Nhel's POV
MAAGA akong umuwi from school kasi wala yung teacher namin sa CAT class.
Pagdating ko sa bahay dumiretso na ako sa kwarto ko para magpahinga muna ng konti.Sinabihan ko na lang si mama na tawagin na lang ako kung may kailangan siya.
Habang nagpapahinga ako, napadako ang tingin ko sa study table ko.Sa tabi nung lampshade ko ay yung picture namin ni Laine na nasa frame.Kuha yon nung birthday ng bunso niyang kapatid na si Drake.Pinakopya niya ng dalawa at binigay niya sa akin yung isa na naka- frame na.Nasa bedside table sa room niya naman yung isa.
Bumangon ako at kinuha ko yung picture. Pinagmasdan ko ang nakangiting mukha ni Laine.
Ang ganda talaga niya. Hindi lang mukha kundi pati kalooban niya.Napaka down to earth na tao.Kahit napaka pilya niya kung minsan, nakakaaliw naman siya. Maalalahanin at maasikaso.At sobrang malambing siya bilang kaibigan.
God sobrang missed ko na siya.Ilang buwan na nga ba kaming hindi nagkakasama at nagkakausap? Six months na.Ang tagal na pala.
Dapat sana nung umalis si Lovie, gumawa na ako ng move para bumalik na kami sa dati.Pero naduwag ako kasi baka galit siya nung makita niya na hinalikan ako ni Lovie.
Hindi ko pa naipaliwanag sa kanya yun.Umiiwas kasi siyang sumama sa lakad ng barkada kapag alam niyang kasama ako.Kaya kapag alam kong gusto niyang sumama, nagpapaiwan na lang ako.
Madalas ko pa rin namang nakakausap si Tito Franz. Tuwing umaga kasi pagkagaling ni Mang Gusting sa paghahatid kila Laine sa school, hinahatid naman nya si Tito Franz sa amin para puntahan si papa. Inaabutan pa niya ako madalas sa bahay dahil medyo tanghali ang unang klase ko.
Nanghihinayang si Tito Franz sa friendship namin ng anak niya kaya sinasabihan niya ako na ayusin daw namin ni Laine kung ano man ang di namin pagkakaunawaan.
Iniisip ko na ngang gawin yung payo ni tito kaya lang kumukuha pa ako ng tamang tiyempo.
Mukhang malabo na naman yung chance na hinihintay ko kasi may nangyari na naman na hindi ko inaasahan.
Nung isang araw nagulat ako nung makita ko sila ni Candy na dumaan sa may likod ng school.At nakita niya na naman ako sa hindi magandang sitwasyon.Sumunod lang kasi ako sa command ng senior officer ng COCC.
Kunwari daw na ligawan ko yung isang second year na may crush sa akin habang nakabantay naman siya, yung officer ko dun sa loob.Ewan ko ba kung bakit ganun yung command sa akin nung araw na yun. Hinala ko request yun nung second year na yun kasi nalaman ko na kaibigan niya yung senior officer. Binati pa nga nung senior officer yung second year na yon ng Happy Birthday. Kaya nabuo yung hinala ko na baka ako yung hiningi niyang birthday gift.
Yun pa naman ang dinatnang tagpo ni Laine.At talagang pag minamalas ka nga naman!
Kinabahan ako nung makita ko siya.After six months, ngayon ko lang siya nakita ulit ng malapitan.Tuwing umaga kasi inaabangan kong dumaan yung kotse nila para kahit sa malayo man lang makita ko siya.
Nagtama ang paningin namin.
Agad akong nagbawi kasi ayokong mabasa niya sa mga mata ko yung mga emotions ko.Magaling pa naman si Laine sa ganun.Kaya niyang bumasa ng nararamdaman sa pamamagitan ng pagtingin sa mga mata.
Nadagdagan na naman ang kasalanan ko sa kanya.Iniisip niya siguro na binabali ko na lahat ng prinsipyo ko.Nawalan na naman ako ng pag-asa na makalapit ulit sa kanya.Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya lahat ng maling akala niya? Ni ayaw nga niya akong makita at makasama. Palagi na lang siyang umiiwas.
At paano ko rin pagbibigyan sila Rina sa hiling nila na sumama ako sa foundation day ng school nila Laine para panoorin siya na lumaban sa pageant?
Baka pag nakita niya ako,mag back out siya at masira pa ang pageant. Haisst! Ang hirap naman nito.
Kung bakit naman kasi isinilang akong gwapo!
Haha..anong connect nun Nhel?
KINABUKASAN nagkausap kami ni tito Franz bago ako pumasok ng school.
" Nhel, hindi mo ba panonoorin ang kaibigan mo mamaya sa pageant niya?
Kung gusto mo dun ka na lang kay Mang Gusting sumakay. Si tita Paz mo naman ang magda- drive para kay Laine." sabi ni tito.
" Eh tito, gusto ko nga po sana. Niyaya na nga po ako ng barkada, kaya lang po baka makita ako ni Laine eh mag back out pa siya." sagot ko.
" Akong bahala, pumunta ka!" pilit pa ni tito.
" To, kilala niyo naman po yung anak ninyo di ba? Baka tarayan lang po ako nun." todo tanggi ko pa.
" Pero, gusto mo siyang makita? Sayang ang ganda pa naman ng mga attire niya at ang lupet ng talent niya." pangungumbinsi pa ni tito Franz.
" Gustong- gusto ko nga po, tito, pero paano nga po?" tanong ko.
" Simple lang, eh di wag kang magpakita!" sabay ngiti niya sa akin.
Oo nga noh! Bakit di ko naisip yun?
Nagpaalam na ako kay tito Franz pagkatapos kong sumang- ayon sa suggestion niya.
Tama! Hindi na lang ako magpapakita sa kanya.
*******
Laine's POV
Foundation day na.Mamayang gabi na yung pageant.Gosh! kinakabahan yata ako dahil kakaiba yung gagawin ko sa talent portion.
Formal dress.check!
Casual dress.check!
Roller skates attire.check!
Yes, roller skating ang gagawin ko sa talent portion.Sana lang ma-perfect ko yun.Baka sumemplang ako, kakahiya! LORD! Help me.
Manonood pa naman ang buong pamilya ko,ang mga barkada pati na rin sila Tita Bining at tito Phil. Well of course,without the famous Nhel. Baka hindi pa ako makapag-perform ng maayos kung makikita ko siya.
At tsaka asa pa ko! Eh busy naman yun sa panliligaw sa isang babaeng short hair na hindi naman kagandahan.
Yun na siguro yung forever niya kasi yun na yung niligawan niya.
Uy! Bitter lang ang peg Laine?
Medyo inagahan namin nila mommy ang alis para makapag-prepare ako sa dressing room.
Susunod na lang sila Rina dahil hindi na sila kasya sa isang kotse namin.Si Tita Baby na kasi ang sakay nun at ang tatlong brothers ko.Babalikan na lang sila ni Mang Gusting.
Marami ng tao sa dressing room ng dumating kami ni mommy.Si daddy, tito Phil at Tita Bining ay kumuha na ng pwesto sa may harapan ng auditorium.
NAG-UMPISA na yung program.Naiinip na ako at the same time,nervous din.
And finally, matapos ang mga sandamakmak na intermission numbers, message ng school administrators at guest speakers, nag- umpisa na ang pageant.
Magpapakilala na kaming mga contestants suot ang aming formal gowns.Bale anim kaming lahat na maglalaban-laban..2 sa grade school at 4 sa high school.At ang mananalo will be crowned as Miss Campus Queen.
Contestant number 2 ako...rumbled ang mga numbers namin basta kung ano na lang ang maibigay sayo from number one to six.
Hindi naman importante yung number basta fight lang ng fight.
Rumampa na kami sa stage suot ang aming formal gowns.I'm wearing a navy blue gown with crystal beads.Tube sya na medyo emphasized yung cleavage ko pero hindi naman ito ganon ka-revealing but sexy kasi fit ito then pa-baloon yung laylayan niya.Nung makita nga ako ni mommy napa-nganga sya.
Gosh! Ang ganda ko siguro.hehe.
" Good evening everyone! I'm Alyanna Maine Guererro, 13 years old, and proudly represents the freshman year."
Ang lakas ng sigawan ng mga nanonood, nakita ko ang pamilya ko sa may unahan, Nhel's parents at yung apat kong kaibigan.Talagang proud sila na makita ako on stage kaya naman gagalingan ko para sa kanila.Medyo nalungkot lang ako ng konti kasi may kulang.
Then, natapos na yung iba na magpakilala.
Casual wear na.Rampa ulit.This time, white long sleeves ang suot ko na tinernuhan ng black leather skirt na above the knee tapos leather boots.Cool.
The crowd really went wild pagrampa ko dun sa suot ko.Hindi ko alam kung bakit ganon kalakas ang dating sa kanila nung suot ko.Sabagay kakaiba nga naman kumpara dun sa ibang candidates na normal lang na casual dress ang suot.
Then came the talent portion.Nagbunutan kami para sa pagkakasunod-sunod ng magpe-perform.Second to the last ako at yung grade five ang pinaka last.
Sing and dance ang ginawa nung naunang fourth year.Folk dance yung sumunod na second year.Declamation naman yung pangatlo mula sa grade six.Tapos acting yung sa third year na siyang pang-apat.Kakaiba na naman yung sa akin.Ewan ko lang kung ano talent nitong grade five na susunod sa akin na siyang panghuli.
Tinawag na ako.Pinatay yung ilaw at spotlight lang ang nakatutok sa gitna ng stage.Hindi pa ako lumalabas, boses ko lang na kumakanta ang naririnig nila.
Somewhere out there
Beneath the pale moonlight
Someone's thinking of me
And loving me tonight.
Somewhere out there
Someone's saying a prayer
And will find one another
And that leads somewhere out there.
Nagsisigawan na yung mga tao, naiinip na silang makita yung may- ari ng boses.Nang chorus na nung song lumabas na ako wearing red shorts and jacket at ang roller skates ko.Patuloy ako sa pagkanta habang nag-iiskate. At ang pinaka highlight ay nung umikot ako ng mabilis at nag-skate ng puro exhibitions.Yung parang nagpe- perform sa Holiday on Ice sa Araneta pag magpapasko.
Lalong nagsigawan ang mga tao at kinilabutan ako ng makita ko ang lahat na tumayo habang malakas na pumapalakpak.
Gosh, standing ovation!Thank you Lord, I made it.
Then yung pinaka huli na nagpakita ng talent nya ay yung grade five at ballet dance ang ginawa nya.
Question and answer portion na. Isang tanong lang ang sasagutin naming anim na contestants. Ilalagay muna sa isolation booth yung mga hindi tatanungin para hindi marinig yung isasagot nung contestant na nakasalang.
Contestant number 2 ako kaya pangalawa ako sa tatanungin. Medyo kinakabahan ako kasi wala akong idea sa itatanong nung judge.
Naunang tinanong yung fourth year dahil siya ang number 1. Dinala kaming lima sa isolation booth. May music doon kaya mas lalo naming hindi naririnig yung mga nagsasalita sa stage.
Gosh! Ano kaya ang itatanong?
After a while, nakita na lang namin na nagpapalakpakan yung karamihan sa audience. Maganda siguro yung sagot nung fourth year kaya ganon. Mas lalo tuloy akong kinabahan.
" Next. Contestant number 2. Ms.Freshman. Alyanna Maine Guererro." nahinuha kong tawag sa akin nung emcee na may kasamang kaway. Lumabas ako sa booth. Nasalubong ko yung fourth year papunta sa kabilang side nung stage. Ngumiti naman siya sa akin at sinabihan niya ako ng goodluck. Nagpasalamat ako sa kanya ng nakangiti rin.
" Contestant number 2, the question is easy so don't be nervous. And here is the question." How do you handle difficult circumstances? "
" Thank you for that wonderful question ma'am. Teens like me face countless teen problems and challenges. We deal with lot of emotional highs and lows. And also as a teenager, handling difficult circumstances is never easy. But to answer your question, for me when handling difficult circumstances , I try to put the situation into perspective and keep my thoughts balanced and truthful. I focus less on the stressor and more on solving the problem. And lastly, I never forget to seek support from my family, friends and most especially, I know that God is there ready and willing to help me. He gives me the grace to deal with the tension, stress, and doubt during tough times. Thats all. And I thank you. "
Nagsitayuan at malakas na nagpalakpakan ang mga audience sa sagot ko. Standing ovation ulit.
Lord ano po ba ang nagawa ko at napakabuti sa akin ng araw na ito?
Natapos na ang question and answer portion. Lahat ng sumunod sa akin ay magaganda ang sagot at umani rin ng masigabong palakpakan mula sa audience. Nakakakaba dahil lahat ng contestants ay lumaban ng mahusay.
Rumampa ulit kami sa stage suot ang aming formal gown tapos ia-announce na yung mga winners.Tatlo lang ang mananalo.2nd and first runner up, at yung Miss Campus Queen. Pero mayroon din namang special award.
Kinakabahan ako, kahit 2nd lang okay na sa akin yun.Magaganda at sexy yung mga kalaban ko lalo na yung mga higher year sa high school, may laban ba ako dun?
Special awards muna ang binigay. Nakuha ko ang Ms. Talent at Ms. Intelligent dahil ako ang pinaka-mataas ang score sa Q and A. Ms. Photogenic yung Third year at Ms. Friendship yung grade 6. Nakuha naman ni Ms. Second year yung Best in formal gown.
Matapos maibigay ang mga special awards, binanggit na ng emcee ang nanalo ng 2nd runner up. Si Ms.Grade five ang nanalo.Tapos, 1st runner up yung Ms.Senior.
Kinakabahan na ako. Apat pa kasi kami na natira. Ibinibitin pa nung emcee yung announcement.
Nang sa wakas, nagsalita na ulit yung emcee.
" And our Miss Campus Queen for this year is none other than.....(drum roll)
Candidate number 2, Ms.Freshman, Alyanna Maine Guererro."
Oh my God! Oh my God! Oh my God!
Thank you,Lord! Maluha-luha kong sambit sa isip ko lang.
Nilagay na yung sash at crown sa akin nung last year winner.
Nakita ko na lang na nagtatatalon sa tuwa ang mga kasama ko na nasa harap.Kung hindi lang siguro naka-wheel chair si dad baka tumatalon na rin yun.hehe.
Kinon-gratulate ako ng mga kalaban ko at niyakap naman ako ng mga teachers ko.Picture,picture then bumaba na ako ng stage at pinuntahan na sa harap ang mga kasama ko.
Tuwang -tuwa at proud na proud na niyakap nila ako.Feeling ko nalasog na ako sa dami nila.
Picture, picture uli kasama sila tapos nagyaya na si daddy at kakain daw kaming lahat sa restaurant.Wow! Bongga! Ang dami namin ah, 14 kaming lahat. Galante si dad ah.
Lumabas na kami ng auditorium. Marami pa rin ang bumabati sa akin sa labas.
Congrats Alyanna!You really deserved the title.
Ang galing ng ginawa mo sa talent portion Alyanna Maine.Great!
Grabe! Ang galing nung sagot mo sa Q and A, pang Ms. Universe!
Yan ang mga naririnig ko sa mga taong nadadaanan namin.I'm so overwhelmed.
Lumakad na kami. Nung malapit na kami sa parking lot, may isang pamilyar na bulto akong nakita.Kinabahan na naman ako.Instinct yata yun.
Naramdaman niya yata na may papalapit.
Lumingon siya bigla!
Nhel???