Tahimik na nakaupo si Avria sa loob ng ICU room nang makatanggap siya ng tawag mula kay Vince. Agad siyang tumayo at lumabas ng kwarto bago tinanggap ang tawag. At halos lumundag ang kanyang puso nang marinig ang boses ni Vince. "Nasaan ka?" "Diyan-diyan lang," mahinahon niyang sagot, at ngumiti. "Anong diyan-diyan lang? I went to your apartment, ngunit wala makapagsabi kung nasaan ka. Sabihin mo sa akin kung saan kita mahahanap at pupuntahan kita." "Why? You miss me?" pilya tanong niya, at hinintay ang sagot ni Vince. "Of course, I do. We had an agreement. Remember?" "I can't... I'm sorry but I can't be there," malungkot niyang saad. "Damn! You're being a disobedient again! Napapadalas na yata ah! May lalaki ka na bang iba? Are you seeing another man? Tell me?!" "Hindi no! Hin

