Laine
OMG! Ngayon na ba yung right time? I know I'm asking for it but I didn't expect it this soon.Kinakabahan ako ngayong nandito siya sa harap ko.Hindi ko ma- explain yung feeling habang gulat na gulat naman siya na nakatitig sa akin.
Oh! God how I missed this handsome guy in front of me.
Natauhan lang ako nung magsalita na siya.
" Akala ko ba bukas pa kayo uuwi? Nagulat talaga ako na makita ka dito.
Nakayuko ka kasi kanina kaya hindi ko nalaman kaagad na ikaw yan.Although pamilyar sa akin yung perfume mo, ayoko rin naman na mag-assume. " sabi niya.
Hindi pa rin ako makakibo.Gosh! nalulon ko yata dila ko.Kasi naman nagulat talaga ako tapos parang lalong naging gwapo tong kaharap ko eh two months ko lang naman siyang hindi nakita.
Dugdug..dugdug...
Dugdug..dugdug..
Ano ba naman tong heart ko ayaw kumalma hindi tuloy ako makapagsalita!
" Uy Laine , natulala ka na dyan! anong nangyari sayo?Ganitong sobrang miss na kita gusto na kitang yakapin dyan."
" Ha?" yun lang ang nasabi ko.
Nagulat na lang ako nung mabilis siyang lumapit at tuluyang niyakap na nga ako ng mahigpit.
" Uy, Nhel hindi naman ako makahinga!" reklamo ko pero kinikilig naman ako.
" Sorry! Sorry! Sobrang miss kaya kita.Hmm.amoy baggage ka na galing United States, Laine!" sininghot-singhot pa ako ng damuho.
" Sira tsansing ka na nga dyan nang-aasar ka pa!" sita ko pa sa kanya.
" Tsansing pala eh bakit nakayakap ka rin sa akin? Hahaha!" tila nagulat na nga ako ng mapansin kong nakayakap na rin ako sa kanya. Awtomatikong namula naman ako sa kahihiyan.
" Hmp! Ewan sayo, tara na ngang umupo nangangalay na ako!" sabi ko sabay hila sa kanya para umupo dun sa pew.
"Hindi nga, bakit nandito na nga kayo?" tanong niya habang inaalalayan akong umupo.
" Ayaw mo nun, nandito na ako?
Pero seriously, humabol kasi ako sa enrollment, last day na. Kaya nagpa-book na si mommy ng mas maagang flight.Pinauna niya na akong umuwi dahil babalikan niya pa sila daddy sa Dasma.Maaga pa, kaya dumaan na muna ako dito.May tanong pa po?" nakangiti kong tanong sa kanya.
Ngumiti rin siya bago nagsalita. " Meron pa akong tanong.Na missed mo po ba ako mahal na prinsesa?"
Naku po! Bakit ganyan yang tanong niya parang ang hirap sagutin? Doble na yata ang t***k ng heart ko.Ang tagal kong hindi sumasagot kaya nainip na yata.
" Bakit nga ba ako nagtatanong pa sayo?Ako lang naman yata yung naka-miss.Sa ating dalawa, syempre ako lang yung nangungulila at nagmamahal.Asa pa ako na the feeling is mutual." may himig pa ng pagtatampo sa tinuran niya.
" Uy, Nhel saan naman galing yan ha? Bakit bigla kang naging ma-drama ngayon? tanong ko.
" Sorry naman.Sobrang miss kita tapos yung reaction mo ganyan lang, kanina ka pa tulala lang." malungkot na tugon niya.
I sigh.So heto na.I will finally give him the answer he would want to hear.Breath in, breath out.Bahala na si Batman!
" Nhel, do you really love me? "umpisa ko na kinakabahan. Yung puso ko parang lalabas na sa dibdib ko sa sobrang kaba.
" Of course Laine, I love you so much, sobra pa sa sobra." mabilis niyang sagot.
" At our age, kaya mo na ba talagang mag handle ng relationship?" naninigurong tanong ko pa.
" Wait a minute, bakit mo ako tinatanong ng ganyan? Huwag mong sabihing sasagutin mo na ako ngayon, baka mabulabog ko ang lahat ng rebulto dito pag nagkataon." nangingiting tanong niya. Yung ngiti niya parang umabot na yata sa anit niya. char!
" Teka lang, wag kang atat sagutin mo muna yung tanong ko kanina."
" Of course Laine, pag nagmamahal ka meaning kaya mo ring panghawakan at protektahan kung ano yung meron kayo.Maaring bata pa tayo pero maagang ipinaramdam sa akin ito. Siguro kaya ko ring I- handle ng mabuti ito lalo na kung ikaw yung katuwang ko." kampanteng sagot niya.
Napangiti ako sa sinabi niya." If ever na maging tayo can you promise me na hindi ako iiyak at masasaktan.? tanong kong muli. Gusto kong makasiguro syempre.
" Hindi ko maipapangako na hindi ka iiyak at masasaktan dahil kasama yon pag nagmahal ka. Hindi ko yun kontrolado.Ang maipapangako ko lang sayo ay mahalin ka,alagaan,irespeto at protektahan.Yun ang kaya kong ibigay sayo ng buong-buo hanggang sa ating pagtanda." sabi niya.
Natuwa ako sa sinabi niya.Seryoso nga talaga siya.Kaya naman magpapasya na ako, kumpleto na rin naman yung signs na hinihingi ko.
I heaved a sigh. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Bukod sa pisikal niyang anyo na kahit sino ay mabibighani, mayroon din siyang mabuting puso. Ito ang lalaking pagtitiwalaan ko at pagbibigyan ng puso ko. Alam kong hindi ako nagkamali sa desisyon ko na siya ang piliin ko dahil puso at isip ko ang nagdikta. I even asked for God's sign before I jump into this kind of decision.
" Wait lang ha?" at inilabas ko yung notebook na kinasusulatan ng rules at inabot ko sa kanya.
" Ano to?" nakangiti ngunit medyo may pagtataka niyang tanong.
" Buksan mo at basahin mo."
utos ko.
" Lainel's Relationship Rules
Anong ibig sabihin nito? You mean—"
tumango ako.Hindi na niya natapos yung sasabihin niya dahil pinigilan ko agad siya. Akma na kasi siyang sisigaw na parang nanalo sa sweepstakes.
" Laine ano ba masaya lang ako, can't help it! Hahaha. "
" Uy, Nhel wag kang baliw dyan! Kaya ko nga dito hiningi yung huling sign ko kasi gusto ko kaharap si God pag nag promise tayo sa isat-isa.Kaya behave ka diyan mamaya ka na magwala pwede?"
" Okay! Masaya lang ako,sobrang saya Laine.Ang tagal kong hinintay to.Yes! Thank you Lord." parang batang tuwang tuwa siya.
" Okay kailangang magkasundo tayo sa limang rules na yan.Ginawa ko yan kasi nga bata pa tayo para sa relasyon.So kailangan sundin na lang natin yang mga yan para guide na rin nating dalawa.Okay ba yon Nhel?" tanong ko.
" Siyempre okay, pero explain mo isa- isa para mapagkasunduan natin." tugon niya naman.
" Sige!"
Rule#1: God must be the center of our relationship.
" Kasama natin si God dito.Siya ang gawin nating sentro ng relasyong ito.Kung may pagkakataon we'll attend mass and pray together.Mas magiging strong ang relationship if we put everything in His care.Approve ba yon?"
" Approve na approve" sagot nya.
Rule #2: Don't let our fights lasts overnight.
" Hindi naman maiiwasan ang misunderstanding di ba? Kung sino may kasalanan mag sorry na agad huwag hayaang lubugan ng araw ng hindi nagkakasundo.Okay ba yon?
" Approve!"
Rule#3 : What's yours is mine and mine is yours.
" Meaning, may access tayo sa mga bagay- bagay or problems ng isat-isa at hindi rin issue sa atin ang pera ha? Approve ba yon?
" Okay! Pero pwera pag undies ha? Hehe.
" Heh! Oo naman, subukan mo lang manghiram ng bra sa akin.hahaha"
Rule#4 : I love you three times a day.
" Not literally naman, basta nagkita lang tayo huwag nating kakalimutan sabihin sa isat-isa yon.Okay Nhel?
" Okay Laine, I love you!"
Napangiti ako dun at nag blushed.
" I love you din po."
Ngumiti siya ng maluwang sabay nagsabi ng " yes!".
And lastly Rule#5 : No kisses,or any kind of intimate acts,and no dating without parents permission.
" Walang kiss sa lips ha until I reached the age of 18.Hugs lang na walang malisya at holding hands lang pwede.Maliwanag ba Nhel?"
" Grabe naman yun Laine ang tagal mo pang mag -18." reklamo niya. Napapakamot pa siya sa ulo niya.
" Nagmamadali Nhel? Kung ayaw mo eh di —" hindi ko na natapos kasi pinigilan niya ako.
" Okay na po! Akina pirmahan na natin." sabi niya na parang masama loob.
" O heto na!" inabot ko sa kanya pagkatapos kong pirmahan.
" Tandaan mo yung date ha? June 4 ngayon. Anniversary natin yan." sabi niya.
" Opo.Susundin natin to ha?At pwede ring mabago o madagdagan in the future." sabi ko.
" Okay ! Since hindi pwedeng I sealed yan with a kiss, eh di hug na lang!" nakangisi pa niyang turan.
At yun nga, ni-hug na ako ng gwapo kong boyfriend. Buti na lang kami lang dalawa sa loob ng simbahan.
Ihhh..kakilig.
Ang harot lang Laine!
At the age of almost 15, I fell in love.Hindi ako sigurado kung ano ang kahihinatnan nito.Sabi nila mahirap.Sabi nila kumplikado at masalimuot. Hindi maaaring hindi mo pagdaanan ang sakit lalo na't bata pa. Ngunit ginusto ko ito.Pareho kami.I jumped.We both jumped.Kung ano man ang kahihinatnan, wala kaming dapat pagsisihan, dahil nagmahal lang kami.Maaring sa maling panahon pero sigurado kami na sa tamang tao.
Dahil akin siya.Kanya ako.
And now it's official...?