SCARLET NIHAN POV:
matapos akong magligpit ng aming pinagkainan...
ay agad naman ako tumungo na sa sofa kung saan naroroon ang aking asawa at ang papa bernardo...
ohh honey buti at tapos kana sabay akbay ng aking asawa na si jhon sa akin....
maiwan ko muna kayao ni papa dahil may gagawin lang ako...
okay sagot ko sa aking asawa...
alam kung sinadya ng aking asawa na iwan ako at makasama ang aking papa dahil alam ko katulad ko ay kanina pa siya nadidiri sa mga pinaggagawa niyang pagpapanggap ....at ng maiwan nga kami ng aking papa bernardo ay tuluyan niya ng binasag ang aming pananahimik..
Scarlet mukhang nakalilimot ka yata sa ating pinag-usapan? deritsong sabi ni papa bernardo..
SA PAgkakaalam ko papa sumang ayon ako magpakasal pero hindi ako sumang ayon sa plano mo deristong sabi ko naman sa aking papa..
aba ' lintik ka ginagalit mo ba talaga ako scarlet sabi ng papa ko habang nakatingin ng matalim sa akin...
Sinasagot lamang kita papa isa pa bakit ? hindi ikaw ang gumawa ng paraan para makuha mo ang gusto mo diba doon ka naman magaling lahat ng kumokuntra sayo ginagawan mo ng paraan para matahimik at hindi masira ang plano mo taas boses ko na sabi sa aking papa bernardo..
Napakalakas naman ng loob mo na kalabanin ako! matapos kitang bihisan at kupkupin iyan ang igaganti mo sa akin galit na galit na sabi ng aking papa sa akin buti nalang ay wala na si jhon hindi niya naririnig ang aming pinag uusapan...
anong ibig mo sabihin..naguguluhan ako sa mga sinasabi mo papa anong matapos mo kung bihisan at kupkupin ha?? ano ba yun?maluha luha kong tanong sa aking papa bernardo..
napakahina talaga ng kukute mo hindi mo pa naiintindihan na isa ka lang ampon ...akala ko ng kupkupin kita ay mapapakinabangan kita ng matagal pero dahil sa ginagawa mo ngayon ay pinatunayan mo lang sa akin na wala akong aasahan sayo dahil wala kang kwenta taas boses na sabi ni papa
Ang sama-sama niyo talaga wala kayong awa kaya pala kung tratuhin niyo ako ay para akong basura na pinandidirihan niyo mga wala kayong puso galit na sabi ko kay papa...
ohh well magpasalamat ka nalang dahil binuhay kita dahil kung hindi matagal ka ng patay....sabi ni papa habang nakangisi ng pang uyam...
Sana nga ay pinatay mo nalang ako papa hindi sana ganito ang pinag dadaanan ko ngayon... alam mo dahil sa sinabi mo hindi ko talaga maatim na sundin ka dahil wala kang kasing sama ....kaya huwag na huwag kang umasa na magiging kakampi mo ako sa mga bagay na gusto mong gawin laban sa asawa ko dahil kung ako papipiliin sainyong dalawa ng asawa ko ... siya ang aking pipiliin kaysa sayo makaalis kana papa wala na tayong pag uusapan pa sabay talikod ko sa aking papa bernardo...
Scarlet "" scarlet bumalik ka dito hindi pa tayo tapos !!!
galit na galit na sigaw sa akin ng aking papa berardo subalit wala akong pakialam at ayaw ko ng marinig ang lahat ng sasabihin niya ... kaya naman dumiritso lamang ako sa itaas at tinungo ko ang papuntang kwarto habang paakyat ako ay saktong pabalik naman sa ibaba ang aking asawa na si jhon...
ohh bakit nandito kana asan na ang papa mo??tanong sa akin ni jhon..
andun sa baba puntahan mo kung gusto mo sagot ko sa aking asawa na hindi man lang tumingin sa kanya dahil natatakot akong makita niya ang paglabas ng mga luha kong pilit kong pinipigilan na huwag kumawala..
at ng makalapit ako sa pinto ng kwarto ay agad akong pumasok at nilock ito rinig ko naman ang pagtawag ni jhon pero hindi ko siya sinagot ..
kasabay dun ay ang pagpalaya ko sa aking mga luha na kanina pa gustong gusto ng kumalawa..
Ang sakit sakit subra ..kaya pala ganoon na lang ang patrato nila sa akin dahil hindi nila ako kadugo ..
pinagbabato ko ang mga unan at ang mga nakalagay sa center table na malapit sa kama ... para akong baliw na sumisigaw at humahagulhul ... ramdam kung nasa labas lang ng kwarto si jhon tahimik akong pinakikinggan pero wala akong pakialam..subrang nasasaktan ako sa aking nalaman...
scarlet anong nangyayari dyan sigaw ni jhon na pilit binubuksan ang pintuan...
scarlet buksan mo ang pintuan....pagpipilit na sabi sa akin ng aking asawa ...
jhon pwede huwag ngayon please, huwag ngayon parang awa mo na hayaan mo muna ako mapag isa sigaw ko naman sa kanya....
maya maya pa nga ay wala na akong narinig siguro ay umalis na si jhon...
patuloy lang akong umiiyak ,iyak at sigaw lamang ang aking ginagawa ...
bakit?? bakit ? naman po ganito ang binigay mo sa akin buhay bakit ganito tanong ko habang nakatingala ako sa kisami habang malayang pinalalaya ang mainit na likido na nagmumula sa aking dalawang mata at dumadaloy sa aking pisngi...para akong sinaksak ng realidad na hindi ako kailan man magiging masaya.... all this time na nagagalit sa akin ang aking asawa dahil ama ko ang pumatay sa mga magulang niya...pero malalaman ko ngayon kahit kaunting dugong dumadaloy sa kanila ay wala ako...kapag ba sinabi ko ito sa aking asawa maniniwala kaya siya at magbabago ang pakikitungo niya sa akin..o baka hindi lang din niya ako paniwalaan .... at kung ampon nga ako sinu ba talaga ang tunay kong mga magulang..?? maraming bagay ang gumugulo sa aking isipan..
hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin... nakaramdam ako ng pagod sa pag iyak naramdaman ko na lamang ang pagbigat ng mga talukap ng aking mata...sa hindi ko namalayan ay unti unti ko na pala itong ipinikit at tuluyan nga akong nakatulog .....