CHAPTER 8

1527 Words
Nhel's POV KINABUKASAN habang nag- aalmusal kami, tinanong ko si mama. " Ma, nagbabakasyon ba sila Tita Paz ngayon dyan?" " Bakit mo naman naitanong, anak?"tanong din ni mama sa akin. " Kasi po may nakita akong dalagita na nagwawalis sa labas ng bakuran nila kahapon." sagot ko, hindi ko na binanggit yung nangyaring engkwentro namin ni miss beautiful. " Ano itsura, maganda ba?" tanong uli ni mama na malawak ang ngiti. Weird, ngayon lang yata ngumiti si mama ng ganon,anong meron? " Opo ma, maganda sya, matangos ang ilong, mapula ang labi, mapungay ang mga mata at maputi na medyo mahaba ang buhok." sagot ko kay mama. Naaaliw syang nakatingin sa akin. Bakit kaya? " Ah yun nga yung panganay nila ni Pareng Franz—si Laine." sabi ni mama. " Laine?"...tanong ko. Ang ganda ng pangalan nya bagay sa kanya. " Oo anak, si Alyanna Maine pero Laine ang palayaw niya. Bata pa yon mas matanda ka dun ng 3 years. Malaking bulas lang kasi malaking tao ang ama, si Tito Franz mo." Oo nga halos magkasing- taas nga kami naisip ko pa. " Nagbabakasyon lang ba sila ngayon dito ma? " muli kong tanong kay mama. Tiningnan nya ako ng tila may pagtataka ngunit may tinatagong tipid na ngiti sa labi. Dati kasi hindi ako nagtatanong ng ganito sa kanya. " Hindi anak. Dito na sila titira — for good. Sayang kasi yung mga naiwan ng matatanda. " banggit pa ni mama. Hindi na ako kumibo at tinapos ko na lang yung almusal ko.Baka kasi asarin pa ako ni mama.Napapansin ko kasi yung kakaibang ngiti niya. Parang nahihimigan nya na may interes ako dun sa anak ng kumare at best friend nyang si tita Paz. Maghapon kong iniisip yung sinabi ni mama.Kung matanda ako ng 3 years sa kanya that means sobrang bata pa nya? Pero hindi ko maiwaksi sa isip ko yung magandang mukha nya. Iba yung naramdaman ko, the first time I laid my eyes on her. Naks! napapa-English tuloy ako. Hindi ko ito kailanman naramdaman sa mga babaeng na-link sa akin. Sa kanya lang at first time yun. Pero ang bata pa pala nya. Sayang! ***** Laine's POV DALAWANG araw na ang lumipas simula nung maka- engkwentro ko ang nakakaasar na lalaking yon.Ang nakakainis pa, lagi ko na lang naiisip yung gwapo nyang mukha.Ano ba ang nangyari sa akin, ang bata-bata ko pa gumagarutay na ang isip ko? Naku naman! This is not me. Erase,erase,arase.Kailangang iwaglit ko sya sa isip ko kundi patay ako kay daddy at kila kuya.Shet na malagket. " Laine! Yahoo! Alyanna Maine!" bigla akong bumalikwas sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses ni Candy sa may gate namin.Dali-dali akong lumabas at pinapasok sya, I mean sila kasi bukod kay Rina may kasama pa silang isang babae na teen ager din at dalawang boys. " Hi,Laine!" bati ni Rina." May kasama nga pala kami, itong dalawang boys si Wil at si Pete magkapatid sila,barkada namin at ito naman si Lovie." turo nya dun sa babae. " Taga Manila sya. Nagbabakasyon siya dito. Pamangkin sya ng kapitbahay namin na si Tito Felix."pakilala ni Rina. Nakipag-kamay sa akin yung dalawang cute boys. " Hello, Laine! glad to meet you. " bati ni Lovie. " Same here!" sagot ko naman. " Taga Manila rin daw kayo? Saan sa Manila?" tanong ni Lovie sa akin. " Actually, sa Makati kami, sa Dasmarinas Village." sagot ko sa kanya. " Wow! Sosyal! Pang mayaman yung place nyo ah walang- wala yung sa amin sa Tondo.Sabagay mukha ngang rich kayo. Ang ganda rin nitong bahay nyo eh." sabi pa nya. " Hindi naman,sakto lang." sabi ko naman sa kanya. " Hay naku! Sobrang humble talaga nyang pinsan ko,Lovie, napaka down to earth." singit ni Candy. " Sayang hindi namin naisama si Nhel" biglang singit nung cute na medyo kulot na si Pete. " Nhel?" tanong ko naman. " Ah yung special someone nitong si Lovie. " sabat naman nung isang cute din na si Wil. " Ewan ko ba dun, nung malaman na dito kami pupunta biglang nagkaroon daw ng lakad. Ano kaya nangyari dun?!" sabi uli ni Lovie. " Hayaan nyo na nga kung sino man yun, tara kayo dito sa dining. Nag bake ako ng chocolate cake, tikman nyo". pagyaya ko sa kanila. At sabay- sabay na kaming pumunta sa dining.Kung sino man yung Nhel na yun hindi ako interesado sa kanya. Nawala yung chance nyang matikman ang pinaka masarap na chocolate cake in the whole wide kitchen ko..hehe. ***** ILANG araw pa ang matuling lumipas at hindi na namamalayan ni Laine na totally adjusted na sya sa bagong mundo nya. Madalas syang puntahan ng mga bagong kaibigan at kung minsan naman sinasama sya kung saan-saan para maging pamilyar sya sa mga lugar ng Sto. Cristo. Hindi na nila nakakasama si Lovie. Nagtataka man sya,hindi na sya nag- usisa pa kung bakit.Hindi naman siya ganun ka- close dito. Para kasing medyo hindi sila komportable sa isat- isa. Ewan nya kung bakit pero yun ang pakiramdam nya.Hindi tulad nung apat na kaibigan, at ease na sila sa isat- isa. Hindi pa rin nya ulit nakikita yung gwapong palaka na naka-asaran niya. Buti na rin yun, ayaw na rin naman nyang makaramdam ng kakaiba. Bata pa sya para sa mga ganung bagay. Okay na sya dun sa apat na kaibigan. Sila yung talagang masasabi nyang mayroon sya ngayon na nakakapagbigay ng saya sa bagong buhay at mundo nya. " Malapit na ang fiesta ng bayan" sabi ni Wil habang nagmemeryenda silang lima sa terrace nila Rina. " Oo nga. " masayang sabi ni Candy. " Naku insan masaya yun lalo na pag may perya na." dagdag pa nito. " Nagtatayo na nga ng perya kanina pagdaan ko sa bayan." anunsyo ni Pete. " Siguro bukas meron na yan." excited na sabi ni Rina. " Ano ba itsura ng perya?" tanong nya. Naka-ngangang napatingin sa kanya ang apat na kaibigan. " Uy! Wag nyo ko tignan ng ganyan. Swear hindi ko talaga alam kung ano yang peryang sinasabi nyo." sabi nya, nakataas pa ang kanang kamay na tila nanunumpa. " Haay! Mayayaman nga naman hindi alam yung mga lugar na nakapag-papasaya sa mga simpleng tao.Naku friend, isasama ka nga namin ng makilala mo ang perya." naiiling na sabi ni Rina. " Sige nga friend ng makilala ko na yang perya na yan..hahaha...kawawa naman ako ang dami ko palang hindi alam sa mundo." sang- ayon naman nya sa kaibigan. At nagtawanan na lang sila sa sinabi nya. PAG-UWI nya ng bahay nila ay agad naman syang dumiretso sa room ng daddy nya at nagpaalam na pupunta ng perya kinabukasan.Pumayag naman ito basta't ihahatid lang daw sya sa pag- uwi. Paglabas nya ng kusina ay nakita nya ang kanyang mommy na nagluluto ng cassava cake. Specialty yon ng mommy nya at itinuro na rin sa kanya ang paggawa nun. " O Laine, andyan ka na pala,kanina ka pa ba?" tanong ng mom nya. " Kani- kanina lang po, pinuntahan ko lang po si dad sa room nyo para magpaalam for tomorrow." sagot nya. " Magpaalam? Para saan?" nagtatakang tanong ng mommy nya. " Rina and Candy invited me to go with them tomorrow night in perya. Seriously mom, ano yung perya? I don't have any idea what it looks like.hehe." nahihiya nyang turan sa ina. " Perya? Ah yun yung may mga rides, the same nung pinuntahan natin last summer sa US. The difference is, may iba' t-ibang attractions ang perya.May mga mermaids kuno, tao na kalahati ay horse, something like that.Yung pinuntahan natin sa US, it's called Carnival." paliwanag ng mom nya. " Uhm, I see.Can I go with them mom?" paalam nya. " Sure baby, para naman makita mo yung sinasabi ko sayo.When I have a free time punta rin tayo ng mga kapatid mo.Sumama ka na muna sa mga friends mo bukas.Have fun anak!" masayang pagpayag ng mommy nya. " Thanks, mom, I love you!" " Love you too,anak!" " Ah syanga pala, pwede mo bang dalhin tong cassava cake kay Mareng Bining? favorite nya kasi ito. " pahabol na utos ng mom nya. " Saan po ba yung bahay nila Tita Bining mom? Hindi ko na po tanda eh." tanong nya. " Ah oo nga pala, iba na yung style ng bahay nila ngayon. Pagkalampas mo dun kila Rina tapos sa harap ng bahay nila Tito Toots mo, yung kulay beige, yun yung kila kumare.Tanda mo ba yung puno nila ng anonas? Nandun pa rin sa harap ng bahay nila kaya di ka maliligaw." mahabang paliwanag ng mom nya. " Okay mom, akin na po, dalhin ko na lang yung bike ko para mabilis ako." saad nya. " Sige anak, ingat ka!" sabi ng mommy nya. Umalis na si Laine sakay ng bike nya papunta sa kumare ng mommy nya dala ang cassava cake.Madali naman nyang nahanap ang bahay dahil sa puno ng anonas at katapat ito ng bahay ng tiyuhin nya. Nakabukas ng bahagya ang gate kaya pumasok na sya sa bakuran. Iniwan na lang nya ang bike nya sa labas na nakasandal sa bakod. Kumatok sya sa pinto at laking gulat nya ng makita ang nagbukas sa kanya... OMG!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD