Chapter 6

2062 Words
Jayzen’s POV Monday na nanaman hays may pasok nanaman, nakakatamad ng pumasok pero syempre dapat na sikaping pusok para Kay Jes.... no! Syempre para kay Stven. Kung ano ano nanamang pumapasok sa isip ko. “Jayzen gising na para makapasok ka na ng school.” Narinig kong sigaw ni Yaya Meling mula sa labas ng aking kwarto. Kaya naman mabilis akong nag ayos ng sarili. Naninibago na talaga ako sa sarili ko kase dati sobrang tagal ko sa harap ng salamin to do some make ups pero ngayon konting suklay na lang ng buhok ayos na. Para nakong isang lalaki eh haha. Pagtapos kong kumain ay agad naman akong nagpaalam kay Yaya. “Ya! Alis na po ako.” Paala ko sa kanya tsaka patakbong pumunta sa sasakyan ko. “Mag iingat kang bata ka ha, wag masyadong bilisan ang pag dadrive.” Paalala sa akin ni Yaya Meling. “Opo Ya.”  Pinaharurot ko na ang kotse, can’t help it. Mabilis talaga akong magpatakbo ng kotse. Nagbabagal lang ako pag kasama ko si mommy sa sasakyan. Kaya naman mabilis akong nakarating sa school. Naalala ko dalawang course nga pala ang papasukan ko pero ang sched ko ngayon ay sa Engineering muna kaya doon ako unang dumiretso. “Yow Jayzen!” Sigaw sa akin ni Kyle. Kaya kumaway ako sa kanilang tatlo at umupo na sa tabi nila. Panay kwentuhan lang yung tatlo at nakikinig lang ako sa kanila. “Nga pala Jayzen iinvite ka namin sumama sa swimming tutal holiday naman sa susunod na araw.” Nakangiting sabi ni Steven. Bat ganon nung unang kita ko sa kanya pag ngumingiti siya parang lalo siyang gumagwapo at kinikilig ako pero ngayon bat parang nawala yon. Naguguluhan na talaga ako sa sarili ko. Dapat si Steven lang talaga dah straight ako. “Osige guys sasama ako.” Sagot ko sa kanila. “Invite mo na rin yung dalawa mong kaibigan. Para marami rami tayo, dun lang naman tayo sa resort nila Russel. Tapos sunduin na lang namin kayo ng van.” Mahabang paliwanag ni Kyle. “Osige sasabihan ko na lang yung dalawa.” Nakangiti kong sabi sa kanila. Bat ganon anong oras na wala pa ang prof namin. Naboboringan na ako dito. “Parang wala ata tayong prof ah.” Masayang sabi ni Russel. Syempre masaya kaya pag walang prof. “Oo nga tol.” Sang ayon naman dito ni Steven.  Parang wala na nga sigurong darating na Prof mabuti pa pumunta na ako sa subj ko sa Business Ad. “Ah guys alis lang ako may pupuntahan lang tutal parang wala naman tayong prof.” Paalam ko sa kanila. “Sige pre.” “Ge Jayzen.” “Okay pareng Jayzen dito na lang kami tatambay.” Sabay sabay na sabi nila sa akin. Kaya ngumiti na lang ako at nagsimula ng lumabas ng classroom. Naglalakad na ako papunta sa building Business Ad. Sigurado ako magugulat sina Sofie at Chla di kase nila alam na kukuha din ako course na kayulad ng kanila, wala eh nirequest ni erpat eh. San nga ba ang classroom ko, hmm 201 e sigurado sa second floor yan kaya naman umakyat ako sa 2nd floor. Yon nakita ko kaya naman dahan dahan akong pumasok kaya yung mga maiingay biglang natahimik. “Diba siya yung gwapo sa engineering?” Sabi ng isang babae habang kinikilig. “Oo nga siya yon pero bakit nandito siya?” Nagtatakang tanong naman ng isa. “Grabe girl mas gwapo pala siya sa malapitan.” Parang sira naman yung babae kung kiligin hahaah natatawa na lang ako sa loob loob ko. Hinanap ko na lang ng mata ang dalawa kong kaibigan. At yon para silang natuklaw ng ahas haha di makapaniwala sa kanilang nakikita. Gulat na gulat sila eh. Kaya naman nilapitan ko ang dalawa. “Hi girls!” Nakangiting bati ko sa kanila. “Ah eh Zen bat ka nga pala nandito?” Gulat na gulat na tanong ni Sofie. Si Chla naman naghihintay ng sagot ko. “Kumuha ako ng BSBA bakit ba?” Natatawang sabi ko sa kanila. “Pero bakit?” Tanong naman ni Chla. “Request ni Daddy.” Sabay kindat ko sa kanila. Natatawa talaga ako sa reaction nila. Napatingin naman ako sa katabi ni Chla and guess what syempre si Jessie, close pala tong dalwa na to kay Jessie. Nagdadalawang isip ako kung babatiin ko ba si Jessie. Hays pero sige na nga. “Hi Jess!” Nakangiti kong bati sa kanya. Nagulat naman siya nung binati ko siya. Ang cute lang niya tingnan. Gusto ko Jess lang tawag sa kanya cute kaya parang siya. Hays ano ba tong naiisip ko. “Hello Jaze.” What ano sabi niya Jaze daw? Bago yun ah at cute din hihi. Para akong kinikilig. “Jessie besh pakilala mo ko sa kanya, di niyo naman sinabi na kilala niyo pala sila.” Sabi naman nung babaeng katabi ni Jess. “Ay oo nga pala. Jayzen si Maris nga pala. Maris si Jayzen.” Pakilala ni Jess sa aming dalawa. “Hi Maris.” At nakipag shake hands ako sa kanya. “Hello. Jayzen crush kita ang gwapo mo kase.” Kinikilig na sabi niya. Nagulat naman kami dahil sa diretsahan niyang pag amin. “Ah hehe ganon.” Sabay kamot ko sa ulo ko. “Ikaw Maris ha crush mo pala tong kaibigan ko.” Pang aasar naman sa kanya ni Sofie. “Oh eh ano naman? Inggit ka?” Mataray na sagot naman dito ni Maris. Si Jess at Chla parang wala lang na nag aaway tong dalawang to para bang sanay na sila dito. “Bat naman ako maiinggit? Tsaka sorry ka di ako boto sayo para sa kaibigan ko.” Mataray din na sabi ni Sofie. Hayst mapigilan na nga tong dalawang to at wala naman atang plano yung dalawa para awatin to. “Ehem! Guys tama na yan.” Pigil ko sa kanila. “Yan kase eh nauna.” Sagot naman ni Maris. “Anong ako nauna? Baka ikaw.” Sagot ulit ni Sofie. Napatapal naman ako sa noo ko parang walang katapusan to ah. “Ikaw naman talaga eh.” Sabi ni Maris. “Ako pa talaga?” Sabi ulit ni Sofie. “Guys tama na please!” Sigaw sa kanila ni Chla kaya naman natahimik na ang dalawa. Si Chla lang naman pala ang kailangan eh. “So Zen edi pinagsasabay mo ang course mo ngayon?” Seryosong tanong sa akin ni Chla. Nakikinig naman silang lahat sa amin. “Yup hehe.” Sabay kamot ko sa ulo ko. “Kaya mo naman bang pagsabayin yan?” Tanong niya pa ulit. “Kakayanin naman. Sana kayanin, edi pag hindi magfocus na lang ako sa isang course.” Seryoso kong sagot kay Sofie. “Nako kaya mo yan matalino ka naman eh.” Nakangiting sabi ni Sofie. Nagustuhan ko yung sinabi niya ha. “Galing mo diyan sa Sofie.” Natatawa kong sabi sa kanya. “Matalino ka pala Baby Jayzen.” Kinikilig na sabi ni Maris. “Parang naiinlove na ako sayo.” Dugtong niya pa. “Wow inlove agad?” Sabi ni Sofie. Nalintikan na mukhang magkakasagutan nanaman to. “Oh anong pake mo?” Matapang na sagot ni Maris kay Sofie. “Hep hep hep bago pa kayo magsagutan nagugutom na ako tara na at mag lunch.” Pagsaway dito ni Jessie. Buti na lang dahil nabibingi na ako sa dalawang to. Di pwedeng pagtabihin to. “Oo nga tamang tama nagwawala na dragon sa tiyan ko.” Pag sang ayon ko kay Jess sabay kindat sa kanya. “Nakita ko yon!” Bulong sa akin ni Chla. Hays bahala siya isipin niya kung anong iisipin niya. Kaya naman tumayon na kaming tatlo pero yung dalawang nag away nag titigan pa din. “Ano guys di kayo kakain?” Masungit na sabi sa kanila ni Chla. Kaya naman tarantang tumayo ang dalawa. Kaya heto naglalakad na kami papuntang cafeteria. “Babe dito!” Naranig kong sigaw ng isang lalaki kaya hinanap ko, si Steven pala kasama sila Russel. Kaya naman lumapit na lang kami sa kanila. Kumakain na kami, sobrang gutom ako kaya medyo marami na akong nakakain. Di ko pa man nauubos yung pagkain ko. “Babe oh tikman mo masarap.” Nakita kong sinubuan ni Steven si Jess. Napakunot naman ang noon ko. Nakita ko pang ngumiti si Jess. Kaya ako eto nagseselos na, napahigpit ang kapit ko sa spoon na hawak ko. Dapat sa akin lang ngumingiti si Jess.. what no? Bakit feeling ko akin si Jess. Hindi dapat! Si Steven dapat ang maging akin. Nalilito na ko sa nararamdaman ko. Gusto ko ng umalis dito at mapag isa para makapag isipisip. “Guys alis nako may pupuntahan pa ko.” Di ko na hinintay ang sagot nila at umalis na lang ako. Kailangan ko na talagang mag isip isip. Sa paglalakad ko nakakita ako ng pwedeng tambayan isang malaking puno sa gilid ng soccer field. Ayos masarap sigurong matulog don. Kaya naman pinuntahan ko na agad yon. At tama nga ako ang presko dito. Humiga ako sa gilid ng puno. Namiss ko yung ganta yung walang iniisip at ang presko pa ng hangin. Maya maya’y nakatulog ako pero nagising ako ng maramdaman kong may kamay na humahaplos sa mukha ko. “Ano ba yan bakit ang gwapo mo kahit tulog ka?” Sabi nung babae nagkunwaring tulog na lang ako. “Alam mo ba medyo naguguluhan na ako. Pero di dapat.” Tama! Si Jess nga ito, pero san siya naguguluhan. “At syempre dahil yon sayo.” Huh? Anong dahil sa akin. Bahala na gigising na lang kaya kunwaring naglikot ako at ayon tinanggal niya na ang kamay niya. Tsaka ako dumilat at kunwaring nagulat ako nung makita siya. “Jess anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya. “Napadaan lang kase ako dito and nakita kita kaya pinutahan kita.” Nakangiting sabi niya. Hayst ang ganda niya talaga. “Ow okay.” Yun na lang nasabi ko na starstrucj na kase ako. “Pwede ba akong humiga din?” Paalam niyasa akin. Di naman akin to e bat ko siya pagbabawalan. “Go sige lang.” Natatawang sabi ko sa kanya. Kaya naman siya ang nakahiga at ako naman ang nakaupo. Kaya malaya kong natititigan ang mukha niya. Sobrang kinis ng mukha niya ang sarap siguro nong damhin. Ang lips niya mapula na parang ang sarap kagat kagatin. Napailing naman ako sa mga pinag iisip ko. Di dapat ako tuluyang mag kagusto sa kanya. Baka kaya ko lang naiisip yung mga ganto kase naiinsecure ako sa kanya dahil siya ang mahal ng lalaking gusto ko. Pero ano yung naguguluhan siya? Hmm. Alam ko na sana tama ang iniisip ko. Mukhang kailangan kong mag change of plan. Siya na lang muna ang paiibigin ko at pag nangyari na yon makikipaghiwalay siya kay Steven. Syempre si Steven broken hearted at ako magcocomfort. Tama!! Naoangiti naman ako sa maganda kong plano. Nakita ko namang unti unting tumatayo si Jess. Kaya tinulungan ko siyang makatayo. Jessie’s POV Ang totoo sinundan ko talaga siy Jayzen dito. Wala lang feel ko lang na kailangan ko siyang sundan. Naguguluhan na din ako sa nararamdaman ko ng dahil yon sa kanya. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko. Baka kase hinahanap na ako ni Steven dahil sabay kami laging umuuwi. “Jaze alis na ako baka hinahanap na ako ni Steven. Uwian na rin naman kase wala ang mga prof.” Paalam ko sa kanya.  “Sige Jess ingat kayo.” Nakangiti niyang sabi sa akin. Pag ngumingiti siya lalo siya gumagwapo. “Bye Jaze.” At nagsimula na akong maglakad papunta sa parking at tama nga ako hinihintay na ako don ni Steven. “Babe san ka po galing?” Tanong sa akin nu Steven nung makita niya akong naglalakad papalapit sa kanya. “Diyan lang po. So tara na?” Pinagbuksan niya naman ako ng pinto. Ito ang isa sa mga nagustuhan ko kay Steven yung pagiging gentleman niya. “Babe parang ang tahimik mo? Okay ka lang ba?” Nag aalalang tanong niya sa akin. Eto pa ang isa yung pagiging maalalahanin niya. Di ko dapat kinakalimutan ang mga ganitong bagay ang mga dahilan kung bat ko siya minahal. “Okay lang ako babe no worries.” Ngumiti ako ng bahagyansa kanya to assure him na wala namang problema. “Okay babe.” Sabi niya sa akin. “Nga pala babe sama ka sa amin may swimming kami.” Pag aaya niya sa akin. “Sige babe.” Pag payag ko na lang. “Kasama sila Chlarisse, Sofie at si pareng Jayzen.” Dagdag niya pa. Para namang na excite ako nung marinig ko ang pangalan ni Jaze. “Sige po babe sasama ako.” Sabi ko sa kanyaz “Okay po. Oh dito na tayo sa inyo.” Sabi niya sa akin. “Bye babe.” Sabi ko sa kanya at hinalikan naman niya ako sa cheeks. Oo sa cheeks lang kase di pa ako nagpapahalik sa kanya sa lips. Bababa pa sana siya para pagbuksan ako pero pinigilan ko na siya. “Kaya ko na Steven.” At bumaba na lang ako. At nagbabye sa kanya. Naguguluhan na talaga ako sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD