CHAPTER 19 - Peace

2619 Words
Nhel's POV SINUNOD ko yung sinabi ni tito Franz sa akin kaninang umaga. Kaya naman nagmamadali akong umuwi para maabutan ko sila Pete na pupunta sa school ni Laine.Sasama ako sa kanila para panoorin ang aming kaibigan. Dumaan muna ako sa bahay nila Pete and thank God nandun pa si Wil.Hindi na kasi pumasok ito ng afternoon class namin kaya hindi ko nasabi sa kanya na sasama na ako.Nung niyaya kasi nila ako nag aalangan ako kaya hindi na nila ulit ako niyaya. " Bro, aalis na ba kayo? Pwedeng sumama?" nahihiya ko pang tanong. " Talaga bro sasama ka?" hindi makapaniwalang tanong rin nya. " Oo, kinausap kasi ako ni tito Franz kanina." sagot ko. " Good! Sige umuwi ka na at magbihis.Dalian mo baka bumalik na si Mang Gusting, inuna lang ihatid yung mga bata hindi na kasi kasya." sabi nya. " Hintayin nyo ako ha?" sabi ko. " Oo naman, andyan pa si kuya sinundo sila Rina." sagot nya. At nagmamadali na akong umuwi para gumayak na. Saktong palabas na ako ng bahay ng dumating si Mang Gusting.Tuwang-tuwa ang barkada nang malaman nila na sasama ako.Sumakay na kami at pumunta na sa school ni Laine. " Guys, pagdating dun hihiwalay ako sa inyo ha?" sabi ko sa kanila. " Bakit naman bro?Sumama ka pa." tanong ni Pete. " Kasi baka makita ako ni Laine.Alam nyo na,baka biglang mag back out yun." sagot ko. " Oo nga noh.Pero paano pag tapos na at uwian na?Makikita ka rin nun." sabi naman ni Rina. " Mauna na akong lalabas.Dun na lang ako sa parking lot maghihintay kasama ni Mang Gusting, sabi ni tito Franz sa isang kotse naman si Laine." At ganon na nga ang napagkasunduan namin. Pagdating ng auditorium, pumwesto na yung apat sa may likurang upuan nila Tito Franz kung saan kasama ang mga magulang ko. Pumwesto naman ako dun sa kabilang raw na medyo malayo sa kanila para hindi ako mapansin ni Laine, pero makikita ko pa rin ng maayos yung kaganapan sa stage. Nag start na.Excited ako kasi gusto kong makita si Laine na rumampa sa ibat- ibang attire niya.At syempre yung sinasabi ni tito Franz na malupet na talent daw. Magpapakilala na yung mga candidate. Lumabas na yung unang candidate.Cute siya pero medyo dalaga na.Fourth year na daw sya ayon sa pakilala nya.Pang-ilan kaya si Laine? " Good evening everyone.I'm Alyanna Maine Guererro, 13 years old and proudly represents the Freshman year." Naghiyawan ang mga nanonood. Ako? Natulala. WOW! I'm enchanted by the girl on stage wearing a navy blue formal dress. Siya ba yun? Mukha syang barbie doll.Simple lang ang make up nya at ang sexy nya sa tube dress na yon.Bakit parang lumaki yung ano, yung ano niya,yung hinaharap ba. Haisst! Bakit ba yun agad ang napansin ko? Perv! Kasi naman tube nga.Naka-reveal yung shoulder nyang maputi at makinis.At may cleavage siya.Naku po Lord, patawad! Casual wear na.Lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao ng rumampa si Laine sa casual nyang suot.Bata pa ba to? Eh ang hot ng dating eh! Gayong simpleng long sleeves at leather black skirt with matching leather boots lang naman.Ang galing nyang magdala. Natapos na lahat ang mga canditates sa pagrampa ng kanilang casual wear. Heto na! Talent portion na! Nag-sing and dance yung naunang fourth year. Mukhang may laban dahil maganda ang boses at graceful sumayaw. Si Laine kaya, ano yung malupet na talent na sinasabi ni tito Franz? Pinatay ang ilaw.Tanging spotlight lang ang nakatutok sa stage.May kumanta. Biglang sumikdo ang puso ko dahil sa pamilyar na tinig. Narinig ko yung singing voice na isa rin sa mga hinangaan ko sa kanya. Somewhere Out There.Favorite naming kantahin yun ah! Bigla akong napangiti, kasi yun ang pinili niyang kantahin. Nung chorus na, lumabas na siya sa stage.Wala na! Nasa outer space na yata ako.Mesmerized na talaga ako sa suot niyang red shorts at jacket at roller skates. Roller skates!!?? Ito na siguro yung malupet na talent na sinasabi ni tito Franz. Hindi na halos ako makahinga ng mag exhibition siya at umikot ng mabilis na naka roller skates. God! Bakit ba ang galing ng babaeng ito? Masigabong palakpakan ang narinig ko mula sa audience. May mga humihiyaw pa sa sobrang pagkamangha. Grabe! Standing ovation.Ang galing mo Laine.Sobrang proud ako sayo. Walang dudang ikaw na ang winner. Yung mga sumunod na contestants ay maganda rin ang ipinamalas na talent. Siyempre yung kay Laine ang kakaiba sa lahat. Buwis buhay ika nga. Question and answer portion na. Nakita ko na dinala sila sa isolation booth at naiwan yung Ms. Fourth year sa gitna ng stage. Sabi nung emcee isang tanong lang daw ang itatanong sa kanilang lahat at yung may pinaka magandang sagot definitely ang mataas ang score na makukuha. " Contestant number one. I only have one question here for all of you. But your answer should be depend on your actual experience. Are you ready?" " Yes, ma'am." sagot nung contestant. " How do you handle difficult circumstances? " tanong nung judge. " Uhm, to handle difficult circumstances or situation, uhm, you have to be focus and strong so you can endure. And also pray. Prayer will help.That's all. Thank you." Pinalakpakan siya sa sagot niya pero para sa akin, medyo bitin. Hindi niya ipinaliwanag ng maayos yung sagot. Ayos na rin yun, kinakabahan siguro siya. Matapos nun, narinig kong tinawag ng emcee yung pangalan ni Laine. Nakita kong kinawayan niya ito dahil hindi siya nito naririnig. Nung lumabas si Laine dun sa booth, hayun na naman yung mabilis na pagtibok ng puso ko. Marahil dahil sa sobrang proud ako sa kanya. " Contestant number 2, the question is easy so don't be nervous. And here is the question." How do you handle difficult circumstances? " tanong nung judge sa kanya. Kabang-kaba ako na may halong excitement. Paano niya kaya sasagutin yung tanong? Mukha naman siyang hindi kinakabahan. " Thank you for that wonderful question ma'am. Teens like me face countless teen problems and challenges. We deal with lot of emotional highs and lows. And also as a teenager, handling difficult circumstances is never easy. But to answer your question, for me when handling difficult circumstances , I try to put the situation into perspective and keep my thoughts balanced and truthful. I focus less on the stressor and more on solving the problem. And lastly, I never forget to seek support from my family, friends and most especially, I know that God is there ready and willing to help me. He gives me the grace to deal with the tension, stress, and doubt during tough times. Thats all. And I thank you. " Wow! Talagang napa-nganga ako sa sagot niya. Diretsong english at walang sabit. May sense yung sagot at may paliwanag pa. Pang Ms. Universe. Grabe! nadagdagan na naman ang paghanga ko sa kanya. At ng i-announce na ang mga winners.Siya na ang nakakuha ng title na Miss Campus Queen at may special awards pa na Ms. Talent at Ms. Intelligent. Thank you Lord! You deserved it Laine.I'm so proud of you. Kung pwede lang akong lumapit sa kanya para batiin din sya at yakapin katulad nila, gagawin ko. Aahhh! Kainis naman talaga! Habang nagkakagulo sila sa loob, sinamantala ko na yun para lumabas at mauna na sa parking lot.Gaya ng napag- usapan, dun ako maghihintay kasama si Mang Gusting. Abala ako sa pagmamasid sa paligid ng school ng maramdaman kong may mga paparating.Lumingon ako. Patay kang bata ka! Bakit nandito silang lahat? Sabi ni Mang Gusting sa kabilang side ng school nag-park si Tita Paz. Nakatingin silang lahat sa akin. At nahagip ng tingin ko ang gulat na gulat na si Laine. Napatingin ako kay Tito Franz at sa barkada.Maluwang ang mga ngiti nila.Pinlano ba nila ito?Hmmm.I smell something fishy. Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.Naramdaman siguro yun ni tito Franz kaya siya na ang nagsalita. " O hijo, nandito ka pala, dinala ko sila dito para tawagin si Gusting.Magti- treat ako sa labas.Sama ka na." sabi ni tito. Tatawagin lang si Mang Gusting bakit lahat pa sila kasama.Nahuli tuloy ako ni Laine na nandito.Si tito talaga! Nagdududa na ko.May balak nga siguro to. " S-sige po." Yun lang ang nasabi ko. Grabe nabulol pa yata ako. " Gusting, pagkasyahin mo na si tita Baby at mga bata,pati itong apat." sabi ni tito kay mang Gusting. " At ikaw Nhel, dito ka na sa amin sumakay." sabi naman nya sa akin. Naku po! Sinasabi ko na nga ba eh! Nang sulyapan ko si Laine, blangko lang ang expression nya. God! Hindi ko kayang hulaan kung ano nasa loob nya. Bahala na nga! *************** Laine's POV NAGYAYA si dad pagkatapos nung pageant.Magte-treat sya.Kakain kaming lahat sa labas. Okay, galante si dad. Nung papunta na kami sa parking lot, nagtaka ako kung bakit sa kabilang side ng school kami pumunta eh dun naman sa kabilang side nag park si mommy. Naku naman! Naka gown at high heels pa naman ako. Nung sabihin ni tito Phil kay daddy na sa kabila kami nag park, sabi niya na tatawagin lang niya si Mang Gusting. Really? Eh bakit lahat pa kami kasama? Haay si daddy talaga,minsan kung mag trip kakaiba. Alright! Pagbigyan na nga natin ang gwapo kong tatay. Hayun na nga! Pagdating namin dun may nakita akong pamilyar na bulto na nakatalikod.Kinabahan ako at nabigla nang humarap siya. Oo siya nga. The famous Nhel Mercado. What he's doing here? Napanood niya kaya ako kanina? Well, maybe. Dad asked him to go with us.At pumayag naman siya. Oh!no. And I noticed dad smile, that was huge.Ganun din ang barkada.Anong meron ha? Then, dad instructed Mang Gusting.Pagkasyahin na daw sa car yung mga brothers ko , si tita Baby at yung 4 na friends namin.At si Nhel dun na sa amin sasakay. Sabi ko na nga ba eh.May kakaiba dito.Sakyan na nga lang baka naman it's for the better. Kaya nung sumakay na kami, dun kami sa likod kasama parents niya. Hindi kami nagkikibuan.Awkward eh.Torture na naman, naaamoy ko kasi yung cologne niya.Grabe! Six months ko rin di naamoy yun ah. Nakarating na kami dun sa restaurant na pinili ni daddy.Filipino foods ang sine-serve nila.Ang ganda ng ambiance at mukhang masarap naman ang mga pagkain.Yung long table ang pinili naming pwesto para sama- sama kami. Pinili kong gumitna kay Candy at Rina, baka kung ano na naman kasi maisipan ng tatay ko eh.Pero halos magkaharap rin kami ni Nhel.No choice eh! naka-pwesto na kasi sila. Umorder na kami.Dumating na yung pagkain.Kainan na! Galit- galit muna. Nung dessert na lang , nagkwentuhan na.Topic pa rin yung mga ginawa ko sa pageant. " Kinilabutan ako dun sa talent ni Laine. Akala ko sesemplang nung umikot siya ng mabilis.Napapaangat ako sa kaba." kwento ni mommy. " Ako nga mare, napakapit ako sa kumpare mo sa nerbyos ko!" si tita Bining naman. " Eh si daddy nga po kung makakatalon lang, nagtatalon na sa tuwa nung manalo si ate." singit nung kapatid kong si Earl. " Muntik ko na ngang makalimutan anak eh, tatayo na sana ako.hahaha" sabi ni dad habang tumatawa. Nagtawanan na kaming lahat.Napatingin akong bigla kay Nhel, ngumiti siya sa akin. Gosh! Na miss ko ang ngiting yun. Makatulog kaya ako agad mamaya. Tsk! Harot talaga ng isip ko! Tipid ko rin siyang nginitian.Ayokong itodo, hindi pa kami okay noh! " Laine saan mo pinagkukuha yung sagot mo sa Q and A? ang galing ah pang Ms. Universe!" tanong ni Candy. " Uy based on personal experience yon, walang halong chika." sagot ko naman. " Oo nga anak, ang galing mo dun. Proud ako sayo." sabi ni daddy. " Thanks dad. Mana lang po ako sa inyo. " sabi ko kay daddy sabay wink. Natawa na lang siya sabay pat sa ulo ko. Makalipas ang ilan pang sandali, nagkayayaan na.Sleepy na kasi mga oldies, 9pm na rin kasi.Buti na lang walang pasok bukas. Isa- isa na silang hinatid sa mga bahay nila. PAGDATING sa bahay namin, pumasok agad ako sa room ko at nag shower.Feeling ko kasi nangangati na ako dun sa gown ko.Inayos ko lang yung mga gamit ko then humiga na ako sa bed ko. Grabe sumakit katawan ko dun ah! But it's worth it kasi wagi ako.Masaya ako kasi napasaya ko silang lahat. Akala ko kanina may kulang pero nung makasama namin siya parang lahat nung pagod ko nung practice nawala lahat. Nahalata ko naman na gumawa talaga ng paraan si dad at yung barkada para magkasundo na uli kami.Although, talagang medyo masama pa rin ang loob ko sa kanya, willing naman akong ayusin na, kung ano man yung gusot.Let bygones be bygones.Magpapasko na. Siguro siya rin naman ganun din.Sayang friendship na binuo namin. Nag-pray na ako at nagpasalamat ng bongga kay Lord then nag-ready na akong matulog. Hindi pa ako natatagalan sa pagkakahiga ko ulit ng may kumatok sa pinto ko. Pagbukas ko si mommy pala. " Baby, can I have a minute with you?" bungad nya. " Sure mom, what about? " Bukas na yung dating nila Uncle Vince mo from US.Sa rest house natin sa Baguio sila tutuloy. Gusto nila pag nag Christmas vacation na kayo sa school,uwi tayo dun.Duon tayo mag spent ng Christmas hanggang New Year na.Gusto mo ba? " Of course naman po.it's great mom. We're family." pagpayag ko. " Tomorrow susunduin namin sila sa airport.Gusto mo sumama?" " Huwag na po, gusto ko magpahinga bukas, napagod po ako buong week sa practice." tanggi ko. " Are you sure anak?" i just nodded. " Dito na lang po ako.Maglalagay na lang ako ng Christmas decor." sabi ko ulit. " Okay , thanks anak! masayang sabi ni mommy at tumungo na sa pinto. " By the way, andyan nga pala si Nhel kausap ng daddy mo,nagpapaalam kung pwede ka raw kausapin." habol ni mom. " Po? Eh gabi na ah! sabi ko. " Gabi na? o ayaw mo lang kausapin? Dati halos madaling araw na kayo natatapos magkwentuhan di ba? sabi pa ni mommy. I sigh. " Alright, you're the mom, anyway." Tumawa lang si mommy at lumabas na ng tuluyan sa room ko. Alright! Lahat sila parang United Nations, nagkakaisa para sa kapayaan. Let there be peace on earth.Yeah! Oh my Gosh! Nandito siya. What am I going to do? Ayos ba buhok ko? Ayos naman. Okay ba pajamas ko?Oo cute nga. Eh yung nails ko? Malinis naman. Yung slippers ko?ayos din naman. Yung teeth ko?Nakapag-toothbrush ka na di ba? Nag mouthwash ka pa nga eh. Teka bakit nga ba ako natataranta? OA ka..Parang si Aga Muhlach naman yang dumating, kung makaasta ka dyan para kang timang.Ang harot mo lang Laine.Si Nhel lang yan yung bestfriend mo. Tamo tong isip ko panay ang epal. Haisst!!! Ano ba yan para akong sira neto pati sarili ko inaaway ko. Nang may kumatok sa pinto ko. Ngek! nanang ko po ayan na yata sya. Kinabahan ako.Heto na naman yung instinct ko. Kalma lang Alyanna.Kalma lang. Inhale-exhale! Nanginginig ang kamay ko na binuksan ang pinto. OMG! Bakit ba ang gwapo ng nilalang na ito? Bumalik na naman yung pagpa- palpitate ng heart ko.Natulala na naman ako.This time para akong masusuka na ewan dahil parang may mga paru-paro sa stomach ko. Nagulat na lang ako ng magsalita sya. " Laine, can we talk?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD