CHAPTER 45 - Hoping

1445 Words

Nhel IT'S been three months mula nung mangyari yung insidente na naging dahilan ng pag-alis ni Laine ng walang paalam. Three months na hindi ko alam kung paano ako naka-survived ng wala siya. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung ano ba talaga yung buong pangyayari kung bakit ganun na lang yung paglayong ginawa ni Laine. Siguro bukod dun sa mga sinabi sa akin ni mama na sinabi rin ni Laine sa kanya ay mayroon pa na mas malalim na dahilan.Hindi ko kasi alam kung ano ba talaga ang nangyari nun, wala akong matandaan sa sobrang kalasingan. Sinisisi ko ang sarili ko dahil kung hindi ako uminom ng sobra ay hindi sana nangyari ang ganun. Nasasaktan din ako dahil hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na makausap siya bago siya umalis at wala akong kaide-ideya na iiwan niya pala ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD