Chapter 18

1110 Words
CHAPTER 18 "Lasing ka na, Aliyah," ani Haris at saka pa ako hinatak upang maisama sa pagtayo niya. "Umuwi na tayo sa bahay." "Ayoko pa ngang umuwi!" giit ko, kapagkuwan ay sapilitang binabawi ang braso sa kaniya. Narinig ko ang marahas niyang pagbuntong hininga. Hindi rin niya ako binitawan kahit pa anong piglas ang gawin ko. Nagawa pa niyang kunin ang bote ng alak sa kamay ko at walang pakundangan niya iyong itinapon. Nanlaki ang mga mata ko. "Haris!" Hindi niya ako pinansin at mukhang nagalit ko siya dahil sa kaninang sinabi ko. Mabilis niyang nabuksan ang pinto sa passenger's seat at madali akong itinulak doon. Itinukod ko naman ang kamay sa hamba ng pinto upang mapigilan ang sarili. Sa isang iglap ay nabuhat niya ako. Siya na ang nagpasok sa akin paupo sa passenger's seat. Matapos iyon ay kaagad niyang isinarado ang pinto. Dali-dali rin siyang tumakbo patungo sa kabila. Pumasok siya sa driver's seat. Wala na rin siyang sinayang pang segundo at pinausad ang kotse ko paalis. Wala na akong nagawa. Tumigil na rin ako sa pagwawala ko at umayos na lang ng upo. "Nobody wants to try to understand me." Bumuntong hininga ako sa kawalan. "All I wanted was to be understood... kahit iyan na nga lang, eh. Galing sa Mommy ko. Kasi hindi na iyan kayang ibigay sa akin ni Daddy." Hindi nagsasalita si Haris sa gilid ko. Hinahayaan niya lang akong magsalita, pero ramdam kong madalas niya akong lingunin kapag may pagkakataon siya. Hindi ko na rin siya inistorbo pa. "Do you know how much I love my Daddy? More than everything." Pumatak ang luha sa pisngi ko na madali ko ring pinunasan gamit ang likod ng palad, pero naging hudyat pa ito para magtuluy-tuloy ang pag-agos ng mga luha ko. Wala sa sarili nang matawa ako. "I set my standards so high in life, pinangarap ko na kapag magpapakasal ako ay sa katulad niyang lalaki. Hindi marunong manakit, mapagkumbaba at palaging bukas ang isipan para umintindi... lubos kung magmahal." Napanguso ako. Napawi rin ang mumunting ngiti sa aking labi. "But I know for sure, wala nang magseseryoso sa akin. Walang gustong magpakasal o magpatali sa kagaya ko," dagdag ko pa, kalaunan nang lingunin ko si Haris. "Buti pa si Larisa. Alam mo, kahit naiirita ako sa kaniya, naiinggit ako dahil mayroon siyang katulad mo. At kahit naiinis ako sa kaniya, don't ever hurt her..." Bumuntong hininga ako. Hindi ko rin pala kayang manakit ng tao sa kung paano rin ako sinaktan nina Mommy at Daddy. Alam ko kasi kung gaano iyon kasakit. Walang naging imik si Haris. Hindi na rin ako dumugtong pa at ipinahinga na lamang ang sarili. Ilang sandali pa nang tumigil ang kotse sa tapat ng bahay. Lumabas si Haris, inakala kong iiwan niya ako rito ngunit bumukas ang pinto sa gilid ko. Dinungaw ako ni Haris. Gamit ang inaantok kong mga mata ay tiningala ko siya. Hindi ko na kaya pang gumalaw. Mukhang naintindihan naman niya iyon kaya wala ring sabi-sabi nang buhatin niya ako. Nagulat man ay hindi na ako umimik pa. Dahan-dahan nang ipikit ko ang mga mata at niyapos ang kaniyang leeg. Ramdam ko ang marahang paglalakad ni Haris hanggang sa masuyo rin niya akong ibinaba sa kama ko mula sa aking kwarto. "Matulog ka na. Sabay tayong papasok bukas," mahinang bulong niya dahilan para saglit akong magmulat. Umalis din siya kaagad. Samantala ay tinanaw ko naman ang papalayong pigura niya. Nang maisarado niya ang pinto ay tuluyang nilamon ng dilim ang kabuuan ng kwarto ko. Hindi rin naman nagtagal nang makatulog ako. Kinabukasan, dala ng kalasingan kagabi ay kamuntikan na akong hindi magising. Masakit man ang ulo ay mabilis ang bawat galaw ko. Kumaripas ako ng takbo palabas ng kwarto kahit pa wala akong kaayos-ayos. Hawak-hawak ang hand bag ay nagmamadali kong binubotones ang uniporme ko. Ilang sandali nang makalabas ako ng bahay. Napahinto pa ako nang bumungad sa paningin ko si Haris mula sa labas. Dagli niyang dinungaw ang kaniyang relo bago ako tiningnan. Halos makalimutan ko iyong sinabi niyang sabay nga kaming papasok. Hindi ko man gusto ang ideyang iyon ay hindi na ako umangal pa. Nakaantabay ang family van namin na mukhang iyon ang gagamitin para maihatid kami sa school. Naroon na rin ang driver. Nilampasan ko si Haris at deretsong pumasok sa loob ng van. Sumunod din naman siya sa tabi ko at tahimik lang na tinatanaw ang kalsada sa harap. Habang nasa biyahe pa ay doon ko na inayos ang sarili. Binukan ko ang bag ko at kinuha ang salamin. Naglagay ako ng light eyeshadow, maskara, check eye, noseline, blush on and lipstick. Kinuha ko rin ang suklay ko at maiging sinuklay ang basa ko pang buhok. Nagpahid din ako ng sunscreen and lotion. Kaagad nga lang natigil nang mapansin ang mariing paninitig ni Haris. Kunot ang kaniyang noo habang nakataas ang isang kilay. Tila ba buong pagkatao ko ay hinuhusgahan niya. "What?" asik ko, hindi ko na naalalang nagdrama ako sa kaniya kagabi. "Pinatulan mo rin pala si Ricky?" matigas niyang tanong ngunit naroon sa boses niya ang paninigurado. "Ah!" Natawa ako at napakamot sa batok— oo nga pala. "Ibe-break ko rin siya mamaya kapag nagkita kami." "Really?" dismayado niyang banggit, lalo lang nalukot ang mukha niya. Tumango-tango ako, nakangiti pa. Hindi naman na siya nagsalita pa. Ganoon din ako at para bang kapag ginawa ko iyon ay sasabog siya bigla. Hindi nagtagal nang huminto ang van sa tapat ng school. Naunang bumaba si Haris at hindi na ako hinintay pa. Malalaki ang bawat hakbang niya na nahirapan akong habulin siya. Mayamaya nang kusa ring bumagal ang paglalakad niya, naabutan ko ito. "Talaga bang may Sugar Daddy si Larisa?" Dinig kong banggit ng isang estudyante na animo'y sinadyang lakasan upang iparinig kay Haris. "Nakita mo?" "Oo nga! Kulit nito! Kahapon! Pati kanina! Tanungin mo pa sina Mildred at mga kaibigan niya. Nakita rin nila." Tinanaw ko ang kumpulan ng magkakaibigan na nakapwesto sa isang bench. Pasulyap-sulyap ang mga ito sa pwesto ni Haris. Saglit ko ring nilibot ng tingin ang kabuuan ng Quadrangle. May ibang nagbubulung-bulungan at mukhang iisa lang ang laman ng bulungan nila. Sa pagharap ko kay Haris ay nakita kong malayo na ang agwat naming dalawa. Hindi ko namalayang naglakad na pala ito palayo at dere-deretso niyang tinungo ang building nila na animo'y wala siyang narinig. Hindi ko na siya sinundan pa at muli kong binalingan sina Audrey. "May Sugar Daddy si Larisa?" tanong ko, sabay-sabay pa nila akong nilingon. "Oo, Alice! Bukas, agahan mo para maabutan mo sila sa labas!" matinis niyang sagot, mayamaya nang mangunot ang noo niya. "Pero bakit magkasama kayo ni Haris?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD