Laine's POV
PAGKA-GALING ko sa room nila dad pagkatapos kong magpaalam na sasama ako dun kila Candy sa perya bukas, dumiretso ako sa kusina at inabutan ko ang maganda kong nanay na nagluluto ng specialty nya na cassava cake.
Sinamantala ko na rin ang pagkakataon para magpaalam na rin para bukas at pumayag naman sya after nya mag explain kung ano ba yung perya.
Paalis na ako nung magpahabol sya ng utos na dalhin ko raw yung cassava cake sa favorite nyang kumare at long time friend na si Tita Bining.Hindi ko na masyadong kabisado kung saan yung bahay nila Tita Bining kasi bata pa lang ako nung huli kaming nagpunta dun.
Sinabi naman ni mommy yung direksyon kaya sakay ng bike ko na kulay pink na may parang basket sa harapan, gora na ako kila Tita dala ang cassava cake nya.
Madali ko namang nahanap yung bahay, bago na nga sya pero yung puno ng anonas nandun pa rin naman, tanda ko yun kasi nanguha pa kami dun bago lumuwas nun ng Manila.At katapat sila nung bahay ni Tito Toots, yung pinsang buo ni mommy.
Bukas yung gate nila kaya iniwan ko na lang yung bike ko sa may bakod nila.Dala yung cassava cake, kumatok ako sa pintuan.Hindi naman nagtagal may nagbukas nung pinto.
Anak ng pitong kuba! Na-shock ako nung makita ko kung sino ang nagbukas ng pinto.
" W- what are you doing here?" shocks muntik na akong mag-stutter ah.
" Ako?" naa- amuse na turo pa nya sa sarili nya. " Hindi ba dapat miss ako ang magtanong sayo nyan?Dito ako nakatira, hindi ba obvious? dahil ako ang nagbukas ng pinto." mahabang sabi nya na medyo nangingiti pa.
Shet na malagket, ang gwapo ng palakang to talaga. Bagong ligo pa sya kaya naamoy ko pa yung cologne nya.Grabe ang bango. Ilang taon na kaya tong mokong na to? parang binatang- binata na ah. Lakas ng dating eh.
" Hoy! miss natulala ka na naman dyan! Are you done checking me out?" pilyong tanong nya.
" Huh?!" yun lang nasabi ko.
Pahiya na naman ako dun ah. Kung bakit naman kasi natutulala ako pag nakikita ko tong mokong na to eh.
Teka nga kailangan kong makabawi!
" Hoy, kuya I'm not checking on you! How dare you! Nagulat lang ako kasi hindi ko ine- expect na makikita ko yang pagmumukha mo dito.Anak ka ba ni Tita Bining? Pwes, ituro mo na lang kung nasaan sya para maibigay ko na tong pinabibigay ng nanay ko sa kanya at ng makaalis na ako ng hindi ko na makita yang pagmumukha mo. Naaalibadbaran ako sayo!" dire- diretso kong sabi sa kanya. Whew! kapagod yun ha siguro naman nakabawi nako sa pagkapahiya ko.
" Diretso ka lang sa kusina, andun si mama.Grabe para ka na namang armalite ah!" nangingiti nyang sabi.
" Tse!" sabi ko na lang sabay martsa papunta sa kusina nila.Ang mokong na yun nakuha pang ngumiti, naha- high blood na nga ako.
Huh.kaasar!grrr!
" Hahaha!" naririnig ko pang tawa ng hudyo.
Bwisit!
" O Laine, nandito ka pala." sabi ni Tita Bining." bakit parang high blood ka yata?" tanong pa nya.
" Hi, Tita! sabay nagmano sa kanya.
May pinabibigay po sa inyo si mommy, paborito nyo po." iwas ko sa huling tanong nya.
" Uy salamat anak, paborito ko nga yan at ang gawa ng mommy mo ang pinaka masarap na natikman ko." natutuwang sabi ni tita.
" Ay opo, masarap po talagang gumawa si mommy nyan." sabi ko naman.
" Bakit nga parang high blood ka pagpasok mo kanina dito?" kulit ni tita sa akin. Patay paano ko ba sasabihin sa kanya na yung magaling nyang anak ang dahilan?
" Ah eh, kasi po tita may palaka po akong nakita dyan sa labas,eh naaalibadbaran po ako, ang yabang po eh!" sabi ko na lang sa kanya.
" Palaka?Mayabang? May ganon ba?
Palakang mayabang.hahaha." tanong ni tita na hindi mapigilan ang pagtawa.Naaliw yata sa sinabi ko.
" Meron ma at napaka gwapo pa!"
singit ng boses na papasok ng kusina na parehong ikinagulat namin ni tita Bining...
*****
NAGULAT kami ni Tita Bining ng pumasok sa kusina ang hudyo, tatawa-tawa pa na akala mo nakakaloko. Sarap sampilungin ang gwapong mukha ng hudas.
Nagtataka si Tita Bining sa reaksyon namin. Nagpapalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ng anak niya.
" Anong meron? Magkakilala na ba kayong dalawa?" nagtatakang tanong nya sa amin.
" Hindi po!" sabay pa naming sagot.
" Eh bakit ganyan ang asta nyo?"tanong ulit ni Tita.
Walang sumasagot sa aming dalawa sa tanong ni Tita.Paano ko ba sasabihin na dalawang beses na kaming nagka- engkwentro nitong mokong na to eh ni hindi pa kami na- introduced formally. Ngayon ko nga lang nalaman na anak nya tong hudyong ito.I doubt kung alam rin nito na anak ako ng kumare ng nanay nya.Naputol ang pag- iisip ko sa sasabihin ko sana kay Tita ng bigla syang magsalita.
" Laine, ito yung bunso kong anak na si Nhel." pakilala sa akin ni Tita sa anak nya. Nabigla ako sa pangalang binanggit ni tita Bining.
So, ito pala ang famous Nhel na madalas ikwento ng mga kaibigan ko at special someone ni Lovie.Kaya naman pala hindi kami komportable ni Lovie sa isat- isa, we have something in common..hahaha..charut lang..ang harot ko lang.
" At anak, ito naman si Laine, ang panganay nila Tita Paz at Tito Franz mo." si tita uli.
" Ah opo ma, kilala ko na sya." sabi nung hudas.
Nagulat naman si Tita sa sinabi ng anak nya.
" Saan at paano mo sya nakilala anak eh ngayon lang sya pumunta dito sa atin at hindi ka pa rin namin naisasama dun sa kanila?" gulat na tanong ni tita.
" Di ba ma may nabanggit po ako sa inyo na may nakita akong nagwawalis sa labas ng bakod nila Tita Paz weeks ago?
" Ah oo nga, nagkakilala na ba kayong dalawa nun?" tanong ni Tita Bining.
" Hindi pa po tita." singit kong bigla.
Mahirap na, baka kung ano pa sabihin nitong mokong na to.
" Ngayong naipakilala ko na kayo sa isat- isa, sana maging magkaibigan din kayo katulad namin kasi matagal na kaming magkakaibigan ng parents ni Laine." sabi ni Tita Bining sa amin.
" Naku! sana nga po ma, eh ang taray nyan at parang armalite pa ang bibig!" sabi ng mokong.
Sabi ko na eh magsasalita na naman to.Teka nga hindi ako magpapatalo dito sa hudas na to. Armalite pala ha!
" Eh sino ba ang ubod ng yabang na akala mo pag- aari ang kalsada eh semplang naman at lumalaki na ang muscles sa sobrang pagbubuhat ng sariling bangko? Naku kung hindi ka lang anak ni Tita Bining baka nasampilong ko na yang pagmumukha mo.Armalite pala ha? You think we can be good friends huh? In your dreams, yes, maybe in your dreams coz you definitely know how to ruin my day." walang preno kong sabi.
" Tita Bining sige po uwi na ako." paalam ko sabay martsa palabas ng bahay nila.Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni tita dahil naiwan silang tulala na mag- ina.Sa bilis ba naman ng bibig ko pag naiinis ako, swerte na lang kung may maka singit pa.Kung bakit naman kasi sa tuwing magkikita kami ng mokong na yun hindi maiiwasan ang hindi magbangayan. In fairness, nakakapagod din ha.
Pagdating ko sa amin medyo kumalma na ako, mahirap na baka mag-usisa pa sila mommy.Pero alam kong one of this days malalaman din nila yung nangyari pag nagkita na sila ni Tita Bining.Haaay naku, kasi naman yung mokong na yun wala ng ginawa kundi inisin ako.
" Anak, nandyan kana pala, naihatid mo ba kila Tita Bining mo yung cassava cake?" tanong ni mommy pagpasok ko ng bahay.
" Opo mommy, natuwa naman po sya.
Sige po pasok lang ako sa room ko tawagin nyo na lang po ako pag dinner na." paalam ko kay mom.
" Sure, anak." sagot ni mom.
NANG gabing yon habang nakahiga ako sa bed ko para matulog na, naisip ko ang mga nangyari sa pagitan namin nung Nhel na yun.Hindi maganda yung first meeting namin kaya naman ganun na rin yata yung sumunod.
Ngayong alam ko na kung sino sya, kailangan ko na sigurong umiwas kahit alam kong imposible, dahil magkakaibigan ang mga parents namin.
Kailangan kong umiwas kasi hindi na maganda ang pakiramdam ko pag nakikita ko sya.Kumakalabog ang puso ko at parang nagpa-palpitate ako. Hindi sya maganda sa kalusugan.
Hindi pa rin pwede kasi bata pa ako sa mga ganitong bagay at isa pa girlfriend nya si Lovie. Mas bagay sila kasi magkasing age lang sila.Kaya madali nya akong maasar kasi nga tingin lang nya sa akin bata.
Kaya whatever feelings I have for him kailangang mawala na. Mas maganda kung magiging friends na lang kami gaya nung sabi ng mama nya.Bata pa ako at wala pang karapatang ma- inlove...