Nala POV "KUYA Ron, pwede ka ng umuwi. Iwanan mo na ako." Sabi ko sa driver paghinto ng sasakyan sa tapat ng matayog na gusali. "Eh paano kayo maam?" "Magco-commute na lang ako. O kaya, tatambay muna ako sa office ni Gordon." Sabi ko at bumaba na. Wala akong pasok ngayon sa school at trip kong tumambay sa office ni Gordon. First time kong pumunta dito sa company building nya at first time kong pumunta sa office nya. "Ingat po ma'am. Tawagan nyo na lang po ako kung may kailangan kayo." Ani Kuya Ron. "Ok! Ingat din sa pagmamaneho kuya." Tumalikod na ako at naglakad na papasok sa entrada ng matayog na building. Tumaas ang kilay ko ng suyurin ako ng nanunuring tingin ng dalawang receptionist. Magaganda naman sila, makakapal nga lang ang mga make up at pulang pula ang mga lipstick.

