Laine Nung bumukas ang gate ng apartment ay isang nakangangang Rina ang bumungad sa akin. " Laine?!!!" gulat na gulat ang itsura nya. " Oh my God! Laine!!!! Hahaha." tuwang-tuwa na tumitili pa siya habang nakayakap sa akin. Napasugod na si Candy dahil sa lakas ng tili ni Rina. " Insan, hahaha..ikaw nga yan.Grabe hindi ako makapaniwala. Hahaha." tuwang-tuwa rin na yumakap si Candy sa akin. " Hahaha.ano ba papasukin niyo muna ako, pwede?" natatawang sabi ko. " Ay, sorry, sorry. Sobrang na-excite lang ako. Ang tagal mo kasing nawala. Miss na miss ka na namin. " hinging paumanhin ni Rina. Agad naman silang bumitaw at hindi magkamayaw na inalalayan ako papasok ng apartment. Tinawag ko si Mang Berto para ipasok ang mga gamit ko. At nang maipasok ng lahat ang gamit ko ay nagmamadali ng

