CHAPTER 22 - Together Again

1811 Words
Laine's POV AYOS na nga kaming dalawa ni Nhel, kaya lang may konting pagbabago sa pagitan naming dalawa.Siyempre sinabi na niya yung tinatagong feelings niya sa akin kaya lahat na lang ng ginagawa niya ngayon ay may halo ng panliligaw.Hindi tulad noon na pure friendship lang at walang malisya. Tulad na lang ngayon na kami lang dalawa dito sa dining room. Dumadamoves.Parang kaluluwa. Panay ang paramdam.haha. " Laine, upo ka na dyan, ako na bahala sa pagkain mo." sabi niya. " Kailan ka pa nag- asikaso ng kakainin ko ha? Ako ang madalas gumagawa sayo niyan ah." tanong ko. " Basta from now on, ako na mag- aasikaso sayo. Relax ka lang prinsesa ko." pambobola pa niya. " Hay naku! Ganyan ba talaga pag ano, pag nanliligaw?" tanong ko. " Siguro.Pasensya ka na kung medyo trying hard ha? First time ko manligaw di ba?" turan niya. " Hahaha.Parang ako alam ko ah.Eh pareho lang naman tayong first time sa ganyan.Atleast ikaw nagka-girlfriends na. Instant nga lang." sabi ko. " Pero sana, lahat ng first time natin pareho, sa ating dalawa lang." sabi niya. " Let's see.Matagal pa naman yun.Hindi ka kaya mainip sa akin?" tanong ko. " Okay lang yun Laine.Kaya kong maghintay.Maghihintay ako pag sinabi mong maghintay ako at basta ikaw yung hihintayin ko." Grabe! Mga banat ah.Ihhh.Kakilig ka kuya! Natapos akong mag-breakfast. Nagpaalam siya na uuwi muna saglit para magpaalam sa mama niya dahil sasamahan niya kami ni tita Baby dito sa bahay. Habang hinihintay ko na bumalik si Nhel, inayos ko na yung mga gagamitin na Christmas decor para pagdating niya gagawin na lang namin. Hindi nagtagal dumating din siya.Naka black v-neck shirt sya at kulay fatigue na cargo shorts. Wow! Incredibly handsome. May dala siyang back pack na may lamang damit niya at gamit dahil nga dito siya mag-sstay hanggang bukas. May dala rin siyang tatlong malalaking manggang hinog at binigay niya sa akin. " O bakit tatlo lang? Dati kung magdala ka niyan isang plastic bag." tanong ko. " Syempre para sayo lang kaya tatlo lang.Para I love you." sagot niya. " Kailangan ba laging sinasabi yan?" tanong ko. " Oo naman.Sinasabi at pinaparamdam.Kaya masanay ka na dahil hanggang sa pagtanda natin sasabihin at ipapadama ko sayo yan." nakangiting sabi niya sabay wink pa sa akin. Ang hudas na to, nag blushed tuloy ako.Ang sweet naman kasi. Saan kaya pinagkukuha mga sinasabi niya? " Uy, nag blushed siya!"asar niya. " Tse! Makapambola ka naman kasi. First time mo ba talaga? Parang hustler ka na eh." inis kong sabi. " Alam mo Laine kapag mahal mo ang isang tao, masasabi mo talaga ang nararamdaman mo kahit parang corny na.Kaya hindi kita binobola.It's real.Everything's real." madamdaming sabi niya. " Hahaha!" tawa ko.Ang cute niya kasi. " Ano nakakatawa ha?" tanong niyang naguguluhan. " Ikaw! turo ko pa."Naalala mo ba nung unang magbangayan tayo? Sabi mo kahit gwapo ka hindi ka mahilig magsalita ng English.Ano nangyari sayo?"natatawang tanong ko. " Ah, sinabi ko hindi ako mahilig magsalita pero hindi ko sinabing hindi ako marunong.Nasanay lang ako sayo.Palibhasa ikaw sanay na sanay ka.Inglisera!" nakasimangot na siya. " Oy,sorry naman.Bata pa lang kasi kami ganun na kami kausapin nila dad,inglisero kasi yun.Ganun din kami mag- usap sa bahay, sa school, at syempre sa US pag pumupunta kami dun.Ang tagal mo na akong kasama parang hindi ka aware." sabi ko. " Aware na aware nga kaya nagsasalita na rin ako,tinatawanan mo pa!" " Hindi naman ah, naa-amused lang.Galing mo kaya." sabi ko. " Hahaha.yan ang bola." sabi niya. " Oy, di naman.Tara na nga, mag start na tayo mag-decorate." pagyaya ko sa kanya. Inuna naming itayo ang napaka laking Christmas tree.Habang nilalagay namin yung mga palawit, masaya kaming kumakanta ng mga Christmas songs. Napangiti ako habang pinagmamasdan ko yung natapos naming gawang design ng Christmas tree, pati na rin yung nasa kabuuan ng sala.Ang ganda!Naisip ko sana yearly na naming gawin ni Nhel ang ganito hanggang sa aming pagtanda. Heh! Parang sigurado ka, na kayo na ngang dalawa ha? sabi ng maharot kong isip.Oo nga, pero hindi naman masamang mangarap di ba? Para sa akin kasi wala na akong nakikitang iba na makakasama ko sa future ko.Si Nhel lang.Hindi pa nga lang pwede ngayon pero we will definitely get there, soon. " Oy, lalim ng iniisip natin ah! Care to share? banat niya. " Wala naman, nagagandahan lang ako sa Christmas tree.Gifts na lang ang kulang." sagot ko. "Oo nga, ngayon lang ako nakapag- ayos ng Christmas tree. Sa amin si mama at si ate gumagawa niyan.Masaya pala mag- ayos pag inspired." sabi niya. " Hay naku! Nielsen Emmanuel, ayan kana naman sa mga banat mo." natatawa kong sabi. " Hay naku! Alyanna Maine, masanay kana sa kakornihan ko dahil araw- araw kitang bubusugin ng mais." panggagaya niya pa sa akin. " Mais?" nagtatakang tanong ko. " Oo mais, korni nga di ba? Hehe." " Huh! Tara na nga.Yung mga Christmas lights naman sa garden ayusin natin." pagyaya ko sa kanya. Maghapon kaming nag-decorate ng buong bahay, loob at labas.Hindi namin napapansin ang oras kasi nag-eenjoy kami ng husto.Tanging pahinga lang namin ay nung tawagin kami ni tita Baby mag-lunch at sumunod nung meryenda na. Malapit ng dumilim ng matapos kami.Tuwang- tuwa naming pinagmasdan yung ginawa namin habang nagpapahinga sa garden. " Laine, ang ganda! Matutuwa sila tita niyan pagdating nila." sabi ni Nhel. " Oo nga! Kahit napagod ako, it's worth it." sabi ko. " Yeah, it's worth it.Sana lang pag kinausap ko na si tito maging ayos lang din." biglang sambit niya na nagpalito sa akin. " Ano yung sabi mo Nhel?" tanong kong naguguluhan. " Ah, wala yun Laine." bawi niya. Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya.Pumasok na kami sa loob dahil tinawag na kami ni tita Baby para maghapunan. PAGKATAPOS naming maghapunan kanya- kanya na kaming punta sa mga room namin.Si Nhel, dun siya sa guest room. Nag shower ako at nagsuot ng favorite kong pink pajamas.Lumabas ako ng room ko dahil hindi pa naman ako inaantok, 8pm pa lang naman kasi. Inabutan ko si Nhel sa sala na pinagmamasdan yung ginawa naming Christmas decorations. Ang gwapo nya sa suot nyang plain white Hanes t- shirt at cotton light blue shorts.Ganito pala ang sinusuot niyang pantulog.Cute! " Akala ko matutulog kana?" tanong niya. " Maaga pa , 8pm lang." sagot ko habang paupo sa sofa katabi niya..wow bango ni kuya. " May ibibigay nga pala ako sayo.Wait lang kukunin ko sa bag ko." paalam niya sabay tayo para pumunta sa guest room. " Sige.Kanina pa nga yan di ba?" tanong ko. Ngumiti lang siya at tumalikod na. Haaay! Ang cute talagang ngumiti ng mokong na to.Yan yung na-missed ko nung hindi kami nagkikita. Hindi naman nagtagal bumalik na siya.May inabot siya sa akin na papel na nakabilot na parang diploma.Stationery pala siya na nakatali ng ribbon na kulay red. " Buksan mo.Ginawa ko yan months ago.Hope you'll like it." sabi niya. Binuksan ko.Poem siya.Binasa ko. Without You. WOW! Kaka-touched naman.Ginawa niya talaga to para sa akin? " Ang ganda naman ng tula na ito.Sigurado ka ba na para sa akin to?" tanong ko. Ngumiti lang siya sa akin. Gosh! Eto na naman yung ngiti na hindi nagpapatulog sa akin every night. " Oo naman." sagot niya at lumapit sa akin ng sobrang lapit na halos maduling na ako sa pagkakatitig sa gwapo nyang mukha. " Ikaw lang at wala ng iba!Sayo lang ang batang puso ko hanggang sa aking pagtanda. " I love you Laine and I'm so damn serious about it!" " Really? We're so young. You really think it's love Nhel?" " Yeah, I'm very sure about my feelings for you, kahit bata pa tayo. And I'm gonna tell your dad about us.." OMG! Paano pag sinabi niya kay dad, baka magalit sa amin yun at hindi na kami hayaang mag-usap man lang.Ngayon nga lang kami naging okay ulit. Sabagay kapag nagsabi siya kay dad parang katuparan na rin yun ng sign no.1 ko.Ang bilis naman yatang ibigay ni Lord.Pero susubukan ko siyang pigilan pero pag nag-insist siya na gawin yon, well maybe yun na yung sign number 1. " Uy Nhel, wala pang us kaya anong sinasabi mo dyan na sasabihin mo kay dad." sabi ko. "Us! Sino ba nililigawan ko, di ba ikaw? So, dalawa tayo dito." natatawa pa nyang sabi. " Hay naku! Kapag nalaman ni dad, sa tingin mo ba hindi siya magagalit? Baka hindi na nga tayo hahayaan nun na mag-usap man lang." sabi ko. Sandali siyang natigilan dahil sa sinabi ko. " Siguro nga, maybe sa tamang panahon na lang." ayon niya. Gabi na nung maisipan naming matulog na.Ang dami na naman naming napag-usapan, sinulit namin yung ilang buwan na hindi kami nag-uusap. " Sige na Nhel, inaantok na ako.Goodnight.Say your prayers ha?" paalam ko. " Okay. Ikaw din mag pray.Goodnight and sweet dreams Laine." sabi niya. Then tumalikod na kami para pumasok sa aming room ng bigla siyang magsalita. " I love you Laine and you're the only one that I wanna grow old with." seryosong sabi niya. Natulala ako dun ah.Seryoso nga talaga ang keroppi na to. KINABUKASAN umuwi na sila mommy from Baguio nung bandang hapon na.Tuwang- tuwa sila sa ginawa namin ni Nhel na pag-decorate sa bahay. Pagkakain ng hapunan ay umuwi na siya dala yung mga pasalubong nila mom para sa kanila. Days passed at Christmas vacation na. " Laine, are you ready to go?" si mommy yun. Pupunta kaming mag-anak sa Baguio dahil dun kami lahat ngayong Christmas.Family reunion.After New Year na daw ang balik namin. " Wait lang po mom, may iiwan lang po ako kay tita Baby para ibigay kay Nhel." sabi ko. I'm just wondering kasi simula nung mag decorate kami ni Nhel ng bahay hindi pa siya uli nagpupunta.Hindi naman kami nag-away nung umalis siya that night pero pansin ko lang na very silent siya.I don't know what happened to him, baka busy lang.But knowing him, hindi yun napapakali ng hindi ako nakikita because according to him I'm the air that he's breathing. Kakilig! Pero ano kaya problema? I'm gonna find out na lang when we come back from Baguio. This is supposed to be our first Christmas since we became friends.Kaya lang naudlot pa. Sana naman nothing's serious kung bakit missing in action siya. Kainis! Kaya naman pagdaan nung car namin sa may harapan ng bahay nila kandahaba ang leeg ko hoping na makita ko siya. Nakalayo na't lahat nakalingon pa rin ako pero wala siya talaga. Haay! Nielsen humanda ka sa akin pagbalik ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD