CHAPTER 17

1221 Words
Laine's POV MALAPIT na ang foundation day ng school at kasabay ito ng feast day ni Mama Mary kaya malaking event ito ng school. Kailangan kong mag-rehearse ng husto para sa talent ko. Ilang araw na lang ang natitira para mag-practice kaya kailangan ma-perfect ko na.Medyo mahirap pa naman yung gagawin ko. Ayos na yung gown na isusuot ko. Pati yung para sa talent at casual attire naayos na lahat ni mommy.Halos araw- araw, medyo gabi na ako nakakauwi dahil nga sa practice. Pero ngayung araw maaga kaming pinauwi. Pahinga naman daw, 3 days na lang kasi. Dahil na miss ko na ang barkada kaya pinuntahan ko si Candy sa kanila. Alam kong mga ganitong oras nasa bahay na siya. Maaga kasi ang tapos ng klase nila kaysa sa mga higher years na katulad nila Rina, Pete at Wil. " Insan,punta tayo kila Rina. Ayain natin sila, kain tayo ng inihaw sa bayan." bungad ko. " Naku insan, nasa school pa yung tatlo mamaya pa yon.Gusto mo sunduin natin sila?" tanong niya. " Alam ko na nasa school pa sila. Kaya nga niyayaya kita kasi hindi ko pa nga nakikita yung school ninyo eh!" excited kong sabi.Magkakasama kasi sila sa school at ako lang ang nahiwalay. " Sigurado ka ba dyan? Dun din nag-aaral yung bestfriend mo?" tanong niya. Natigilan ako sa tanong niya.Oo nga pala pero siguro naman hindi namin makikita yon. " Hindi naman siguro natin makikita yon. Sakali man baka malayo pa lang tayo magtatago na yun para makaiwas. "sagot ko na medyo alanganin pa. " Oo nga ano? Sige lika na!" excited na niyang pagyaya sabay hila sa akin. Habang naglalakad kami ni Candy, nag- uusap lang kami para hindi kami mainip medyo malayo pa kasi yung school. " Musta na yung practice mo para sa pageant? Three days na lang insan, hindi ka ba kinakabahan?" tanong niya habang naglalakad kami. " Okay naman, konting practice na lang perfect ko na siguro yun.Pero syempre kinakabahan pa rin ako. Hindi kasi biro yung mga exhibitions na gagawin ko. Isang maling galaw lang pwede akong bumagsak. Todo dasal nga ako kapag nagpa-practice, kay Lord lang talaga ako kumukuha ng lakas eh. Punta kayo ng barkada ha? support lang ba para hindi naman ako kabahan." turan ko. " Sure, napag- usapan na namin yon ng barkada. Friday night naman yun di ba? kaya free na kami lahat.At isa pa, hindi ka naman namin pwedeng pabayaan noh. Proud kaya kami sayo." masayang sabi pa niya ng biglang matigilan siya. Medyo napalitan ng lungkot ang masayang mukha niya kani-kanina lang. " Laine masaya siguro kung okay kayo ni Nhel ano? Siguradong todo support din sayo yun at malamang lagi kang sasamahan nun sa mga practice mo. Nakakalungkot lang na sa mga ganitong event sa buhay mo, kulang tayo. " dagdag pa ni Candy. I heaved a deep sigh. Huminto kami sa paglalakad at hinarap ko siya. " Kends, lahat ng nangyayari may rason. Kung magkakaayos kami ni Nhel, sa tamang rason din. Hindi ko maipagkakaila na may naituro din sa amin pareho ang nangyari. Sa side ko, natutunan ko kung paano maging independent. Masyado na kasi akong naging dependent kay Nhel to the point na naipagkakamali na ng iba sa seryosong bagay yung mga ikinikilos ko. Sa side naman niya, siguro babawasan na niya yung sobrang pagiging gentleman niya dahil madalas nag-aassume yung mga babae na he's in for a relationship with them. I know in time, magkakaayos din kami. And by that time, alam kong magiging matatag na ang friendship namin dahil dumaan na kami sa pagsubok. " mahabang turan ko. Nakangiting tumango si Candy ng maunawaan niya ang lahat ng sinabi ko. Matapos nun nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad. Nung medyo napapagod na kami sa paglalakad nag-suggest na si Candy. " Laine sa short cut na lang tayo dumaan para mabilis. Para nasa likod na ng school agad tayo." si Candy. " Sige, ikaw naman nakakaalam niyan sunod lang ako sayo." ayon ko. Nagmamadali na kaming lumakad ni Candy papunta dun sa short cut na sinasabi niya. Pagdating namin malapit sa likod ng school, may nakita kaming dalawang tao na nakaupo dun sa concrete bench. Yung girl medyo nakaharap sa amin,kaya nakita ko yung itsura niya.Maiksi yung hair niya,hindi naman siya kagandahan pero malakas ang s*x appeal niya. Magkaharap silang nag-uusap nung lalaki kaya hindi ko makita ang itsura nung guy.Para silang nagliligawan dahil sobrang lapit ng face nila at hawak pa ni girl yung kamay ni guy. Hindi ko alam kung bakit parang kinabahan ako sa eksenang nakita ko. Siguro instinct nga,dahil nung dumaan na kami ni Candy automatic na napatingin sila pareho at laking gulat ko ng si Nhel yung nakita ko na kaharap nung girl. Saglit na nagtama ang paningin namin at siya ang unang nagbawi ng tingin.Hindi ko alam kung napansin yun ni Candy, kasi dali-dali niya akong hinila palayo sa lugar na yon. Panibagong sakit na naman yung naramdaman ko.Six months na ang lumipas nung makita ko siyang nakipag- halikan kay Lovie pero pinilit ko yung kalimutan. Tapos ngayon heto na naman, isang pagbali na naman sa prinsipyo niya. Hindi ako dapat nasasaktan dahil magkaibigan lang naman kami. Oo crush ko siya pero bakit ganon ang nararamdaman ko? Bakit parang may kurot sa puso? Sa wakas nakapasok na kami sa loob ng school.Habang hinihintay namin sila Rina, umupo muna kami ni Candy sa waiting area nung school. " Insan, okay ka lang?" tanong niya. " Bakit ganyan naman ang tanong mo? Mukha ba akong hindi okay?" balik tanong ko sa kanya. " Kasi alam ko, nagulat ka dun sa nakita mo dun sa likod." sabi niya. " Hay insan, nagulat lang ako dahil hindi ko ine- expect na siya yun pero for sure okay lang ako." sabi ko. " Hindi naman maganda yung girl ano? Hindi sila bagay.Mas maganda ka dun ng di hamak." nanlaki ang mata ko sinabi niya. " Hoy! insan, saan nanggaling yun ha? tumatawa kong sabi. " Mamaya may makarinig sayo dyan!" dagdag ko pa. " Ah basta para sa akin, walang ibang babaeng bagay kay Nielsen kundi ikaw lang.Taga mo yan sa bato insan!" seryoso niyang sambit. " Hoy! Hoy! Tigil-tigilan mo ako at di nakakatuwa yan insan.Wala pa sa isip ko yang ganyang bagay.Itaga mo yan sa tubig!" natatawa kong wika. " Ah basta, malakas ang pakiramdam ko na magiging kayo niyang bestfriend mo, sa tamang panahon." determined na sambit niya pa. I just rolled my eyes on her. At nagtawanan na lang kaming dalawa. Maya-maya dumating na rin yung tatlo at dumiretso na kami sa bayan para kumain ng inihaw. Nung gabing yun habang nakahiga na ako para matulog, naisip ko na naman yung nangyari kanina.Yung saglit na pagtama ng paningin namin ni Nhel.May nabasa akong emotions dun sa tingin niya sa akin kanina pero nagbawi rin naman agad sya.Kasi alam nyang mababasa ko yon.He knew me very well at alam niyang may kakayahan akong ganoon. I saw sadness and pain in his eyes at yun din naman ang nararamdaman ko nung mga sandaling yon. After six months of not being together, alam namin pareho na hindi pa rin kami nasasanay. And maybe, we should do something about it! And I thinks, it's not too late.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD