Nala POV TUMINGIN ako kay Gordon. Sumalubong sa akin ang nangangalit nyang panga at matalim na mga mata. "Galing to sa hawak ng dalawang security kanina. Pilit nila akong pinalalabas dahil akala nila nanggugulo ako. Yung dalawang receptionist mo kasi, masyadong oa." Nakangiwing sumbong ko at hinimas ng marahan ang parteng mapula sa braso. Siguradong magpapasa ang mga yun. Malutong na nagmura si Gordon at nilapag ako sa sofa sabay tayo nya. Umawang naman ang labi ko sa pagkagulat. Madilim na ang kanyang mukha at galit na galit. Tumalikod sya at naglakad papunta sa pinto. Tumayo naman ako at hinabol sya. "Teka, saan ka pupunta?" Hinawakan ko sya sa braso. "Sa baba." Maiksi nyang sagot. Kumabog naman ang dibdib ko sa kaba. Mukhang papagalitan nya ang dalawang security at ang dalawa

