Jayzen’s POV
Its been a week since nangyari yung kiss. Pero hanggang ngayon nafifeel ko pa rin ang malambot niyang labi sa labi ko. Habang iniisip ko yung kiss na yon kinikilig ako. At dun ko napatunayan na siya na nga talaga ang gusto ko. Ang gusto kong makasama habang buhay. Pero simula ng mangyari yon ay lagi niya akong iniiwasan. Kase dahil na rin siguro na may boyfriend na siya. Pero nung time na hinalikan ko siya, alam kong nagustuhan niya rin yon. Pero dahil ayaw niyang masaktan si Steven kaya iniiwasan niya na ko.
“Good morning Zen.” Bati sa akin ng dalawa kong kaibigan pagbaba ko ng car ko. Dito ako ngayon sa parking school dahil may pasok na kami.
“Good morning girls.” Bati ko naman sa kanila tsaka sila hinalikan sa pisngi. Nakasanayan na din kase namin na ganun ang ginagawa namin pag nagbabatian.
“Tara nang pumasok.” Nakangiting sabi ni Chla. Wala silang kaalam alam sa nangyayari sa amin ni Jess. Pano lasing na lasing ba naman sila nung time na yon.
Nagsimula na kaming pumunta sa building namin nang makasabay namin si Jess pero di niya kasama si Steven.
“Jess sabay ka na sa amin.” Nakangiting pag aya ko sa kanya. Alam kong iniiwasan niya ako di ko lang alam kung napapansin ba yon ng mga kaibigan ko. Pero di niya nanaman ako pinansin. Kaya napatingin sa akin yung dalawa na parang nagtataka. Naisip ko na kailangan ko nga palang pumunta sa admin ng school. Para ipacancel na yung isa kong course at magfofocus na lang ako sa course na gusto ko talaga.
“Guys may pupuntahan lang muna ako saglit.” Paalam ko sa dalawa tapos napatingin din si Jess. Kahit di niya ako pinansin medyo kasabayan naman namin siya.
“San ka pupunta Zen?” Tanong sa akin ni Sofie. May pagkachismosa talaga to e.
“Sa school admin.” Sagot ko naman sa kanya para di na mangulit.
“Bakit naman?” Tanong niya pa ulit. Kainis naman to si Sofie.
“Maya ko na lang sabihin sa inyo guys. Sige na. Bye!!” Pagkasabi ko nan ay umalis na ako para wala ng tanong tanong pa.
Pagdating ko sa admin’s office ay agad ko namang inayos lahat ng pwedeng ayusin. Buti naman at pumayag sila ng ganun kadali. Siguro naitawag na to sa kanila ni Dad. Nakwento ko kase kay Dad na magfofocus na ako sa course na gusto niya at natuwa naman siya don. Kaya pagkatapos ko dito ay dumiretso na ako sa room namin.
“Hi guys.” Nakangiting bati ko sa kanila lahat naman sila ngumiti sa akin except kay Jess. Talagang ayaw niya akong pansinin. Kailangan ko na siyang makausap about sa nararamdaman ko sa kanya at kung ano bang tingin niya sa akin.
Tingin ako ng tingin sa orasan kung matatapos na ba ang klase kase gusto ko na talagang makausap si Jess about sa kiss incident. Di na ako mapakali sa inuupan ko.
“Zen bat ba parang sinisilihan yang pwet mo?” Tanong sa akin ni Chla na tila napansin niya ang pagiging malikot ko.
“Ah eh gusto ko na kaseng matapos ang klase nabobored na kase ako.” Pagdadahilan ko sa kanya. Mukha namang naniwala siya.
“Ow okay. Maghintay ka na lang diyan at matatapos naman na ang klase.” Sabi niya sa akin. Ilang minuto na nga lang ang natitira sa oras pero parang taon ang tagal nito para sa akin.
“Ting!ting!” Yown time na! Kaya naman dali dali akong lumabas ng classroom para dun na lang siya hintayin para di mapansin ng mga kaibigan namin. Nakita ko na siyang palabas ng room kaya dali dali ko siyang hinila paakyat sa rooftop. Yun lang ang lugar na naisip ko na walang makakaistorbo sa akin.
“Ano ba Jaze san mo ba ako dadalhin?” Naiinis na sabi niya sa akin at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ko sa kanya.
“Kailangan nating mag usap.” Seryosong sabi ko sa kanya. Nakarating naman na kami sa rooftop kaya binitawan ko na siya.
“Wala naman tayong dapat pag usapan Jaze.” Seryosong sabi niya sa akin.
“Meron! Bakit mo ko iniiwasan huh?!” Medyon malakas na pagkakasabi ko sa kanya.
“Di kita iniiwasan.” Sagot niya naman sa akin.
“Dahil ba sa kiss?” Diniretso ko na siya, di naman siya agad nakasagot. “Yun ba ha?” Tanong ko ulit sa kanya pero parang wala siyang naririnig.
“Oo dahil don! Dahil di ko na alam ang nararamdaman ko, nalilito at naguguluhan na ako. Pero dapat kitang iwasan dahil may boyfriend na ako.” Naiiyak na sabi niya sa akin.
“Mahal kita Jess! Di mo ba ako pwedeng pagbigyan?” Madamdaming sabi ko sa kanya.
“Di pwede Jaze, di talaga pwede. Mas maganda pa kung mag iwasan na lang tayo ng tuluyan.” Nakayukong sabi niya. Sobrang umiiyak na siya at sobrang nahihirapan na.
“Hahalikan kita pag pinigilan mo ko ako na ang iiwas sayo.” Madiing sabi ko sa kanya. Bahala na, its now or never. Kaya unti unti ako lumalapit sa kamya pero panay naman ang atras niya hanggang sa pader na ang nasa likod niya. Kaya itinuloy ko na. Hinalikan ko siya and yung pakiramdam nung una ko siyang hinalikan ay ganon pa rin. Nakakakaba pero ginalaw ko na ang mga labi ko di siya nagrerespond pero ginawa ko yung best para maparespond siya and ayun nga nagrespond siya pero agad naman siyang natauhan at tinulak ako.
“Sorry Jaze di talaga tayo pwede. Ang pwede lang isa maging mag friends tayo. Kalimutan na lang natin na nangyari to. Wag kang mag alala papansinin kita tulad ng dati yung pang kaibigan lang.” Mahabang sabi niya sa akin at umalis na siya. Napaiyak na lang ako. Natatawa ako masyadong maagang heart break. Kailangan ko na lang tanggapin at maging mabait na kaibigan na lang sa kanya. Basta ipaparamdam ko na lang sa kanya yung pag mamahal ko. At ang mahalaga di niya na ako iiwasan. Maghihintay na lang ako ng right time. Wag lang gagawa si Steven ng katarantaduhan dahil di ko siya mapapatawad pag pinaiyak niya si Jess.