Nang sumunod na araw ay tumahak ang buong pamilya nina Avria at Jones patungong Italy kung saan gaganapin ang kasal. Dalawang oras pagkatapos lumapag ang eroplano sa tarmac ay naka-check in na sila sa hotel. Halos napanganga si Avria nang mabalitaan niyang isang bridal suite ang kanilang uupakan, habang dalawang presidential suite, at isang penthouse suite ang inuukupa ng kanilang mga pamilya. "Pwede naman Delux room na ang kunin natin?" saad niya, at sinulyapan si Jones na magiliw na kinakausap ang receptionist. "Don't forget the apple juice, and tuna sandwich," sabi pa ni Jones, at hinawakan ang kanyang braso. Nang pumasok sila sa private lift ay agad na hinapit ni Jones ang balakang ni Avria. "Ah, let's rest for a while. Gwendolyn and Howell will be here any minute from now."

