CHAPTER 15

1134 Words
Laine's POV GABI na, nasa room ko pa rin ako.Kumatok si mommy at ng hindi ako sumagot ay pumasok na siya ng room ko. " Baby, what happened? Please tell me.I'm your best friend di ba?" sabi ni mom sa akin. I sigh.Hindi ako naglilihim kay mommy.Tama sya, siya ang kauna-unahang best friend ko. " Alright mom. It's about Nhel's girl. Nagkagulo po kanina kila tita Bining because of her wrong accusations.Mom, alam mo naman po na there's nothing serious about me and Nhel.Friends lang po kami." paliwanag ko. " I know anak.And I knew already what happened before dun kila tita Bining mo.But of course, I want to know your side . " mahinahong turan ni mommy. " Paano po mom? Sinabi po ba ni tita Bining?" tanong ko. " Hindi, nasa labas si Nhel kanina pa. Gusto ka nyang makausap." sagot ni mommy. " Mommy ayoko po muna syang makita at makausap. Not now please !" naluluha ko ng sabi. Hindi kumibo si mommy. Napa-buntung hininga na lang siya habang pinagmamasdan ako. Pagkatapos tahimik na lumabas na lang siya ng room ko. Umiyak na naman ako habang nakadapa sa bed ko.Nakakainis naman tong mga luhang to! Bakit ba napaka sipag? Kahit hindi mo utusan, nag- uunahan pa silang lumabas sa mga mata ko. Nasa ganoong posisyon ako ng maramdaman kong may pumasok sa room ko at umupo sa side ng kama ko.Si mommy siguro kukulitin akong mag-dinner. Nagulat na lang ako ng magsalita sya. " Laine, I'm sorry!" Oh Lord! bakit pinapasok siya ni mommy sa room ko? Hindi ako kumikibo.Hinayaan ko lang syang magsalita. " Alam mo naman kung ano ang totoo sa amin ni Lovie di ba?Hindi ko alam na ganon na pala siya ka serious kung ano ang meron kami.Alam mo rin naman kung ano ang prinsipyo ko sa love di ba? Hindi ko masabi sa kanya ang dahilan ko kung bakit hindi ko siya pinapakilala sa amin.Kaibigan lang kasi ang turing ko sa kanya. Ayaw ko siyang mapahiya at masaktan dahil may respeto ako hindi lang sa kanya kundi sa lahat ng babae." Nang hindi ako sumasagot ay nagpatuloy sya. " Hindi ko gusto yung ginawa nya sayo kanina Laine.Kung nasaktan ka mas nasaktan ako dahil bukod sa pamilya mo mas higit kitang kilala.Hindi ka ganon at kahit kailan hindi ka magiging ganon.I'm sorry, kung dahil sa akin naakusahan ka ng hindi maganda." deadma pa rin ako,para kasing may bikig sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita. " Uy,Laine! Kausapin mo naman ako." sabi nya habang niyuyugyog ang braso ko. Paano ba ako haharap sa kanya kung luhaan na ako? Nagulat na lang ako nung bigla nya akong hilahin paupo at iharap sa kanya. " Uy, wag ka namang umiyak.Lalo akong nagi- guilty nyan eh." nag-aalalang sabi niya habang pinupunasan ng panyo niya yung luha ko. Iyak lang ako ng iyak.Ewan ko ba kung bakit ayaw tumigil ng luha ko. Kasi naman kung ano-ano pa pinagsasabi nya eh. " Uy,Laine ano ba!" sambit niya at bigla niya na lang akong niyakap. Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi pa rin ako makapag-salita.Nakaramdam ako ng ginhawa sa paghagod nya sa likod ko. " Sorry na please.Promise hindi ka na iiyak at masasaktan ng dahil sa akin. Ikaw ang pinaka importanteng tao sa akin at ayaw kitang makitang ganyan.Kaya please na,tumahan ka na at kausapin mo na ako." Kinalma ko muna ang sarili ko at in- enjoy ko muna yung sarili ko sa hug niya. Ang bango kaya nya noh. Heh! saway ko sa isip kong humarot na naman. Wala na akong nagawa kundi ang kausapin na siya.Hinarap ko na siya at tinignan ng diretso sa mga mata. " Bakit ka ba kanina pa nagso- sorry dyan. Wala ka namang kasalanan. Wala na yun, okay na ako.Naisip ko bakit ako magtatanim ng sama ng loob kung alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ganung tao. Kahit kailan siguro hindi ako magugustuhan ni Lovie. Pakiramdam kasi niya kaagaw niya ako sa atensyon mo.At kahit ipaliwanag mo pa sa kanya na friends lang tayo hindi niya yon nakikita kasi binulag na siya ng maling akala niya." mahabang turan ko. Mataman lang siyang nakatingin sa akin habang nakikinig sa sinasabi ko. Huminga ako ng malalim para masabi ko sa kanya ang gusto kong sabihin na alam kong hindi niya papaboran. Kahit ako masakit para sa akin ang sasabihin ko pero kailangan lang talaga para sa ikatatahimik namin pare-pareho. " Kaya siguro Nhel mas mabuti pa, iwasan na lang natin ang isa't isa.Mas mabuti na yung ganon para wala na lang nasasaktan." parang kinurot ang puso ko sa huling tinuran ko. Nagulat siya sa sinabi ko.Nakita kong rumehistro ang sakit at pagkalito sa gwapong mukha niya. Wala siyang masabi kundi nakatitig lang siya sa akin.Tila pilit ina-absorb ng utak niya yung narinig niya mula sa akin.Ilang segundo pa ang lumipas bago siya nagsalita. " Huwag naman ganun Laine.Alam mong ikaw lang ang pinaka-malapit kong kaibigan.Sayo lang ako kumportable.Ikaw lang ang nakakaalam ng totoong ako." pagsusumamo niya. " Ako rin naman Nhel, ganun din naman ako. Bukod kay mommy ikaw lang yung kauna- unahang tao na masasabi kong best friend ko. Alam mo yung moods ko at sayo lang rin ako kumportable." nasasaktan ako sa nakikita kong sakit na bumalatay sa mukha nya. " Akala mo ba madali sa akin to.Eto lang ang paraan para walang masaktan.Sa tuwing may magkakagusto sayo,gusto mo ba palagi na isipin nila na threat ako sa kanila.Unfair din naman sa akin yon!" dugtong ko pa. " Laine, hindi ko kaya! Ngayon pa na sobrang attached na ako sayo." parang naluluha na siya habang nagsasalita siya, halata sa garalgal nyang boses. " Nhel, paano naman ako? Ganito palagi ang mangyayari kapag may babaeng mauugnay sayo. Gusto mo bang makita na inaaway nila ako dahil nagseselos sila sa closeness natin? Magiging paulit-ulit lang ang ganitong pangyayari." turan ko na pilit pinaiintindi sa kanya ang maaaring maging sitwasyon kung hindi ko puputulin ang ugnayan naming dalawa bilang magkaibigan. " Laine, iiwasan ko na lang ang mga babae para hindi ka na nila awayin. Huwag lang ganito, please. " pagsusumamo pa niya. " Hindi mo masasabi yon. Sadyang lapitin ka ng mga babae at hindi mo sila kayang ipahiya. Kahit umiwas ka kung sila naman ang determinado, wala ka ring magagawa. " sabi ko pa. " So, ganito na lang? Hindi mo ipaglalaban ang friendship natin? Hahayaan mo na lang na masayang dahil lang sa iniisip mong mangyayari na hindi naman tayo sigurado kung mangyayari nga. Kung makakaya mo, ako Laine hindi. Hindi ko kaya. " madamdaming wika niya. " Puwes Nhel, kung ayaw mo akong masaktan at makitang umiiyak.Kayanin mo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD