CHAPTER 27 - First Love

2274 Words
Nhel BEING in love is really a wonderful feeling.Yun bang inspired ka sa lahat ng bagay na ginagawa mo.Bago ka matulog naiisip mo siya at paggising mo siya pa rin ang laman ng isip mo.Having Laine as my first real girlfriend is really a blessing.Bakit nga ba hindi eh lahat na yata ng hinahanap ko sa isang girl eh nasa kanya na. Hindi ko makakalimutan yung araw na sinagot niya ako.Napaka-memorable nun dahil sa simbahan niya talaga ginawa. And imagine, humingi pa pala siya ng sign kay Lord bago niya gawin ang desisyon na yon.Talagang napabilib niya ako dun. Who would have thought that at her age maiisip niya yun at yung mga rules na ginawa niya. Wow, amazing talaga! Kaya lalo akong na in love sa kanya. Naalala ko pa nung kinabukasan na ipinaalam namin sa parents namin yung tungkol sa amin.We talked about it over dinner dahil nag-invite si tita Paz na dun kami mag dinner sa kanila. Si papa, si mama at ako.Kinakabahan kami pareho ni Laine nun pero kailangan naming maging honest sa kanila. FLASHBACK: " Tito Franz, Tita Paz, papa,mama may sasabihin po kami ni Laine sa inyo". kinakabahan kong bungad. " What is it Nhel?" tanong ni tito. " Ah eh huwag po sana kayong magagalit, alam po namin na bata pa po kami pero hindi po talaga namin naiwasan ang pana ni kupido." sabi ko. " You mean, nagkakaunawaan na kayong dalawa? si papa yun. " Opo.Gusto lang po namin na maging honest sa inyo at talagang mabuti po ang intensyon ko kay Laine." " Tsaka dad may rules po kaming ginawa kaya po hindi po kami lalabag sa kagandahang asal..Here po oh." si Laine habang inaabot sa kanila yung notebook na kinasusulatan ng mga rules namin. Binasa nila at matagal bago sila nagsalita.Nagpalipat lipat ang tinginan nila sa isat-isa bago may nagsalita. " Since nandyan na yan at maganda naman ang intentions mo Nhel, okay pumapayag kami but in some conditions,hindi kayo lalampas sa limitations ninyo.At isa pa, tayo lang muna dito ang makakaalam ha para walang tsismis at sundin ninyo yang mga rules niyo.Wala munang date-date at dito lang kayo sa bahay magkikita palagi.Maliwanag ba mga bata? si tito Franz yun. " Opo." sabay naming sagot. " At gawin ninyong inspirasyon ang isat-isa para makatapos kayo ng pag-aaral niyo.Nhel, ikaw ang lalaki kaya maging responsable ka at huwag maging mapusok.Ibibigay namin sa inyo ang tiwala namin at wag na wag niyo yung sisirain." paalala naman ni papa. " Opo pa." sagot ko. Natapos yung dinner na nakahinga na kami ng maluwag ni Laine.May blessings na kami ng mga parents namin. Sinabi na rin namin sa apat na kaibigan namin at masaya sila para sa amin at nangako naman sila na hindi sasabihin sa iba. Sa first two months ng relasyon namin ni Laine medyo naging mahirap para sa aming dalawa, paano ba naman parang laging nakabantay ang parents namin sa amin.Lagi silang nakamatyag.Pag pinupuntahan ko siya sa kanila hindi kami makapag-usap ng maayos dahil nasa likod lang namin si tito Franz. Sa pagsisimba kasama rin namin sila. Kapag hinahatiran ako ni Laine sa bahay namin ng mga niluto niya, nandun naman si mama at papa na nakabantay. Pero after that, pansin din namin na parang hinayaan na kami.Naisip namin na baka sinubukan lang nila kami.Hindi naman kami lumabag ni Laine sa lahat ng ipinangako namin sa kanila, at yun nga nakapasa naman siguro kami kaya hayun tinigil na yung pagmamatyag sa amin. Wala naman silang dapat ipag-alala sa amin ni Laine dahil sinusunod talaga namin yung rules namin pati na rin yung mga bilin nila.Hindi kami lumalampas sa limitations namin.Alam naman naming dalawa yun. Each passing day ay masasabi ko na talagang happiness para sa akin.Having Laine as my girlfriend, what more can I ask for? She's really amazing.She never failed to make me smile.Kahit lalaki ako kinikilig ako sa sobrang lambing at ka-sweetan niya.Wala kaming matinding act of intimacy.Holding hands, yun lang ang madalas at hugs na pang special occasion.Everytime she holds my hand, wow kinikilig na ako nun. Memorable sa aming dalawa nung birthday niya.I gave her an I.D bracelet na nung makita niya ay parang maiiyak na talaga siya.Pinabili ko kasi yun sa ate Merly ko nung nasa Singapore siya.Pina- engraved ko yung words na I love You sa harap tapos yung pinagdugtong na pangalan namin sa likod.Hindi ko inaasahan yung reaction niya nung isuot ko sa kanya yung bracelet. Niyakap niya ako tapos mabilis na hinalikan sa pisngi. Shocks! Kung ganun ba naman lagi eh di sana madalas ko na lang siyang regaluhan ng ganon.hehe. Yung first Christmas namin together ay masasabi kong great talaga.Paano ba naman simbang gabi pa lang panalo na.Isang jacket lang ang gamit namin,magkasukob.Yung right hand akin,yung left hand kanya.Yun na yung pinaka-intimate namin.O diba mainit ang pasko namin? Yung first Valentine's day namin, okay na rin naman kahit sa bahay lang nila kaming dalawa.Pinagluto niya ako ng mga favorite kong pagkain. Kahit bata pa yon ang sarap ng magluto at nag bake din siya ng chocolate cake.Dun kami nag- dinner sa garden nila at tuwang-tuwa na siya sa isang bouquet na red roses at tatlong malaking bars ng Cadbury chocolate na binigay ko. Favorite niya kasi yon at syempre may hug and kiss ako sa pisngi sa sobrang tuwa niya.Pang special occasion lang talaga yung kiss sa pisngi pero heaven na sa akin yon. Nung graduation ko umattend siya kasama ng barkada.Nakakuha din ako ng medals kaya lang hindi kasing dami nung sa kanya nung grumaduate siya nung grade school at nung manguna siya sa klase nila at sa buong freshman year. Binigay ko rin sa kanya yung isa kong medal. Sa parehong dahilan kung bakit binigay niya sa akin yung isang medal niya nun ng manalo siya sa ibat-ibang inter school quiz bee contest.Inspirasyon kasi namin ang isat-isa. Inabot niya yung graduation gift niya sa akin nung ihatid ko siya sa kanila.Isang parker ballpen na naka-engraved ang buo kong pangalan. Ang ganda! Kaya sa sobrang tuwa ko, ako naman ang yumakap sa kanya at pinayagan niya akong halikan siya. Oo, hinalikan ko siya pero sa noo. Halik lola! pero yun ang halik na punong-puno ng pagmamahal at respeto. SUMMER vacation na.Malapit na ang first anniversary namin ni Laine. Kailangan ko siyang I-surprise at kailangang ako ang mag effort dahil first celebration namin yun. Kailangan ko ng trabaho this summer para may magamit ako sa surprise ko sa kanya.Pwede naman akong humingi kay papa o kaya kay ate pero mas maganda kung pinaghirapan ko yung perang gagamitin ko sa anniversary namin. Uumpisahan ko na ngang maghanap ng summer job nang makarami. ******* Laine Love is just a word until someone gives it a meaning.Dati hindi ko alam yan, para sa akin isang simpleng salita lang na pwede mong ibigay sa mga taong malapit sa puso mo. But when Nhel conquered my innocent heart, he gave me the real meaning of the word. Kapag naaalala ko yung unang encounter namin, iba na yung naramdaman ko. Kahit panay bangayan ang nangyari hindi maikakailang tumibok ng hindi normal ang batang puso ko. In denial lang ako nun dahil bata pa nga ako pero yun na yun eh.Sabi nga walang pinipiling edad pag nagmahal.Ang saya lang kasi ganon din naman pala siya, pareho lang kami. For almost a year namin ni Nhel, I can say that I am a very lucky girlfriend.He is one of a kind. He's too good to be true. Wala talaga siyang sinasayang na pagkakataon para iparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal, nirerespeto at pinoprotektahan.Mas madalas nga na ako yung priority niya kaysa sa ibang bagay. Tulad na lang ng hindi niya pagsang ayon sa ate niya na sa Manila na mag-college. Pag- aaralin siya nito sa Manila dahil mas mainam raw kung dun siya ga-graduate kasi mas malaki daw ang opportunity na makahanap ng magandang trabaho. At dun na rin siya titira sa bagong bahay na binili ng ate niya para may kasama na rin ang anak nito pag out of the county sila ng asawa niya dahil sa negosyo ng mga ito. Yun mismo ang ayaw ni Nhel dahil magiging madalang na kaming magkita pag nagkataon.Ayaw na ayaw niya yung hindi niya ako nakikita dahil hindi raw siya makahinga.Natatawa nga ako pag sinasabi niya yon dahil ginawa niya akong parang inhaler.haha. Buo na raw ang pasya niya na dun na lang sa school ko mag-enroll dahil may college naman dun.Para daw mabantayan niya ako ng husto. Haaay kinikilig ako pag ganun siya. Kaya lang minsan may pagka-possessive din at seloso pero okay lang sa akin yun, mahal lang talaga niya ako. Simula nung mag-start ang bakasyon, napapansin ko na parang madalang ko na siyang nakikita kapag araw sa bahay.Bago pa sumapit ang bakasyon ay siya nga itong maraming balak gawin,tapos ngayon para siyang kabute. Nung tanungin ko siya ay marami lang daw siyang inaasikaso para sa pagpasok niya ng college.Nagtataka man, hinayaan ko na lang kasi bumabawi naman siya dahil hindi niya naman kinakalimutan na puntahan ako sa gabi.Okay na yun basta nakakasama ko pa rin siya. Pero nitong nakaraang dalawang gabi, missing in action na naman siya. Gusto ko pa naman siyang tanungin tungkol sa nalalapit naming first anniversary. Kaya I decided to cook for him at dadalhin ko sa kanila mamaya. Nagpaalam ako kay dad at lumakad na papunta sa kanila dala ang isang tupperware na Spaghetti at ilang piraso ng ginawa kong cookies. Dahil open naman ako sa kanila pumasok na ako ng diretso sa gate at kumatok sa pinto.Yung ate niya ang nagbukas, si Ate Merly. " O beautiful, ikaw pala yan,halika pasok ka.Ano yan?" magiliw na anyaya ni ate Merly. " Dumating ka pala ate.Spaghetti at cookies to meryenda ninyo." sagot ko. " Oo miss ko na sila mama tsaka kakausapin ko si Nhel." sagot niya. " Ah, nasan nga po ba si Nhel? two days ko na nga siya di nakikita." tanong ko kay ate Merly. " Two days?! gulat na tanong niya. Eh ilang oras ka lang di makita nun para ng pusa na di mapaanak yun, two days pa." nagtatakang dagdag pa niya. " That's why I'm here ate to know what's going on with him." sabi ko. " Well, he's not here, you ask na lang mama kasi ako rin hinahanap siya.Come inside at ng matikman na yang niluto mo." si ate. " Okay!" at sumunod na ako sa kanya sa loob. Nung nasa kusina na kami at kumakain na sila ay biglang dumating si Nhel.Pawisan ito at parang medyo umitim yata ng konti. Nung makita niya ako ay ngumiti ng pagkatamis-tamis.Shocks! Nasan ang hustisya? Medyo umitim na at pawisan pa ay gwapo pa rin tong nilalang na to. " Nandyan ka pala prinsesa ko, ano yang dinala mo?" tanong niya. " Mga favorite mo po.Nahiya naman ako sayo para ka na namang kabute na hindi sumusulpot." inis kong sagot. " Sorry na,busy lang." sabi niya habang umuupo sa tabi ko. Tumayo ako para ipaghain siya. " Saan ka naman busy this time ha? tanong ko habang nakataas ang isang kilay ko. " Whoa! Ibaba mo nga yang kilay mo at kinakabahan ako sayo." sabi niya tapos yung isang kamay niya ay nakalapat pa sa dibdib niya. Napangiti ako ng pigil sa reaksyon niya.haha.Ang cute kasi. " Ewan ko sayo! Kumain ka na nga lang diyan at mamaya na tayo mag- usap." sabi ko. " Hay naku! Kayong dalawa ayusin niyo yan.Sige tapos na rin lang kami maiwan na namin kayo ng makapag-usap kayo." sabi ni tita Bining na natatawa. " Sige diyan na kayo mga young lovers.Nhel usap tayo mamaya ha?" si ate Merly yun. " Okay! sabay pa kaming sumagot. Nung dalawa na lang kami, nagtitigan lang muna kami na parang sinusulit yung dalawang araw na di kami nagkita.Siya ang unang nagsalita. " Laine, sorry kung hindi kita napupuntahan madalas ha? May inaasikaso lang ako." bungad niya. I sigh." It's okay with me but you should have atleast tell me what's going on with you.Remember one of our rules?" sabi ko. " Yeah, I will tell you after kong maayos lahat, there's nothing serious about it,don't worry." sabi niya. " Okay,nag-aalala lang ako baka kung ano na nangyayari sayo.Hindi mo naman maaalis sa akin yon di ba? Sanay ako na lagi kang kasama." Tiningnan niya ako ng punong-puno ng pagmamahal at saka niyakap. " Kung alam mo lang Laine kung gaano kita na- miss at hindi ako makahinga pag hindi kita nakikita kaya lang importante lang talaga kaya nagtitiis ako. Promise, I'll tell you soon." " Sobrang miss na rin kita noh.Kaya lang Nhel, ligo ka na amoy araw ka kaya! Hahaha". Kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin at nahihiyang inamoy ang sarili niya. " Oo nga noh! Sige pagkakain maliligo na po ako prinsesa kahiya naman sayo.Hahaha." " Hindi joke lang.Kahit ano pa amoy mo ayos lang sa akin.Gwapo ka pa rin naman kahit amoy araw ka.hahaha." At masaya na naming tinapos ang meryenda na puro asaran pa ang nangyari. Haay! With Nhel around, what more can I ask for? He is indeed my daily dose of kilig!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD