CHAPTER 9

1651 Words
Nhel's POV ILANG araw na rin ang lumipas simula nung tumanggi akong sumama sa barkada papunta dun kila Tita Paz para makipagkilala dun sa anak nya. Sa tuwing pupunta sila dun ay niyayaya nila ako pero kung ano-ano na lang dinadahilan ko para hindi ako makasama.Nagtataka na siguro sila sa akin kaya sinabihan ko na rin si Lovie na huwag ng sumasama sa kanila at ako na lang ang samahan para hindi nila mahalata na umiiwas ako.Para isipin na lang nila na may sarili kaming lakad. Ayoko pa lang talaga na magkita pa ulit kami ni Laine. Hindi naging maganda yung unang meeting namin tsaka isa pa, matindi na yung attraction na nararamdaman ko sa kanya.At ayoko rin na maging close sila ni Lovie dahil nga may feelings ako sa kanya.Unfair naman kay Lovie yun. Kahit naman hindi ako sigurado kung ano ba talaga kami ni Lovie basta bigla na lang parang naging kami, nirerespeto ko pa rin yun. Kaya todo iwas ako na makita ulit si Laine.Isa pa napaka-bata pa nya. Mukha lang syang dalaga dahil malaking bulas sya.But still bata pa rin sya.Pero simula nung makita ko sya hindi na naalis sa isip ko yung maganda nyang mukha. Pero talagang kailangan kong isantabi muna itong feelings na to dahil hindi pa pwede. Hindi pa tamang panahon. At isa pa nakakahiya rin kila Tito Franz at Tita Paz. Kaya todo iwas ako na makita sya. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Isang hapon, galing kami sa pamamasyal namin ni Lovie,umuwi na ako sa amin para maligo. Saktong katatapos ko lang magbihis ng may kumatok sa pinto namin. Nang buksan ko yung pinto,laking gulat ko ng makita ko kung sino ang napagbuksan ko.Ang babae lang naman, na naging laman ng isip ko simula nung makita ko. Pero kailangan hindi ako magpahalata, I need to use my Nhel Mercado's style..hehe. " W-what are you doing here?" tanong nya na medyo nag stutter pa sya. Nagulat siguro sya or maybe something deeper than that. Ang ganda talaga nitong babaeng to kahit nakanganga na.Kita ang mga mapuputi at pantay- pantay na ngipin.At ang lips, sarap sigurong halikan. Ay ang perv mo na naman Nielsen. Hindi yun dapat.Erase.erase! " Ako?" turo ko pa kunwari sa sarili ko, maang-maangan para maasar sya."Hindi ba dapat miss ako ang magtanong sayo nyan? Dito ako nakatira, hindi ba obvious? dahil ako ang nagbukas ng pinto." dugtong ko pa sabay ngiti na parang nang-aasar. Natulala na naman sya sa akin. Ang gwapo ko kaya pag bagong ligo ako at syempre ang bango ko pa.Naaaliw ako sa itsura nya na parang ini-inspeksyon nya ako.Kaya inasar ko na naman. Ang cute nya eh. " Hoy! Miss natulala kana naman.Are you done checking me out?" naks napa english pa ako ah. At ayun BINGO, napikon ko na nga, kaya parang armalite na naman sya.Hahaha..naaaliw talaga ako sa kanya at nag martsa na sya papunta sa kusina para puntahan si mama. Nung nasa kusina na sya at kausap si mama, palihim akong sumunod at nagtago sa may gilid pero sinigurado kong maririnig ko kung ano man ang pinag- uusapan nilang dalawa. Tsismoso ba ang dating ko? hindi noh! gusto ko lang talagang marinig ang boses nya. Lakas talaga ng tama ko sa kanya. Marinig ko lng boses nya heaven na sa akin yon.Patawarin nawa ako ni Lovie!hahaha. " Bakit ba parang high blood ka pagpasok mo kanina dito?" dinig kong tanong ni mama.Hayan na,ano kaya ang isasagot nya? " Ah eh, kasi po tita may palaka po akong nakita dyan sa labas ,eh naaalibadbaran po ako. Ang yabang po eh!" dinig kong sagot nya.Sabi ko na nga ba na bad trip ko na naman sya. Kinumpara na naman ako sa palaka. Pero teka palakang mayabang? May ganun ba? Ibang klase talaga tong babaeng to. " Palaka?Mayabang? May ganon ba?Palakang mayabang? tanong ni mama na natatawa na yata.O di ba pati nanay ko nagtataka rin. Hindi na ako nakatiis kaya lumabas na ako at sumingit sa usapan nila. " Meron ma at napaka gwapo pa!" Nagulat sila pareho paglabas ko at nagtataka naman si mama sa reaksyon naming dalawa ni Laine. " Anong meron? Magkakilala na ba kayong dalawa?" tanong sa amin ni mama. Sabay pa kaming sumagot ng " hindi" habang todo iling pa.Talaga namang hindi pa kami magkakilala ng pormal pero dalawang beses na kaming nagbangayan.Tindi noh! " Eh bakit ganyan ang asta nyo?" tanong uli ni mama na ngiting- ngiti na. Walang sumagot sa tanong ni mama,kaya pina-kilala nya na kami sa isat-isa.Sinabi nya, na kung maaari ay maging mabuti kaming magkaibigan kasi matagal na silang magkakaibigan ng mga magulang ni Laine. Eh umandar na naman ang pagiging dakilang mapang-asar ko. " Naku! Sana nga po ma,eh ang taray nyan at parang armalite pa ang bibig. " sabi ko na todo ngiti pa,gusto ko lang syang asarin. Cute nga kasi niya pag naaasar. At hayun nga, dahil nakalabit ko na yung gatilyo ng armalite,tuloy-tuloy na at spokening dollar na naman sya. Nagpaalam na kay mama at nag martsa na palabas ng bahay na asar na asar sa akin.At naiwan kaming mag-ina na naka nga- nga. KINAGABIHAN hindi na naman ako makatulog.Sabi ko na nga ba kaya ayokong makita si Laine. Paniguradong puyat na naman ako kaka- imagine sa kanya.Patay ako bukas nito, siguradong malaki na naman eye bags ko.Hindi na naman ako tatantanan ni Lovie katatanong kung bakit mukhang bangag na naman ako dahil sa puyat. Hindi ko syempre pwedeng sabihin sa kanya na dahil sa kakaisip ko kay Laine.Minsan ina-assume nya na sya ang iniisip ko. Hinahayaan ko na lang sya,hindi na ako nagko-comment o nagde-deny man para wala ng usapan. Haaay! buhay nga naman ng mga gwapo masyadong komplikado.... ******** PINUNTAHAN ko si Lovie kila Tito Felix kung saan sya tumutuloy para magbakasyon. " Lovie,bukas na yung perya sa bayan,gusto mo punta tayo mamaya?" aya ko sa kanya. " Talaga? Sige paalam ako kay Tito, sunduin mo na lang ako mamaya." sagot nya. " Okay. Sige uwi nako." paalam ko at tumalikod na. " Nhel!" tawag nya. Lumingon ako." Bakit?" " I love you"...sabi nya. I just nodded at tumalikod na.Hindi ko kayang sumagot pabalik sa kanya. Madalas nyang sabihin yang mga salitang yan sa akin pero ako, hindi ko kayang sabihin pabalik sa kanya. Paano nga ba parang naging kami ni Lovie? Last year lang kami nagkakilala. Summer vacation din nun.Pamangkin sya ng kalugar namin na si Tito Felix. Kapatid ng nanay nya si Tito Felix. Last summer lang sya nag umpisang magbakasyon dito sa lugar namin at pinakilala sya sa akin ng pinsan nyang si Lito.Friends lang kami last summer pero ngayong summer na to parang nag-iba na, parang nagpapahiwatig sya sa akin na gusto nya na maging kami na.Walang ligawan na nangyari basta ganun na. Wala naman akong special na nararamdaman sa kanya bukod sa pagiging kaibigan. Pero sya very vocal sya sa pagsasabi na espesyal ako sa kanya.Sabi nya boyfriend nya ako. Okay , sige na nga! Sanay na ako sa ganyan.Ayoko naman na kontrahin sya kasi ayokong manakit ng feelings ng babae.Gentleman ako at nirerespeto ko ang feelings ng mga kababaihan.Marami na rin ang mga babaeng na-ugnay sa akin pero isa man sa kanila wala akong niligawan. Wala akong nai- date at wala pa akong nahalikan. Para sa akin kasi yung babaeng magpapagulo ng isip ko at magpapatibok ng puso ko ang pagbibigyan ko ng lahat ng first ko. Yung mga babaeng na- ugnay sa akin,sila yung nagsasabi na boyfriend nila ako. Pinakikisamahan ko na lang. Sabi ko nga gentleman ako at ayoko silang mapahiya. Kaya tingin tuloy sa akin ng marami playboy ako. Kung alam lang nila.Wala pa nga akong nasabihan ng I love you. Sagrado kasi sa akin ang mga salitang yon at pag may sinabihan na ako nun, yun na sigurado yung "the one". Pang forever na yun. At sa totoo lang, si Laine pa lang ang nagpa- gulo sa isip ko at nagpa -t***k ng mabilis sa puso ko at aminado naman ako dun. Feeling ko nga in-love na ako.Kaya lang hindi pa tamang panahon kaya ie-enjoy ko na lang muna ang sarili ko sa pagtanaw sa kanya sa malayo at asarin sya pag may pagkakataon.. Maghihintay ako sa kanya.Hihintayin ko sya.At pangako ko yan sa sarili ko. KINAGABIHAN sinundo ko na si Lovie para magpunta na sa perya.Pagkatapos magpaalam kay Tito Felix ay sumakay na kami ng tricycle papuntang bayan. Maraming tao dahil first night.Maraming bagong rides at mga booths para sa games.Hinila ako ni Lovie para maglaro ng darts.Gusto daw nyang kuhanin ko yung premyong stuff toy para sa kanya.Dahil sa pagmamadali ni Lovie at maraming tao, nabunggo ko yung likuran nung babae dahil may tumulak rin sa akin. At aksidente ko itong nayakap. Wow! Ang bango nya, amoy baby at medyo sininghot ko pa. Dahil nga medyo napayakap ako sa kanya at naramdaman nya yung pagsinghot ko sa kanya.Bigla syang humarap at mataray na nagsalita. " Hey! You bastard, you're taking advantage of me!" Oh no! Heto na naman po kami.Strike 3 kana Nhel.At natulala na naman ako sa babaeng nasa harap ko na spokening dollar pag naiinis. Ang ganda talaga nya.Lalo ng nagwala ang puso ko at bumilis ang t***k nito.Para akong nanghihina. Lalo na kanina ng maamoy ko ang mala-sanggol nyang bango. Haay nako Laine hindi ka maganda sa kalusugan ko.Hindi na rin normal ang lahat ng sistema ko. Pero teka siguradong mag-aarmalite na naman ito dahil strike 3 nako. Patay ka Nielsen, ihanda mo na loob mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD