CHAPTER 16

1969 Words
Nhel's POV DIRETSO na akong umuwi ng bahay pagka galing ko kila Laine.Buo na yung desisyon niya na mag- iwasan kami sa kabila ng matinding pagtutol ko. Nasasaktan ako pero sa isang banda tama rin naman siya.Kung ayaw ko siyang makitang umiiyak at nasasaktan kailangang umayon ako sa gusto niya.At tama siya, unfair naman sa kanya kung ituturing siyang threat ng kung sino man ang mapa-ugnay sa akin. Wala akong magawa.Siya na ang nagdesisyon. Nirerespeto ko yun kahit na sobrang sakit para sa akin.Hindi ko alam kung paano tatakbo ang araw ko ng wala siya. Nang hindi ko na siya nakakasama. Kung kailan nasanay na ako na nandyan lang siya palagi.Siguro magpapalipas muna ako ng ilang araw hanggang sa humupa na lang ng kusa ang sitwasyon sa pagitan naming tatlo nila Lovie. Makaya ko kaya? Bahala na. LUMIPAS pa ang mga araw, at hindi ko na nga nakikita si Laine.Sinasadya ko na nga na magpatanghali sa pagdadala ng gatas kay tito Franz para makita ko siya pero parang sinasadya rin niyang huwag magpakita sa akin. Naisip ko, na siguro seryoso talaga siya sa desisyon niya.Knowing Laine, may isang salita talaga siya.Kaya naman, pinilit ko na lang gawin kung ano ang gusto niya.Kung talagang magkikita kami kahit anong iwas pa ang gawin niya, magkikita talaga kami. Marahil alam na rin ng barkada ang totoong nangyari kaya hindi na rin sila nagtatanong at kapag pumupunta sila kila Laine hindi na rin nila ako inaaya. Nagkikita at nagkakausap na rin kami ni Lovie.Ayaw ko naman siyang bastusin. Nag sorry naman siya sa akin at kay mama kaya okay naman na kami at para huwag na lang niyang awayin ulit si Laine. MINSAN magkausap kami ni Lovie sa terrace nila Tito Felix.May narinig kaming maingay na nagtatawanan papasok kila Rina.Magkatabi lang ang bahay nila at kay tito Felix kaya naririnig namin sila. May nagsalita na kilalang kilala ko ang boses.Kinabahan ako kaya ayaw kong lumingon.Nakilala siguro ni Lovie yung mga boses na nag- uusap sa kabila kaya kinuha niya ang atensyon nila. " Hi Rina! malakas niyang tawag. Dahilan para tumingin silang lahat sa direksyon namin.At nagulat na lang ako nung biglang ilapat ni Lovie ang labi niya sa labi ko. Hindi ako nakagalaw dahil sa pagkabigla. Hindi ko naman tinugon yung halik niya. Siya lang ang kusang humahalik sa akin.At ng matapos siya sa ginawa niya, napalingon ako kila Rina at lahat sila ay natulala kasama si Laine. Anak ng teteng! Halos dalawang linggo kaming hindi nagkita tapos ngayon sa ganong sitwasyon pa niya ako makikita.Ang lupit naman oh.Alam niya ang mga prinsipyo ko. Ano na lang ang iisipin niya sa akin nyan? Haisst! Talaga naman! Nakita kong tumalikod agad siya ng lumingon ako sa kanila.Sobra ko na siyang missed.Parang gusto kong tumalon sa bakod at yakapin siya ng mahigpit pero hindi ko magawa. At narinig ko na lang na nagyaya siya kila Pete na pumunta na ng bayan. Nakakalungkot. Dati ako ang kasama niyang nagpupunta dun. Haay! Laine ikaw ang nagpapasaya ng mundo ko at the same time ikaw din ang nagpapalungkot.Kailan kaya darating ang tamang panahon sa ating dalawa? ******* Laine's POV ALMOST two weeks na kaming hindi nagkikita ni Nhel.Pinilit kong iwasan siya kahit nahihirapan ako.Kapag pumupunta siya sa bahay para sa mga milk ni daddy, nagkukulong lang ako sa room ko at pag alam kong nakaalis na siya saka lang ako lalabas. Alam na nila sa bahay ang sitwasyon naming dalawa.Nirespeto naman nila mom at dad ang desisyon ko. Kahit nung una tutol sila dahil ayaw nilang masira ang friendship namin ni Nhel.Pero nung ipinaliwanag ko ng maayos yung side ko, okay na sila at hindi na sila kumibo.At alam ko maging sila Tita Bining at Tito Phil alam na yung sitwasyon. Alam ko madalas pa rin silang magkasama ni Lovie.Nasasaktan ako dun pero nung sabihin ni Tita Bining na kaya ginagawa lang yun ni Nhel ay para hindi na lang daw ako awayin ulit ni Lovie, naintindihan ko na.Nag sorry na rin daw si Lovie sa kanila. Sobrang missed ko na siya.Wala na akong nakaka kwentuhan palagi.Pag hindi ako makatulog, wala ng nagkakamot ng likod ko. Alam kasi niya na yun ang pampatulog ko. Nakakapanibago.Kapag nasanay ka na talaga sa presence ng isang tao, ang hirap mag adjust. Buti na lang may apat pa akong barkada na hindi nang- iiwan sa akin lalo na ngayon.Alam nila yung nangyari kaya hindi na sila kumibo at hindi na rin sila nagbabanggit ng kahit ano tungkol sa kanya. Minsan bago kami pumunta ng bayan dahil may inuutos na naman si mommy, naisipan muna naming tumambay muna kila Rina.Masaya kaming nag-uusap, ng may biglang nagsalita ng malakas. " Hi Rina! " Napalingon kaming lima sa tumawag at laking gulat namin ng makita namin si Lovie at Nhel, naghahalikan! Nasaktan ako sa nakita ko pero hindi ako nagpahalata.Alam ko ang prinsipyo niya pero bakit parang binali niya na. O baka naman totohanang sila na. Kaya naman ng makabawi na kami sa pagkabigla sa nakita, nagyaya na ako sa bayan. Nung nasa bayan na kami, hindi na nakatiis siguro kaya nagsalita na si Candy. " Grabe naman insan yung bestfriend mo hindi na itinago yung ganung tagpo." " Simula nung hindi na kayo nagkakasama parang bumalik na yun sa dati ah!" sabi naman ni Wil. " Baka bad influence si Lovie." si Pete naman. " Oo nga. Kung ano-ano pa ang mga pinagsasabi niyang hindi maganda kay Laine nung fiesta tapos siya pala yung ganon." si Rina. " Kung ako sayo Laine, kausapin mo na si Nhel. Huwag mo ng iwasan. Sige ka baka mapariwara pa yun." pananakot pa ni Pete sa akin. " Haay naku! Kung ano- ano sinasabi ninyo.Hayaan niyo nga siya. Matanda na siya.Alam niya na ginagawa niya.Tsaka malay ninyo baka sila na nga talaga kaya ganun." sabi ko na nagpatahimik na sa kanilang apat. Masama ang loob ko dahil sinira niya na yung prinsipyo niya.Ano pa ang susunod sa mga first niya ang ibibigay nya kay Lovie? Ayoko ng mag- isip, nasasaktan lang ako. ******* MARAMING araw pa ang lumipas at hindi na nga nagkikita sina Laine at Nhel. Malapit ng matapos ang summer vacation at enrollment na. Nakapag enroll na si Nhel kasama sina Pete at Wil at gayun din si Rina dahil sa iisang high school lang sila pumapasok. Umuwi na rin si Lovie ng Manila at nagpahatid pa ito kay Nhel sa bus station.Medyo nakahinga na rin ng maluwag si Nhel dahil hindi na siya nag-aalala para kay Laine ngayong nakaalis na si Lovie. Nakapag enroll na rin si Laine sa isang exclusive school for girls sa makalampas sa kabayanan ng Sto. Cristo. Branch naman ito ng dati niyang school sa Manila.Wala naman siyang naging problema sa requirements dahil lumipat lang naman siya ng branch from main.At pati ang uniform hindi na rin siya nagpalit dahil pareho lang din. Ilang araw na lang at pasukan na.Medyo excited na si Laine. Naisip niya na mas kailangan niyang mag focus ngayon dahil high school na siya.Kailangan nyang ma-maintain ang mataas na grades dahil iba na pag nasa high school.Kahit pa Valedictorian siya nung mag-graduate sa grade school, mahigpit ang laban dahil makakasama niya yung ibang Valedictorian na nag-enroll din sa school na papasukan niya. At isa pa, mas mabuti na rin yung maging busy siya para hindi na niya maalala ang bestfriend niya. Sa wakas pasukan na sa school! NAGMAMADALI si Nhel dahil kailangan pa nyang alamin kung anong section siya ngayong third year siya. Kasama si Wil , hinanap nila kung saang section sila at fortunately, magkaklase uli sila sa first section.Matalino rin kasi si Nhel lalo na sa Math at varsity rin siya katulad ni Wil. So far, naging maayos naman ang first day ni Nhel.Kaklase pa rin niya yung mga dati niyang kaklase last school year.Medyo ang hindi okay ay nung makita niya si Jessica na kaklase pa rin nya. Si Jessica, ay na link sa kanya last school year.Muse ito ng klase nila at siya ang escort.Tinutukso sila ng buong klase at sinasakyan na lang niya kaya naman nag- assume ito na may gusto siya dito.At dahil likas ang pagiging gentleman niya, ayaw niya itong mapahiya kaya hinayaan niya na ito sa pag- aassume na may gusto siya dito. Nagulat na lang siya ng isang araw mabalitaan niya na sila na daw at yun ang sinasabi ni Jessica sa lahat.At hayun, may instant girlfriend na naman siya ng hindi siya nanligaw. Naging sila nung halos buong school year na yon at para sa kanya,ganun lang pag nasa school lang sila.Hindi niya ito hinahatid o pinupuntahan sa bahay nito basta dun lang sila sa school.Okay na sa kanya yon dahil wala naman siyang feelings dito. Pinakikisamahan lang niya si Jessica ng maayos dahil hindi niya ito kayang ipahiya. At bago matapos ang school year nakipag-hiwalay na ito ng kusa sa kanya dahil parang wala naman daw itong napapala sa kanya bilang boyfriend at masama ang loob sa kanya. Ganyan rin ang naging sitwasyon niya dun sa dalawa pang nauna kay Jessica.Ewan ba niya, kahit ilan na yong na link sa kanya wala talagang nakapag-patibok ng puso niya.Not until Laine came and his heart went wild. Naging maayos rin naman ang first day ni Laine sa school.Mababait naman ang mga classmates niya at masaya siyang tinanggap ng buong school lalo na ng malaman nila na galing siya sa main branch sa Manila. Ang ganda niya sa suot niyang uniform. Yun pa rin naman yung dati kaya lang kapag high school na, may kasama itong jacket. Okay naman kay Laine na may jacket dahil malamig ang lugar kasi full blast ang aircon sa mga classrooms nila. May mga nakipag-kaibigan na rin sa kanya pero mas naging malapit siya sa seatmate niya na si Regine Guevarra. Maganda ito at simple at pareho silang may sense of humor kaya madali niya itong nakagaanan ng loob. Nang hapon na ay sinundo na siya ng driver nila na si Mang Gusting pagkatapos sunduin ang mga brothers niya sa school ng mga ito. Lumipas pa ang mga buwan ng hindi nila namamalayan.Totally adjusted na si Laine sa bagong school at ngayong darating na foundation day nga ng school nila, siya ang napili sa year nila na lumaban para sa title na Miss Campus Queen. Pumayag naman ang daddy at mommy niya dahil madalas naman na sumali si Laine sa mga ganung pageant ng school. Sa panig naman ni Nhel, dahil third year na siya, sumali siya sa COCC sa CAT class nila para maging cadet officer siya pagdating ng fourth year. Kaya madalas gabi na siya nakakauwi dahil may activity pang pinagagawa sa kanila ang mga officers nila.At maganda na rin siguro yon para hindi niya masyadong naaalala yung sitwasyon nila ni Laine. Madalas pa rin namang nakakasama ni Laine ang mga kaibigan sa mga lakad kapag walang pasok pero kapag alam niyang kasama si Nhel hindi siya sumasama. Ganoon din naman si Nhel, kapag may lakad ang barkada na alam niyang kasama si Laine, nagpapaiwan na lang siya. Naintindihan naman ng barkada nila ang kagustuhan nila pareho kaya kahit nahihirapan sa sitwasyon na hindi sila buo, nirerespeto pa rin nila ang desisyon ng dalawang kaibigan nila. Ngunit hanggang kailan sila magiging ganon?Umaasa ang mga kaibigan nila na sana bumalik na uli silang dalawa sa dati. At naisip nila na kailangan na nilang gumawa ng paraan.Kailangan lang ng tamang pagkakataon at tiyempo. At kailangan na nilang pag planuhan kung paano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD