JHON KEMAL POV:
hello anung balita sa pinagagawa ko sayo ken ? tanong ko sa kabilang linya si ken lang naman ang isa sa mga kaibigan ko na detective na inutusan ko para alamin ang iba pang detalye tungkol sa asawa ko at sa ama nito na si bernardo...
jhon sa ngayon wala pa akong maerereport sayo madami pa akong inaayos sa ngayon siguro sa susunod pa na buwan kung okay lang sayo sabi ni ken
sa kabilang linya...
ahh ganun ba sige okay lang naman basta wag lang matagal ken ha .. kailangan ko kasi talagang malaman ang iba pang impormasyon sa madaling panahon
sabi ko ulit sa aking kaibigan...
ou jhon babalitaan kita !
sa ngayon paalam muna at may aayusin pa ako bye! paulit na sabi ni ken sa akin..
okay bye pagpapalam ko naman sa kanya..
Matapos kong kausapin ang aking kaibigan ay naisipan ko ng balikan ang asawa ko at ang ama nito na iniwan ko kanina... kaya lang habang naglalakad ako sakto pabalik ako sa ibaba ng makasalubong ko naman ang aking asawa na tila galit at parang iiyak na...
akmang susundan ko sana siya pero laking pagkagulat ko na mabilis niyang sarahan ang pintuan ng kwarto at nilock pa niya ito..
hahayaan ko nalang sana pero narinig ko na ang lakas ng pag iyak niya at pagsisigaw sa loob ng kwarto kaya akmang kakausapin ko sana siya pero sinigawan niya ako kaya mas minabuti ko na lamang makinig sa bawat paghikbi niya sa loob ng kwarto ..
hindi ko maintindihan ang aking sarili .. kung bakit para akong pinipiga dahil sa mga paghikbi ng asawa ko samantala isa rin ako sa mga nagpapaiyak sa kanya...
ano kayang pinag usapan nila ng kanyang ama..bakit kaya siya umiiyak paulit ,ulit kung tanong habang nakasandal lamang sa pintuan...
aisstt ..napailing na lamang ako..kaya naman di ko na kinaya pa pakinggan ang pagsisigaw ng asawa ko kahit naman sabihin ko sa aking sarili na maghihiganti ako hindi pa rin maalis sa parte ng pagkatao ko ang mahalin ang asawa ko..
minabuti ko na lamang bumaba at pumunta ng kusina para kumuha ng wine ..mukhang kailangan ko ng pampatulog dahil panigurado mahihirapan naman ako makatulog dahil sa dami ng iniisip ko.....
pagkababa kumuha agad ako ng wine glass at kinuha ang isang bottle ng wine!...
sinalinan ko ang wine glass at agad na pinaikot ikot muna bago ko lasahan ang wine ng sa ganun lumabas muna ang tunay na lasa nito...
wala na ang matandang hukluban sabi ko sa aking sarili... siguro nga ay may matinding pinag usapan ang mag ama kya naman naggaganun ang aking asawa...
habang malalim ang aking pag iisip bumalik naman ang mga alala ko noong tinangka kaming patayin ng aking mga magulang..
Flashback...
jhon bilis magtago ka anak ,bilisan mo!!
mom bakit anung nangyayari??
huwag ka na anak magtanong basta magtago ka anak sa lugar kung saan hindi ka makikita please .magpromise ka kay mommy kahit anung makita mo o marininig mo hindi ka lalabas anak mangako ka sa akin sabi ng mommy ko habang maluha luhang nakikipag usap sa akin...at tila naghahabol ng hininga!!
pero mom?? paano po kayo!? tanong ko naman sa aking mommy,,
anak huwag mo kaming isipin ng daddy mo magiging okay din ang lahat basta anak sundin mo ang bilin ng mommy dalian mo dahil paniguradong papasok na sila..sabi ni mommy habang tinataboy ako ...
dahil wala akong magawa sinunod ko nalang ang aking mommy mabilis ako nagtago sa di kalakihan cabinet ko ..ngunit sa loob makikita ko ang labas kaya inayos ko ang aking pwesto...
maya maya pa ay may narinig na akong malakas na tunog boooooogggggssssss bumukas ang malakas na pintuan.. at agad na tumambad ang apat na armadong lalaki... hawak hawak nila ang aking daddy sa batok samantalang si mommy tanging pakiusap lang ang nagagawa ....
ano ba ang kailangan niyo sa amin..?? parang awa niyo na pakawalan niyo ang aking asawa nakikiusap ako sianyo...kahit magkano ibibigay ko sainyo...pagmamakaawa ng aking mommy sa apat na armadong lalaki..
pasensiya... na hindi pera ang kailangan namin sainyo ..sabi ng isang lalaki...
teka kung hindi pera ano kailangan niyo sa amin??
tanong ng aking daddy ...
e di buhay niyo .... sabay tawanan ng apat na
mga walang puso mga h*y*p kayo sabi ng aking daddy....
tama ng sat't sat patayin niyo na ang mag asawa sabi nung pinakaleader ng apat na lalaki...
kaya naman walang awa nilang pinapatukan ang mommy at daddy ko ng kanilang mga dalang baril halos walang tigil silang pagpapaptok hanggang sa makita nilang malagutan ng hininga ang dalawang mahal ko sa buhay...halos mapasigaw ako dahil sa ingay ng putok ng baril subalit pinipigilan ko... hanggang sa matigil sila.....at tuluyang iwan ang mga walang buhay na katawan ng aking mga magulang....
siniguraodo ko na muna na nakaalis na sila bago ako lumabas para lapitan ang mommy at daddy iyak lang ako ng iyak ....
mommy ,,daddy tawag ko sa magulang ko habang humahagulhol sa kaiiyak .....galit at sakit ang nararamdaman ko sakit na pagkawala ng mga magulang ko at galit sa mga pumatay dito...
at simula nga noon ay ang pagbabago sa buhay ko...
End.........flashback.........
matapos ko alalahanin ang lahat ng mga nangyari sa magulang ko ay tila para parin sariwa ang pagkamatay nila ..hindi parin maibsan ang sakit na nararamdaman ko siguro ay dahil alam ko na malaya pa ang taong naging dahilan ng pagkawala nila kaya sisiguruhin ko na ako mismo ang kukuha ng katarungan para sa aking mga magulang...sabi ko sa aking sarili bago ulit lumagok ng wine.....