyo sa school.” Ah yun naman pala connections ang kailangan.
“Okay po Dad.” Pagpayag ko kay Dad, siguro naman kaya kong pagsabayin ang dalawang course. Hope so!
“Salamat my only Son.” Sabi ni Dad at tsaka niyakap ako.
“Dad naman Son talaga.” Naiinis kong sabi kay Dad.
“Syempre naman sa gwapo mong yan. Di kana bagay na tawaging daughter. At kung ano ka pa anak tanggap ka namin ng mommy alam mo yan.”
“Oo na po dad.” Pagsuko ko kay Daddy, kaya love na kove ko sila ni Mommy eh. Kahit anong desisyon ko sa buhay suportado nila ako. Bigla naman ginulo ni Dad ang buhok ko.
“Dad naman.” Naiinis kong sabi sa kanya.
“Anu yan ha bat di ako kasali diyan.” Bigla namang may nagsalita sa likod namin. Alam kong si mommy yon.
“Hi mommy, lika na po dito.” Nakangiting sabi ko kay mommy. Kaya naman lumapit siya sa amin at nakisali sa yakapan namin. Wala na akong mahihiling pa about sa family ko.
“So boys baba na tayo para mag breakfast.” Natatawang sabi ni mommy, alam ko inaasar din niya ako.
“Nga pala mom and dad di na po ako dito kakain dahil may lakad pa po ako kasama si Chla at Sofie.” Paliwanag ko sa kanila.
“Sige anak. Kami na lang ng mommy mo.” Sabi ni Dad habang papalabas na kami sa office niya.
“Sige po Mom and Dad alis na po ako at baka kanina pa po naghihintay yung dalawa sa akin.”
“Sige Jayzen ingat sa pag dadrive okay?” Paalala sa akin ni Mommy.
“Opo mom, una na po ako.” Huling paalam ko sa kanila at pinatakbo ko na ang sasakyan ko papuntang mall. Binagalan ko muna ang takbo ng sasakyan tapos Chineck ko naman ang phone ko at nakita kong ang dami ng missed calls sa akin nung dalawa. Kaya naman tinext ko na lang sila na papunta na ako.
Pagkapark ko ng sasakyan agad akong pumasok sa mall dahil paniguradong kanina pa naghihintay ang dalawa sa akin at for sure galit na yung mga yon. Teka di ko nga pala alam kung san sila hahanapin.
“Hello Sofie na saan kayong dalawa?” Tinawagan ko ns si Sofie para mapuntahan ko na agad sila.
“Dito kami sa may Chloe’s Boutique.” Sabi sa akin ni Sofie. Sigurado ako marami ng napamili ang dalawa. Honestly ako din mahilig mamili eto kase dati namang gawain.
“Okay papunta na ako.” Binaba ko naman ang tawag tsaka pumunta sa kanila.
Pagdating ko sa boutique na pinuntahan nila ay nakita ko namang papalabas na sila at sobrang dami na ng pinamili nila.
“Oh Zen ikaw ang lalaki kaya ikaw ang magbuhat.” Sabay bigay sa akin ng mga dala nila. Ano yon pinapunta lang nila ako dito para maging taga bitbit.
“Ano ako alalay niyo?” Naiinis kong sabi sa kanila. Si Chla parang walang narinig si Sofie naman panay ang tawa, makakaganti din ako sa kanya.
“Zen naman lalaki ka na di ba ipakita mo. Dapat nagpapractice ka na maging gentleman.” Natatawang sabi ni Sofie.
“Pag ako wala ng hawak patay ka sakin mamaya.” Panankot ko kay Sofie pero imbis na matakot lalo lang siyang tumawa.
“Bakit Zen tama naman si Sofie ah, you should learn how to act like a man.” Seryosong sabi sa akin ni Chla.
“Arrggh fine.” Suko na ko sa dalawang to. Mukhang napagtutulungan ako ah.
Sinusundan ko na lang ang dalawa kung san man sila magpunta. Wala naman akong manibili kase nga dina iba na pormahan ko ngayon, panlalaki na. Dumiretso naman ang dalawang to sa men’s section kaya naman bigla akong nagtaka. Wala namang boyfriend tong mga to ah. Sino kayang bibilhan nila dito. Tapos biglang kumuha ng isang shirt si Chla.
“Oh Zen isukat mo. Ibaba mo muna yang mga hawak mo.” Kahit nagtataka ako kinuha ko pa rin yung binigay niya at pumasok na sa fitting room. Pagtapos kong isuot ay lumabas naman agad ako sa fitting room.
“Yan Zen bagay sayo.” Sigaw na sabi ni Sofie kaya napatingin naman sa akin yung sales lady.
“Oo nga Sir bagay na bagay po sa inyo, mas lalo po kayong gumwapo.” Parang kinikilig na sabi sa akin ng sales lady. Kaya naman napangiti na lang din ako.
Si Chla naman kumuha na lang ng kumuha ng mga damit pang lalaki. Para daw sa akin lahat ng iyon dahil daw lalaki na daw ako. Syempre si Sofie tinatawanan ako lagi alam niya kaseng pag si Chla ang nagdesisyon alam niyang wala akong magagawa.
Ang dami pang pinuntahan ng dalawang to kaya ako pagod na pagid dahil ako lang nnaman ang ginawa nilang taga bitbit. Medyo nagugutom na ko kase diba di ako nag breakfast tapos lunch time na.
“Guys I think we shoud eat first.” Magandang suggestion ni Sofie. Parehas kase kami ni Sofie na matakaw at syempre alam yon ni Chla.
“Osige kain na muna tayo. Alam kong gutom na rin si Zen.” Pagsang ayon naman ni Chla buti na lang kase sobrang pagod at gutom na ako.
Naghahanap kami ng makakaininan, pero di kami makapili.
“Wait diba si Steven at Jessie yon.” Sabi ni Chla napatingin naman kami ni Sofie sa tinuro ni Chla.
“Oo nga no. Tara diyan na lang tayo.” Sabay hiinila kami ni Sofie papunta don sa dalawa. Alam naman niya yung sitwasyon ko pero tingnan mo ginagawa oh. Lumapit na kami palapit sa table nung dalawa.
“Hi Jessie and Steven.” Masayang bati ni Sofie, feeling close yan eh.
“Oh kayo pala Sofie.” Nakangiting sabi ni Jessie. Bakit ganon parang mas gumanda siya nung ngumiti. Parang lalo ako naiinlove. What? Napatigil ako sa pag iisip. Bakit yon ang lumabas sa isip ko. No this cant be, si Steven ang gusto ko.
“Pareng Jayzen.” Dun lang ako nabalik sa realidad nung tinawag ako ni Steven kaya naman ngumiti na lang ako sa kanila.
“Dito na kayo mag table, wala ng bakante oh.” Nakangiting sabi ni Jessie. Ang ganda niya talaga. Ano nanaman ba tong pumapasok sa isip ko. Naweweirduhan na ko sa sarili ko. Agad namang umupo ang dalawa.
“Oh Zen umupo ka na rin.” Tawag sa akin ni Sofie dahil sa gulat ko ay napaupo na lang ako bigla. And guess what sa tabi pa ni Jessie kaya ang kabog ng dibdib ko ang lakas. Di ko dapat nararamdaman to kay Steven dapat ako ganito. Di pwedeng manaling sa kanya ang nararamdaman ko dahil babae ako.
“Here is the menu.” Sabi ng waiter sa amin at binigyan kami ng menu.
So eto ang order ko blah blah balah. Kahit ano na lang na pagkain ang tinuro ko. Wala na kase ako sa ulirat dahil kay Jessie.
“Kayo Jessie naka order na ba?” Tanong ni Chla sa kanila.
“Kakaorder lang namin siguro paparating na yon.” Nakangiti nanaman si Jessie na sumagot kaya ang puso ko parang tatalon na palabas sa dibdib ko.
Kaya nung dumating ang order namin ay kumain na kami pero ako kahit sobrang gutom ako di ako makakain ng ayos. Ano ba kasi tong nararamdaman ko.
After naming kumain ay sabay sabay na kaming lumabas ng restaurant.
“So Jessie and Steven mauna na kami.” Masayang sabi dito ni Sofie.
“Sige girls.” Paalam dito ni Jessie. Si steven naman ay ngumiti na lang sa amin. Bumeso naman si Jessie dun sa dalawa at nag aalangan siya sa akin. Pero itinuloy pa rin niya. Bumeso na siya sa akin at yon na wala na tumalon na talaga ang puso ko. Natulala na lang ako, parang wala na kong naririnig at tumigil ang mundo ko.
“Hoy Zen.” Sabay batok sa akin ni Sofie. Dun lang ako natauhan at nakita kong naglalakad na palayo yung mag jowa sa amin.
“Anu yon Zen ha?” Paghihinalang tanong ni Chla. Oo na observant na siya at alam kong napansin niya yon. “Si Steven nga ba o si Jessie ang gusto mo?” Prangka niya pang tanong sa akin. Kinabahan tuloy ako. Di ko alam ang isasagot ko kase miski ako sa sarili ko di ko alam.
“Ah eh hindi ah. Tara na nga uwi na tayo.” At nagsimula na akong maglakad para lang makaiwas mga tanong nila.
Ano ba tong nararamdaman ko dapat ko tong itigil. Hindi si Jess, si Steven lang dapat. At kailangan ko ng mag isip ng magandang plano para mapasa akin siya. I will make him mine not now but soon.