Halos Napako siya sa kanyang kinatatayuan nang makita niya ang screenshot ng test result na pinagawa niya kay Francis.
Natampal niya ang kanyang noo, at parang nanlumo. May kutob na siya na maaring positibo siya, pero hindi niya inaasahan na sa ganito pang pagkakataon ito mabubuo.
'I DON'T NEED A WIFE MUCH MORE A CHILD. ALL I NEED IS A f**k BUDDY. NOTHING MORE, NOTHING LESS'
She was so absorbed with her thoughts that she didn't notice Jones’s arrival.
"Mukhang may problema ka?"
Napatingin siya sa pinagmulan ng boses, at nang makita ang nakangiting mukha ni Jones ay napangiti na din siya.
Si Jones o mas kilala sa pangalang Finn Denzel Jones ay matalik na kaibigan ni Kuya Adam niya. Nang magkita sila sa New York ay hindi niya akalain na kaibigan din ito nina Vince at Howell. Gwapo ito at napakasimpatiko. He likes to pampered her with toys and chocolates kapag bumibisita ito sa kanilang bahay dati. Maliban sa isa itong tanyag na neurologist sa America ay isa din itong piloto, model, businessman at real estate broker. Sa edad na thirty-seven ay wala pa itong asawa o kahit girlfriend.
"Wala ah. Ikaw naman may iniisip lang. May problema agad," pagtatangging sabi niya, at pilit na ngumiti pa nang matamis. "Pasok ka na doon, kanina ka pa hinihintay ni Wel."
Imbes na pumasok sa kwarto ay mas pinili ni Jones na umupo sa tabi niya. He gently holds her hands. "Tell me, ano ang gumugulo sa isipan mo? Maybe, I can help."
"Wala nga!" sabi niya, at pilit na hinihila ang kanyang kamay.
"Bakit ba ayaw mo magpahawak ng kamay? Takot kang makita tayo ni Creedo?" tudyo nito sa dalaga, at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkahawak sa kamay ng dalaga. "Creedo won't mind. Because he knows your heart belongs to him."
Inirapan niya si Jones. "Ayokong bigyan siya ng dahilan para mawalan ng tiwala sa akin."
Jones laugh at her sarcastically. "Oh, really? He trusts you? You're so gullible, Habibi. He doesn’t treat you like a partner because he never loves you. To him, you're just his trophy girlfriend and bed warmer. Kailan mo kaya makikita iyan?"
Masama niyang tinitigan ito. "Sabing, wala akong problema! Saka pwede ba, hayaan mo ako. I'm a grown-up woman now. I can perfectly decide for myself."
"Nope, I've known you for years. Hindi ka pa din nagbago. You are still a child who don't know how to value herself. At kahit ano pa ang sasabihin mo, I know may problema ka. You can deny it, Habibi. But I don't believe you. Pero sige, hahayaan kita. Baka kasi kaya mo naman iyan bigyan ng solusyon. But in case you need much help, you know how to reach me."
Gitla siyang napatingin sa kay Jones. Hindi siya makapaniwala na tinawag na naman siyang 'Habibi' ng binata
"Huh? Why are you calling me by that name again?"
Masuyo siya nitong tinitigan. "You know how I felt about you, right?" He sighs deeply, and touched her cheek. "If that f*****g friends of ours, hurt you in a way, believe me, Habibi, I will not hesitate to grab the chance." He immediately stands and left her in dazed.
Avria was so speechless and shocked. Hindi niya akalain na pagkatapos ng dalawang taon ay magpapahayag muli sa kanya si Jones ng nararamdaman nito. Ang buong akala niya ay natanggap na nito ng tuloyan na walang pag-asa na siyang maaasahan pa sa kanya, dahil si Vince ang mahal at mamahalin niya.
Biglang nakatanggap si Avria ng mensahe mula sa kakambal niya. Mabilis niya itong binasa. Sabi sa mensahe ay sa susunod na buwan na sila magkita. May importanteng convention daw itong dadaluhan.
At dahil na postponed ang flight ay nagpasiya si Avria na manatili muna sa dating apartment nang matulungan niya si Howell sa pag-aalaga kay Gwendolyn.
Hindi niya alam na dadating ang binatang sinisinta na may kasama.
"You're still here? I thought nasa Maldives ka na, " gulat na sabi ng isang boses nakilala niya.
Napangiti siya, at agad niya itong nilingon, subalit nawala ang ngiti niya nang makita niya ang babaeng katabi nito.
"Hi, Avria," sabi ng babae, at ngumiti. "It's been so long since the last time we seen each other."
Ngumiti siya ng peke, at sinikap na maging kalmado. "Hello, Candy," sabi niya, at halos nanginig nang makita ang kamay ni Vince at Candy na magkahawak.
Sa sakit na nadarama ay para siyang napako sa kanyang kinalalagyan. Tinignan niya si Vince nang may hinanakit at pagkalito. Subalit hindi man lang ito nagsalita.
"Yes. Ah, paalis na din ako. Na delayed lang ang fight," sabi niya sa maayos na boses.
Alam niyang ang kanilang sitwasyon. Hindi siya pwedeng mag-eskandalo o awayin si Vince. Iyon siguro ang dahilan kaya hindi siya iniiwan ng binata. Ni minsan hindi niya ito sinumbatan, inaway. Hindi din siya clingy at demanding pagdating sa oras at ano pa. She never shows her jealousy kahit na durog na durog na siya sa paninibugho.
Biglang lumabas sina Jones at Howell sa kwarto ni Gwendolyn. Napatigil ang mga ito nang makita si Candy na nasa salas.
"Candy?" sabi ni Howell, at simple siyang sinulyapan.
She smiles like she's telling Howell that she can perfectly manage.
"Hello, Andruis. I've just arrived," masiglang sabi ni Candy, at nagbeso-beso kay Howell. "So, how's Gwendolyn?"
"She's okey," sagot ni Howell.
"Sorry, to interrupt you. Guys, aalis na ako," sabi ni Avria at tumayo.
"Ingat ka. Ihahatid ka ba ni Creedo?"
"I can't," mabilis na sagot ng kaibigan, at sinulyapan si Avria, na nanatiling kalmado ang mukha at walang kabahid-bahid ng ano mang emosyon.
"Ako na maghahatid kay Avria sa Airport. Nakakahiya naman kay Candy kung iwanan mo siya dito. Anyway, I need to go. May mga pasyente pa akong naghihintay sa hospital," paalam ni Jones, at tiningnan si Vince nang nakakaloko. "I hope you remember what I told you, Vince."
Napipilan si Vince habang napatingin naman si Candy sa binata.
"It's nothing, Sweetie. They're only messing you," sabi nito, at ngumiti.
"Is Avria dating your doctor friend?” tanong ni Candy sa binata. "But she's your ..."
"No... She's only a friend. And Yes, they're dating and who knows, secret lovers.perhaps," pabulong na wika ni Vince, subalit narinig ni Avria.
Halos nadurog ang puso ni Avria, subalit hindi siya makaangal. May mental disorder si Cathy at obssessed ito kay Vince. Kaya kahit na naninibugho siya ng subra ay pinipigilan niya ang saliri.
Mabilis na kinuha ni Jones ang maleta ni Avria. Hindi siya makapaniwala na cool na cool tingnan ang dalaga. Agad silang lumabas ng condo, at dagling sumakay ng kotse.
"You always surprise me, Habibi," sabi ni Jones, at sinulyapan ang babaeng nasa tabi niya. "I don't know your reasons but you don't deserve to be treated that way. I hate it! You're young and beautiful. Why do you let any man treats you like you are a damn f*****g mistress!"
Hindi na napigilan na tumulo ang luha ni Avria.
"Because... I love him. I love him so much and I still will love him even if it's breaking me and tearing me apart."
"Kabaliwan iyan! Nakita mo ba kung paano ka niya binalewala sa harap ng babae iyon? Sabagay mahalaga ang babae iyon kesa sa 'yo. Dahil itinakda sila ng magulang niya, at papakasalan niya si Candy pagkatapos nitong mag graduate ng medisina."
"Hindi totoo iyan! Childhood friend niya ang babaeng iyon. Masyadong obsessed ang girl sa kanya. May mental disorder iyon kaya hindi niya masabi ang relasyon namin. Natatakot si Vince na mag-suicide ito kapag nalaman na may namamangitan sa amin."
Biglang dumilim ang mukha ni Jones. Mababakas ang subrang galit sa mata niya. "Kaya ka niya napapaikot sa kamay niya kasi madali ka niyang mapaniwala. But listen to me, Habibi. Walang mental disorder iyon. Why don't you ask Howell or Christian, kung talagang may sira ang utak ni Candy? He's only fooling you!"