Chapter 20

1082 Words
CHAPTER 20 Malakas na binalibag ko ang pinto ng locker ko nang makitang pati ang loob ng locker ko ay hindi rin pinalagpas nina Audrey. Puno rin iyon ng basura kaya ang ilang gamit ko na nandoon ay nagmukha na ring basura. Halos kulangin ako ng hangin sa sobrang galit ko at bulgar na nagtataas-baba ang dibdib ko. Hindi ako makahinga kaya pabagsak akong naupo sa upuang naroon sa locker room habang pilit pa ring hinahabol ang paghinga ko. Saglit akong napatingin sa salamin at nakitang pulang-pula ang mukha ko. Magulo ang buhok at wala sa ayos ang uniporme. Nahilot ko ang sentido habang iniisip pa kung saan ako kukuha ng pamalit. Ang mga walanghiya, tinapunan lang naman ako ng basura! Halos ipaligo nila sa akin iyong lahat ng laman ng trash can. Kitang-kita sa uniporme ko ang ilang mantsa, pati ang ilang dumi na galing pa sa iba't-ibang pagkain. Tangina talaga nila! Makakita lang ako ng pagkakataon, lintik lang ang walang ganti. Marahas akong bumuntong hininga. Sa nanlalagkit kong pakiramdam ay sapilitan kong hinubad ang pang-itaas ko. Inihagis ko pa ang uniporme sa malapit na trash bin. Bra na lang ang naiwang saplot ko. "Ito, oh," sambit ng isang boses mula sa likuran ko, mayamaya nang lingunin ko ito at kaagad na nagbaba ng tingin sa ibinibigay niyang damit. "Marami akong baon na t'shirt." Napairap ako. Mga ilang segundo ko pang tinitigan si Larisa. Hindi mawala-wala ang galit sa mga mata ko. Natakot ko marahil siya kung kaya ay ibinaba na lamang nito ang damit sa gilid ko. Mahina siyang tumikhim. "Sa susunod na makikita mo akong binu-bully nina Mildred, huwag ka nang sumali," dugtong niya dahilan para magpantig ang dalawang tainga ko. Umangat ang sulok ng labi ko. "Bakit ba kasi hindi ka marunong lumaban?!" Nagulat ito sa biglaan kong pagsigaw. Paano at nakita ko na namang pinagtitripan siya sa Library kung saan madalas siyang tumatambay. Hindi naman dapat ako mangingialam at abala akong nagre-review. Wala naman talaga akong pakialam sa kanila. Nainis lang ako kung bakit hinahayaan lang niyang saktan siya ng ganoon? Naturingang matalino, bakit hindi siya lumaban? "Nandoon na tayo sa may Sugar Daddy ka, ano naman sa kanila? Matuto ka ring lumaban para sa sarili mo! Hindi iyong hihintayin mo pang may magtanggol sa 'yo! So, paano pala kung wala ako roon? Paano ka ngayon na wala na nga kayo ni Haris??" Gumalaw ang panga ni Larisa, tila ba ayaw na niyang napag-uusapan si Haris, o kahit ang marinig ang pangalan niya. Hindi malinaw kung totoong break na nga ba silang dalawa, pero sa inaakto niya ay napatunayan kong wala na nga sila. Napayuko si Larisa, ilang sandali nang matawa siya. "Naalala mo? Ikaw iyong dating pasimuno sa pambu-bully sa akin, tandang-tanda ko pa na galit na galit ka sa akin, pero kita mo ngayon, ikaw pa itong nagtatanggol sa akin." Nawala ang emosyon sa mukha ko. Bigla akong natauhan sa sinabi niya. Nakita ko pa ang masuyong pagngiti niya dahilan para panlakihan ko siya ng mata. "Bumabawi ka?" aniya na may halong pang-aasar, tila ba gusto lang pagaanin ang tensyon sa aming dalawa. "O gusto mo akong maging kaibigan? Okay lang naman sa akin, tanggap pa rin naman kita." "Shut up!" malakas kong singhal dito, lalo lang siyang natawa pero hindi naman na dumugtong pa ng salita. Muli akong napairap. Daming alam. Kalaunan nang suotin ko rin ang t'shirt na ipinahiram niya sa akin. Wala naman na akong magagawa. Hindi naman pwede na lumabas akong mukhang basura, mas pagtatawanan lang ako nina Audrey. Matapos kong ayusin saglit ang sarili ay mabilis ko lang dinaanan ng tingin si Larisa na animo'y binabantayan ako. Napahinga ako nang malalim. Hindi rin nagtagal nang lampasan ko siya. "Alice!" pagtawag niya nang makalabas ako ng locker room, sumunod pala siya sa akin. Huminto ako pero hindi ko na siya nilingon. Hinintay ko kung anong gagawin o sasabihin niya. "Thank you..." ani Larisa sa masayang tinig. Kumibot ang labi ko ngunit hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Dere-deretso ang naging lakad ko palabas ng school. Isang subject na lang din naman at hindi ko na iyon pinasukan pa. Nawala na ako sa mood. Ano pang mukhang maihaharap ko sa mga kaklase kung ganito ang itsura ko? Gamit ang family van namin na nakaabang sa gate ay nagpauna na akong magpahatid sa bahay. Hindi ko na hinintay si Haris at mamaya pa yata ang uwi no'n. Marunong din naman siyang umuwi mag-isa. Ilang minuto lang nang tumigil ang van sa tapat ng bahay. Walang lingun-lingon na dumeretso ako ng tungo sa kwarto ko. Isa-isa kong hinubad ang lahat ng damit ko bago ako pumasok sa banyo. Matapos punuin ng tubig ang bathtub ay nahiga ako roon. Mariin kong ipinikit ang mga mata habang ang utak ko ay halos magkandabuhol sa pag-iisip kung paano ko gagantihan sina Audrey. At the same time, iniisip ko rin kung kailan pa ako naging mabait kay Larisa. O kung mabait na nga ba ako sa lagay kong ito. Isa pa sa gumugulo sa isipan ko ay kung anong rason bakit ako iniiwasan ni Haris. Kung totoo na hiwalay na nga sila ni Larisa, bakit apektado ako? Bakit pati ako ay hindi niya pinapansin? And so? Bakit ko rin ba iyon kailangan pang problemahin? Pakialam ko rin ba sa kaniya? In the first place, ayoko naman talaga na magkalapit kami, ni ayoko nga na makita siya. Saksi ang sino man kung gaano ako kagalit sa kaniya, kung paano ko siya isumpa bilang step-brother ko. Away aso at pusa kaming dalawa at hindi magkasundo. Siguro noon iyon, siguro ay iba na rin ngayon. Siguro dahil nasanay na akong palagi siyang nariyan at sumusulpot bigla sa kung nasaan man ako. Siguro... naninibago lang ako, siguro ay hindi ko lang matanggap na bigla siyang nagbago. Malakas akong bumuntong hininga sa kawalan at madaling nagmulat. Para akong nagising mula sa isang bangungot. Ramdam ko ang mabilis na pagtíbok ng puso ko, rason para dagli ko iyong kapain. If he falls for me, I will not catch him. Pero kung ako ba ang mahuhulog sa kaniya? Handa ba niyang iwan si Larisa para sa akin? Naalala ko ang katagang iyan na noon ay naitanong ko sa sarili. Ngayon na wala na sila ni Larisa, kaya pa ba akong saluhin ni Haris kapag sinabi kong gusto ko na siya? Kaya pa ba niyang magmahal pagkatapos ni Larisa? Halos tawanan ko ang sarili. Nababaliw na nga siguro ako. Kailan pa ako natutong magmahal, huh?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD