Nhel's POV
HINDI ko alam kung bakit nasabi ko yun.Nagulat nga ako,hindi pa dapat eh, naka schedule yun.Pero siguro dahil yun ang nag- uumapaw sa puso ko kaya yun ang nilabas ng bibig ko.Hindi ko na babawiin yun dahil nasabi ko na at yun naman talaga ang nararamdaman ko sa kanya.Napaaga nga lang ng revelation. Paninindigan ko na.
" What did you just say?" mataray na tanong nya, nakataas pa ang isang kilay. Sabi ko na eh.
" I love you!" walang gatol kong sabi habang nakatingin sa mga mata nya.
PAK! Hinampas niya ako sa dibdib.
" Alam mo ba yang sinasabi mo ha Nielsen Emmanuel ?" naku binuo na pangalan ko. Pero paninindigan ko to.
" Bakit mahirap ba intindihin yun?" balik tanong ko.
" Huwag mo nga akong pinagtri- tripan." asar na sabi niya sabay ingos. Haha. ang cute.
" Uy, Laine seryoso ako.Ikaw lang yung nagpagulo sa isip ko from the first time that I saw you.Kapag nakikita kita buo na ang araw ko. Sabi ko sa sarili ko baka attracted lang ako sayo.Crush ganon. Tapos nung tumagal at madalas na kitang naka- kasama hindi na normal ang heartbeat ko. And then I realized na in love na pala ako sayo.Strange pero alam ko totoo. Nag- umpisa yun nung may nangyaring gulo sa pagitan ninyo ni Lovie,tama lahat ng hinala niya. Natatandaan mo ba na pinakilala pa kita kay mama kahit natatawa kayo sa ginawa ko? Kasi nga alam ko na ikaw na eh.Bata pa tayo at isa pa mag bestfriend tayo pero hindi ko maintindihan kung bakit sayo ko naramdaman ito.Sobrang bata ka pa para dito pero wala yatang pinipiling age ang love. Kaya ko namang maghintay, sabi ko nga for the next five years pa dapat. Kaya lang biglang lumabas eh hindi na pwedeng bawiin. Totoo naman kasi. Kahit hindi mo muna ako sagutin okay lang, ang importante lang nasabi ko na at alam mo na.First time ko to, alam mo yan at sana wag kang magagalit hindi ko naman ito sinadya." mahabang paliwanag ko.
Nakatingin lang siya sa akin.Hindi siya kumukurap na para siyang nakakita ng alien from outer space.Sa dami ba naman ng revelations ko natural lang na ganyan ang maging reaction niya.
Nabigla na lang ako ng hilahin niya ako palabas ng room nya.
" Naku Nhel gabi na hatid na kita sa gate.Inaantok na ako.Ako na lang magsasabi kila dad na umalis ka na.Sige bukas na lang ulit.Bye."
tuloy-tuloy nyang sabi habang hila-hila ako papunta sa gate nila.
Wala na akong nagawa. Pagkasara ba naman ng gate binirahan na ng pasok sa loob.Na tensed siguro siya.Hehe.
Natatawang napakamot na lang ako ng ulo. Tapos sumakay na lang ako ng bike at umuwi na...
*******
Laine's POV
DIRETSO na ko sa room ko at binagsak ko yung sarili ko sa kama pagkahatid ko kay Nhel sa labas.
Huh! Grabe yung lalakeng yun! Ngayon lang ulit kami nagkausap kung ano-ano na sinabi. Lasing ba yun? Eh juice lang naman ininom namin sa resto kanina.
Pero seryoso siya ha? I can see it in his eyes kasi nakatitig siya sa akin habang sinasabi niya yung 3 words na yun kanina. Walang kakurap-kurap.
Hindi ako makapaniwala.Bakit ako? I mean best friend niya ako.Pero hindi naman daw niya sinasadya kaya wag daw akong magalit.
Galit ba ako? Hindi ah! Nagulat lang kasi hindi ko yun ine- expect. Sabagay siya man nabigla rin na nasabi niya na eh supposed to be after five years pa daw.Talaga pa lang hihintayin nya ako ng ganun katagal..Shet na malagket! Ako pala yung paglalaanan nya ng mga prinsipyo niya.Haaayyy, kinikilig yata ako.
Ngayong alam ko na yung feelings niya sa akin. Ano na?
Naku naman! Oo nga crush ko siya pero hindi ko alam kung in love ba ako sa kanya.Ang bata ko pa, kaya hindi ko alam kung ano ba nararamdaman ng taong in love. Sabi naman niya hindi ko daw kailangang sagutin siya kaagad. He can wait.Sige nga para maintindihan ko muna kung ano ba feeling ng in love.
Siguro dapat humingi muna ako ng signs kay God.Ayokong mag decide ng mga bagay- bagay without consulting the One up there.I want God to be the foundation of our relationship if ever na magiging kami nga. I maybe sound religious but I was raised like this and I think there is nothing wrong being close to God.
And maybe ang first sign na hihingin ko ay kung makakapag-paalam siya sa super strict na dad ko.Kung buong tapang niyang kakausapin si dad at ipapaalam niya yung intentions niya sa akin.
Bahala nga siya kung ano ang gagawin niya.Ginusto niya yan eh di panindigan niya..haha saka ko na hihingin yung ibang signs kapag nagawa niya na yung una.
Goodluck sayo Nhel!
******
Nhel's POV
MAGANDA ang gising ko ngayong araw.Syempre okay na ulit kami ni Laine at nasabi ko na sa kanya yung totoong feelings ko for her.
Uumpisahan ko na ang panliligaw ko sa kanya.Pero gusto ko munang kausapin si tito Franz tungkol dito.
Kinakabahan ako.
Kahit naman close kami ni tito Franz, ibang usapan na to.Mahigpit siya pagdating sa mga anak niyang babae,lalo na kay Laine kasi bata pa ito. Bahala na, ang importante maging honest ako kay tito at gusto kong malaman niya na seryoso ako sa anak niya.
Naligo na ako at nagbihis.Pagkatapos inayos ko na yung mga gatas na ihahatid ko kay tito Franz. Ako na ulit ang magdadala ng gatas simula ngayon, tsaka may ibibigay ako kay Laine na ginawa ko months ago pa.Sana magustuhan niya.
Sakay ng bike ko, dumiretso na ako kila Laine.Nag doorbell ako at si tita Baby ang nagbukas.
" Good morning tita Baby! Gising na po ba si tito Franz?" bati ko.
" Morning din Nhel.Nasa dining room na sila kumakain." sagot niya at pumunta na kami sa dining.
" Good morning po sa inyo.Tito heto na po yung gatas ninyo!" bungad ko sa kanila. Wala yata si Laine ah.
" Ay salamat anak buti naihabol mo at malapit na kaming matapos." si tita Paz.
" Pasensya na po kasi hinintay ko pa po yung nagdadala niyang gatas." hinging paumanhin ko.
" Okay lang yun hijo. Umabot pa naman tsaka si Laine na ang iinom nung iba paggising niya. " si tito Franz.
So tulog pa pala ang mahal na prinsesa ko.
" Halika saluhan mo kami, na missed ka na naming kasabay. Tita Baby bigyan mo nga ng plato si Nhel." si tito Franz uli.
Kumain na rin ako.
Pagkatapos naming kumain pinagayak na ni tita Paz yung tatlong bata.
" Eh tito may sasabihin po sana ako sa inyo." naku po kinakabahan yata ako.
" Ano yon, importante ba? Pwedeng pagbalik na lang namin bukas kasi baka hindi ako maka- concentrate sa sasabihin mo nagmamadali kasi kami." sabi ni tito.
" Ah okay lang po tito kahit sa ibang araw na lang. Saan po ang lakad ninyo? tanong ko.
" Susunduin namin yung kapatid ko sa airport tapos tutuloy kami ng Baguio.Hanggang bukas kami dun."
" Ah eh sige po sa ibang araw na lang siguro.Uwi na po ako." paalam ko.
" Pasensya ka na anak, pero kung wala kang gagawin ngayon, samahan mo muna si Laine dito habang wala kami.Sila lang ni tita Baby dito.Ayaw niyang sumama kasi pagod daw siya. Maglalagay na lang daw ng Christmas decor dito sa bahay.Tulungan mo na lang." sabi ni tito Franz.
" Okay po tito, mamaya na lang po ako uuwi pag nagising na si Laine."
" Buti pa gisingin mo na, aalis na kami." utos ni tito Franz.
Tinulak ko na yung wheelchair ni tito papunta sa room nila at dumiretso na ako sa room ni Laine.
" Salamat anak.Salamat din dahil bati na uli kayo ni Laine." nakangiting turan ni tito Franz.
Ngumiti lang ako at lumakad na.
Pagdating ko sa harap ng pinto ni Laine kumatok ako, baka gising na siya.Pero walang sumasagot kaya pinihit ko yung door knob at bumukas naman.
Nakahiga pa siya sa kama niya pero nakatalikod kaya hindi ko alam kung gising na.Nakayakap siya sa mahabang unan at nakadantay pati yung isang paa niya kaya nakita ko yung legs niya dahil cotton shorts yung pantulog niya.
Napalunok ako kasi ang puti ng legs niya at ang balbon. Flawless.
Naku Nielsen pumikit ka!
Nung tingnan ko siya sa kabilang side tulog pa siya kaya dali- dali kong kinuha yung kumot na nasa paanan na niya at kinumutan siya.Umupo ako dun sa chair ng vanity table niya at pinagsawa ko ang mata ko sa pagmamasid sa kanya.Ang ganda niya talaga. Hindi nakakasawang tignan.
Nang bigla siyang magising.Medyo nag-inat pa muna siya at hindi niya pansin na naroon ako. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ako.
" Hi,Laine! Good morning!" bati ko na nakangiti.Ang cute niya pala pag bagong gising.
" Morning! Why are you here?" in her husky voice.
" Pinapagising ka na ni tito, aalis na daw sila." sagot ko.
" What I mean is, bakit nandito ka sa bahay? ang aga pa ah."
" Gusto kitang makita!" maluwang ang ngiti na sagot ko.
" Tigilan mo ko Nielsen, kagigising ko lang!"
" Pikon ka na naman Alyanna.Isa yun sa dahilan.Nagdala rin ako ng gatas tsaka may ibibigay ako sayo."
" Ano naman yon aber?"
" Nasa labas, mamaya na.Maghilamos ka na muna."
" Okay!" at dumiretso na sya sa CR ng kuwarto nya.
Hinintay ko lang siya habang nakaupo na ako dun sa sofa sa kuwarto niya.Napansin ko yung bedside table niya.Nandun na uli yung picture naming dalawa.Napangiti ako. Ibinalik na pala niya kasabay ng pagtanggap niya sa akin pabalik sa buhay niya.
" Ganda ng ngiti mo ah!" Nagulat ako nung magsalita siya.Nakabihis na siya ng floral dress na spaghetti strap.Ang ganda talaga!
" Wala lang. Masaya lang kasi okay na uli tayo." sagot ko.
" Hmm.Ako rin naman.Masaya pala yung paggising mo eh mukha ni keroppi ang makikita mo.hahaha." natutuwang sabi nya.
" Keroppi?" naguguluhang tanong ko.
" Ah di mo kilala si keroppi?Never mind! Tara na sa labas.hahaha" natatawang sabi nya.
" Alyanna Maine! Sinumpong na naman yang kapilyahan mo? Sino yun? Hahalikan kita pag di mo sinabi kung sino yun!" pananakot ko.
" Hahaha.wala namang ganun Nielsen hindi pa ako ready.Pero sige sasabihin ko na baka nga totohanin mo yang banta mo eh. Si keroppi yung palaka dun sa Sanrio.hahaha" sagot nya.
" Aha! Palaka pala ha? Huwag kang makalapit- lapit sa akin. Lagot ka ngayon." banta ko.
" Oy, teka lang, taym pers hehehe".
nang-aasar pa siya.
Hinabol ko siya kaya lang malapit na siya sa pinto kaya nakalabas na siya.Ang daya talaga.Pilya!
" Hoy! Ano nangyari dyan sa inyo?"
narinig namin si tito.
" Eh dad si Nhel kasi inaaway na naman ako!" sumbong niya pa.
" Anong ako, ikaw nga dyan tinawag mo ako ng palaka!" sabi ko.
" Hay naku! Tumigil na kayong dalawa dyan.Aalis na kami, bahala na muna kayo dyan.Huwag nyo kunsumihin si tita Baby ha? bilin ni tita Paz.
" Opo mom.Pasalubong namin ha? Strawberries." si Laine.
" Okay! Nhel samahan mo na muna sila dyan anak.Paalam ka muna kay kumare para hindi ka hanapin." si tita Paz uli.
" Sige po.Ingat po kayo." sabi ko.
" Sige salamat anak." sagot ni tita.
Umalis na sila at hinatid na namin sa may gate.
" O kayong dalawa wag na kayong mag-aaway ha? Maglagay na kayo ng Christmas decor, nilabas ko na lahat dun sa bodega." sabi ni tita Baby.
" Sige po tita kami na bahala, magbe- breakfast lang ako." sagot ni Laine.
At pumunta na si tita Baby sa room niya at kami naman ni Laine ay dumiretso na ng kusina na magkahawak- kamay pa.