Jayzen’s POV
Vacant namin nakatambay ako dito ngayon sa nahanap kong tambayan at ngayon ay favorite ko ng tulugan. Napakapresko naman kase talaga dito nakakawala ng stress ang hangin at ang sarap pang matulog dito. Sa mga nag daang araw casual lang kami ni Jess as in friends lang talaga. Di na rin namin pa pinaguusapan yung about sa amin. Pero napapansin ko medyo iwas din siya kaya Steven. And I don’t know why. Siguro dahil pinfigure out niya pa ang nangyayari.
“Favorite place mo talaga to no?” Nagulat naman ako ng biglang may nag salita. Si Jessie nakangiti siya habang nakatingin sa akin at umupo din katabi ko.
“Ang sarap lang kaseng tumambay dito napaka sariwa ng hangin.” Sabi ko sa kanya. Nakita ko naman siya ng ngumiti at dinama ang hangin na humahapas sa amin.
“Yeah youre right. Sa tagal ko ng nag aaral sa school na to ngayon ko lang nalaman na masarap pa lang mag stay dito.” Nakangiting sabi niya habang nakapikit siguro dinadama niya ang hangin.
“Pag napupunta kase ako sa mga lugar naghahanap talaga ako ng lugar na masarap tambayan at sariwa ang hangin.” Sabi ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit ganto ako, mas gusto ko kase yung tahimik na lugar lalo na pag stress ako. Nakakawala kase ng problema.
“Anyway matanong ko lang. Matagal na ba kayong magkakaibigan tatlo. I mean kayo nila Chlarisse, Sofie at ikaw?” Tanong niya sa akin at tiningnan niya ako habang hinihintay ang sagot ko.
“Yup simula pagkabata pa. Magkakaklase kase kami nung elementary kaya ayon naging close na kami hanggang ngayon.” Napangiti na lang ako nung maalala yung mga bata pa kami. Parang kailan lang.
“Ah parang kami pala ni Maris.” Nakangiting sabi niya.
“Tara Jessie.” Sabi ko sabay hila sa kanya. Nagutom kase ako at parang may natuklasan ako malapit na parke dito sa school. Masarap din tumambay don dahil tabing dagat.
“San naman tayo pupunta Jaze.” Nagtatakang tanong niya. Pinagpag naman niya yung mga damong kumapit sa pants niya dahil sa pagkakaupo.
“Wag kana magtanong basta tara.” At tuluyan ko na nga siyang hinila.
Lumabas na kami ng school. Di ko na kinuha kotse ko dahil sobrang lapit lang talaga nito sa school. Nakakunot naman ang noo niya habang hinihila ko siya pano wala siyang alam kung san kami pupunta.
“Jaze naman saan ba talaga tayo pupunta.” Pano kase naglalakad na kami papunta don at siya naman ay panay ang irap sa akin. May pagkamasungit din pala si Jess. Di niyo natatanong natuturn on ako sa masungit.
“Jess maghintay ka lang tiyak magugustuhan mo din don.” Nakangiting sabi ko sa kanya. Sakto palubog na ang araw. Magandang tingnan yon sa dagat. Hapon na din kase at di na nga kami nakapasok ni Jess sa klase dahil inaya ko siya dito
“Argh okay fine.” Naiinis niyang sabi sa akin. Natawa na lang ako sa kanya kase may pagkachildish din pala siyang side. Kaya naman nakangiti lang ako habang pinagmamasdan siya.
Mayamaya lang ay nakarating na din kami. Dumiretso ako sa stalls ng street food. Kahit naman mayaman ako kumakain pa rin ako dito. Dahil nagugutom na ako marami akong kinuha.
“Jess anong gusto mo?” Tanong ko naman kay Jess para mapili ko na din yung mga gusto niya.
“Ahm Jaze di ko pa kase sila natitikman. Pero ipili mo na lang ako nung masarap.” Nakangiting sabi niya. Di pa pala siya nakakakain sa ganito. Buti na lang di maarte si Jess.
Kinuhan ko din siya nung meron ako. Tulad ng kikiam, fishball, kwek kwek at squidball. Kumuha na rin ako ng palamig.
“Tara Jess dun tayo sa may bench.” Niyaya ko naman siya isang bench kung saan kitang kita ang paglubog ng araw.
“Ang ganda naman dito Jaze lalo na pag sunset.” Nakangiting sabi niya habang manghang manghang nakatingin sa pag lubog ng araw.
“Oo nga sobrang ganda.” Sabi ko habang nakatitig sa maganda niyang mukha. Ang swerte talaga ng taong mahal niya. Napayuko na lang ako nung maisip ko yon.
“Tara kain na tayo. Gusto ko ng itry ang mga to.” Excited na sabi ni Jess sabay subo niya ng kwek kwek. “Ang sarap Jaze. Di ko alam masarap pala sila.” Inosenteng sabi niya sabay tawa. Ang ganda niya talaga lalo na pag masaya. Ang blooming niyang tingnan.
Kaya naman kumain na din ako. Minsan eh sinusubuan ko siya at ganon din ako. Mapagkakamalan na kaming mag jowa dito kaso hindi talaga eh. Nakita ko namang may sauce na tumulo sa gilid ng labi niya. Kaya kumuha ako ng tissue at pinunasan yon. Para naman siyang nahiya. Ang cute lang. Kahit ganto lang araw araw masaya na ako. Tapos na kaming kumain nagpapahinga na lang kaming dalawa.
“Ah Jaze baka hinahanap na ako ni Steven sanay kase yon na hinahatid ako. Saktong tapos ng klase niya ng six.” Mahabang sabi niya. Dahil don nagising naman ako at bumalik sa katinuan na magkaibigan nga lang pala kami.
“Sige Jess.” Medyo malungkot na sabi ko sa kanya.
“Dito ka lang ba muna?” Tanong niya naman sa akin nung nakita niyang di pa ako tumatayo. Kaya naman tumango lang ako sa kanya sabay ngiti.
“Osiya babalik na ako ng school. Salamat sa pagdala mo sa akin dito ha.” Nakangiting paalama niya.
“Welcome.” Sagot ko sa kanya. Kaya naman naglakad na nga siya pabalik ng school.
Nagpaiwan na lang ako dito para mawala kung ano man ang naiisip ko ngayon. Malungkot na masaya. Malungkot kase alam kong talo na ako pero masaya dahil kahit papano nakasama ko siya ngayong araw. Napayuko na lang ako at pilit na inaalis ang mga bagay nayon.
Napatunghay naman ako nung makita kong dalawang maliit na paa sa harapan ko. Pag angat ko ng tingin isang cute na batang babae. At may inabot sa akin na chocolate.
“Hi kuya! Don’t be sad.” Nakangiting sabi niya sa akin. Dahil nakakahawa ang pagkakangiti niya ay napangiti na rin ako saglit kong nakalimutan ang nakakapagpa stress sa akin. Dahil sa cute na batang ito.
“Thank you baby girl. Promise di na ako magiging sad.” Nakangiting sabi ko sa kanya at ngumiti din siya sa akin.
“Bea!”
“Bea”
Narinig kong sigaw ng isang babae habang papunta sa amin. Siya at ang kasama ng batang ito.
“Bea naman sabi ko wag kang lalayo sa akin.” Nag aalalang sabi nung babae.
“Hijo pasensya ka na sa batang to ha.” Sabi niya sa akin sabay buhat kay baby girl na Bea pala ang pangalan. Umalis na sila pero lumingon si Bea at nakangiting nag babye sa akin. Kaya naman ngumiti na lang din ako.
Ang cute naman ng batang yon at ang talino pa. Mukhang maganda ang pagpapalaki sa kanya. Kung magkakaanak din ako sana tulad niya. Napangiti niya ako kahit saglit lang. Kaya naman napatingin ako sa chocolate na bigay niya. Binuksan ko yon at tsaka kinain. Kaya ngayon nakangiti na ako habang kinakain ang chocolate na bigay sa akin ni Bea. Nung medyo dumidilim na ay bumalik na ako sa kotse at umuwi na.