CHAPTER 25 - Excited

1573 Words
Nhel's POV SA LAHAT ng summer vacation na dumaan sa buhay ko, itong summer na to yata ang hindi ko in-enjoy.Obvious naman kasi wala ang magandang prinsesa ko.Naintindihan naman ng barkada kung bakit malungkot ako. Alam na alam naman nila ang nag-uumapaw na damdamin ko kay Laine.Madalas nga nila akong asarin na hindi na raw babalik si Laine kaya wag na raw akong umasa. Tinatawanan ko lang kasi biro lang naman nila yun. Upang kahit paano gumaan yung nararamdaman kong lungkot. At isa pa, alam nila na nagpadala si Laine ng letter sa akin pagkadating pa lang nila dun sa US kaya okay na rin naman ako kahit paano. Excited na ako kasi malapit na silang umuwi. One week before ng school opening.Hindi ko alam kung paano ko na-survived yung mga nagdaang days na wala si Laine.Dumating din naman si Lovie pero hindi ako masyadong sumasama sa mga lakad na kasama siya.Umiiwas ako kasi bilin ni Laine bago sila umalis ay mag-behave daw ako. Ayoko na rin namang sakyan yung trip ni Lovie dahil ayoko na ring umasta siya na parang kami pero hindi naman.Alam ko masama ang loob niya sa akin hanggang nung umalis siya pero mabuti na rin siguro yon para maging malinaw na sa kanya na talagang wala namang 'us.' Dahil para sa akin, si Laine lang.She's my first love dahil sa kanya ko lang unang naramdaman lahat ng mga nakakabaliw na feelings na tinatawanan ko lang sa iba noon.I never thought that I could be so in love with someone at this age.Akala ko para sa mga adults lang yon. Alam ko naman at nararamdaman ko na may pag-asa naman ako sa kanya. I can feel it.The way she treated me now is kinda different, unlike before when we're just best friends. There's a spark whenever we gazed at each other. She asked me to wait and so I promised her that I will wait for her even if it takes forever.Ang corny ko na yata pero ganun talaga pag in love ka siguro. Seven days, five hours and forty five minutes, iyan na lang ang ipaghihintay ko at uuwi na siya.Grabe, sobrang missed ko na siya.Sobra pa sa sobra. ******* Laine's POV KAPAG pala naiinip ka na, parang mas lalong bumabagal ang oras.Haaayy! I wanna go home na coz I really missed my keroppi.Ilang araw pa ba? Seven days, five hours and forty five minutes.Kung pwede lang mabawasan yan kahit ilang oras lang sana. " Laine, tumawag si tita Baby mo, kailangan daw umuwi tayo ng mas maaga kasi hanggang next week na lang ang enrollment dun sa school ninyo, no more extensions kasi yun na daw yung extension.Scholar ka pa naman anak.Kailangan ko na sigurong ayusin yung schedule ng flight natin ng mas maaga." mahabang sabi ni mommy. Yes! Narinig yata ni God ang request ko..Thank you Lord. " So, ilang days na lang po tayo dito?" excited pa na tanong ko. " Maybe, mabawasan tayo ng one day, instead of one week, six days na lang. Kailangan mong makahabol dun sa binigay na extension ng school." sagot sa akin ni mommy. Alright! Pabor sa akin yon. " Sige po mommy, ayusin niyo na po yung flight natin at aayusin ko naman po yung mga gamit natin." " Okay baby, kausapin ko na si daddy para makapag ready na rin siya. " paalam ni mommy sa akin. " Okay mom." tugon ko. Nakakatuwa naman, mas maaga kaming uuwi ng Pinas.Kung dati halos ayaw ko ng umuwi at gusto ko mag-stay na lang dito,ngayon naman parang sinisilihan ako na makauwi na. Haha.Ano nangyari sa akin ha? Tsk! Nagtanong ka pa! Masaya ko ng inayos ang mga gamit namin pati na rin yung mga pasalubong ko sa barkada.And of course I bought my keroppi a few pairs of branded socks, perfume and white t-shirts na favorite niyang isuot. I'm so excited to go home and I just can't hide it! Yeah! baby....hehe. Char lang! Yesss! Makikita ko na rin ang mga friends ko and of course siya! Heh! Humarot ka na naman Alyanna Maine. Maghunus dili ka nga! ******* Nhel "Uy,bro! Tara punta tayo ng school. Ngayon na daw ilalabas yung mga schedule ng mga incoming fourth year pati rin kung anong section tayo.Huwag ka ng magmukmok diyan at darating na rin yung prinsesa mo bukas." si Wil yon habang hinihila ako pabangon sa kama ko. I sighed.Sa totoo lang parang wala akong gana kanina na pumunta ng school pero since binanggit niya na uuwi na si Laine bukas dinaig ko pa yata ang nakainom ng isang drum na energy drink. Haha..ganyan ang epekto ni Laine sa akin. " Sabi ko nga bro halika na eh, ang tagal mo naman kasi." sabi ko. " Ako pa matagal eh kanina lang parang ayaw mong sumama.Binanggit ko lang na uuwi na si Laine bukas para ka ng si Flash dyan. Hahaha.napaghahalata ka bro! Dali maligo ka na at sasamahan ko pa si Candy mamaya." tumatawang sabi niya. Madali na akong naligo at nagbihis. Ilang sandali pa, lumalakad na kami ni Wil papuntang school. Pagdating namin sa school, sobrang dami na ng estudyante. May mga incoming freshmen kasi na nag-eenrol pa. Nung makarating na kami ni Wil sa hallway ng Senior year para kumuha ng schedule, nakita ko si Jessica.Tipid siyang ngumiti sa akin.Himala! alam ko galit sa akin to ah. Buong school year nga akong iniwasan nito.Pero dahil gentleman ang peg ko ngumiti rin ako pabalik.Pagkatapos tumalikod na siya para lumabas. " Uy bro! Magkaklase pa rin tayo sa first section oh. Great!" tuwang-tuwa na sambit ni Wil habang itinuturo yung papel na nasa bulletin board kung saan nakalista yung mga pangalan namin. " Oo nga, buti naman bro." sagot ko. " Tapos ka na ba kumuha ng schedule? Sasamahan ko pa kasi si Candy mag-enroll, hinihintay ako dun sa hallway ng Sophomore." tanong ni Wil sa akin. " Sige bro mauna ka na tapusin ko lang to tapos mauna na rin ako umuwi ha?" sabi ko. " Okay baka matagalan nga kami kaya mauna ka na, kita na lang tayo mamaya sa tambayan." si Wil. " Sige bro! Ingat kayo." sabi ko sa papalayong si Wil. Binalikan ko na yung ginagawa ko at ng matapos ako, lumakad na ako palabas ng school. Nung nasa labas na ako sinulyapan ko ang relo ko.Maaga pa naman maglalakad na lang ako.Pero habang naglalakad ako napansin ko na sa kabilang direksyon ako dinala ng mga paa ko. Di bale pupunta na lang ako ng simbahan tutal maaga pa naman. Magvi- visit na lang ako, bonding muna kami ni Lord. At dumiretso na nga ako papuntang simbahan. ****** Laine HALOS 8am na nung lumapag ang sinasakyan naming airplane sa airport.Nagpahatid si daddy kasama ang mga kapatid ko sa bahay namin sa Dasma.Duon na muna daw sila magpapahinga at iuuwi na lang daw sila ni Mang Gusting bukas.Kami namang dalawa ni mommy ay dumiretso na ng Sto. Cristo para humabol ako sa enrollment na last day na ngayon. " Laine anak, pagkatapos nating mag enroll umuwi ka na sa bahay tapos ako naman babalik ng Dasma para puntahan sila daddy ng maaga kaming makauwi bukas.Nandun naman si tita Baby kaya may kasama ka." bilin ni mommy. " Mommy hindi po ba kayo napapagod? Bukas na lang po kayo umuwi ng Dasma, pahinga muna kayo sa bahay ngayon." sabi ko kay mommy. " Syempre anak napapagod, kaya lang dadaan din talaga ako ng office natin dahil marami akong aasikasuhin na napabayaan ko dahil nagbakasyon tayo.Papahinga naman ako mamaya. Don't worry." sagot nya. " Okay mom kayo po bahala." sagot ko na lang. Nakarating na kami ng school na halos tanghalian na.Buti na lang may mga teachers pa at bukas pa ang registrar's office. So far naging maayos naman yung enrollment ko.Madali kaming natapos kasi konti na lang naman ang nag-eenrol.Hinatid lang ako ni mommy sa sakayan ng jeep then siya didiretso na uli siya paluwas ng Manila.Bitbit ang backpack ko,nag kiss na ako kay mommy at bumaba na ako ng kotse namin. " Bye mom, you take care ha?" paalam ko. " Ikaw din baby, take care!" sabi niya. At sumakay na ako ng jeep. Habang nasa jeep ako naisip ko na bumaba ng simbahan tutal maaga pa naman tsaka dala ko naman yung notebook na kasama dun sa huling sign na hinihingi ko.I might give it a try.Who knows baka ibigay ni God yung last sign ngayon. Haaay! Laine what's with you ba? Hindi ka naman nagmamadali nyan. Hindi naman.Kaya nga humihingi ako ng sign di ba? Pagdating ko ng simbahan, as usual walang tao,ordinary day eh.Umupo ako sa may unahang pew at nag pray. Then after that, umupo na lang ako waiting for nothing. Nasa ganung posisyon ako nang maramdaman kong may umupo sa likuran ko then lumuhod siya dun sa luhuran para mag pray. Hindi ako lumilingon baka ma- distract ko yung pagdarasal niya.Then few minutes later naramdaman kong umupo na siya. Dahan-dahan akong lumingon at talagang na shock ako nung makita ko kung sino, actually pareho kaming na shock. OMG! as in OMG talaga! " Nhel?!" " Laine?!" " Paanong?!" sabay pa kaming nagtanong. Oh my gosh! Is this for real? Or am I dreaming?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD