Chapter 21

1124 Words
CHAPTER 21 Maigi kong binabasa ang isang libro. Halos isubsob ko na roon ang mukha ko sa tindi ng pagre-review ko. Simula paggising ko kanina ay wala akong ibang ginawa kung 'di ang basahin lahat ng librong nahiram ko sa Library kahapon. After ko pang basahin at makakuha ng idea o key words sa mga salitang naroon ay isinusulat ko naman iyon sa isang papel. Saka ko naman din babasahin ang nakasulat sa notebook ko. Paulit-ulit ko iyong babasahin hanggang sa maintindihan ko at kapag nangyayari 'yon ay para naman akong tanga na tumatango-tango sa kawalan. Tawang-tawa pa ako sa sarili na nagmistulang nanalo sa lotto sa tuwing nagagawa ko pa siyang kabisaduhin. Ang babaw ko nga siguro, pero minsan ko lang din kasi matagpuan ang sarili kong ganito na desidido na mag-aral. Honestly, hindi naman siya masarap sa pakiramdam. Walang maganda o nakakatuwa sa pag-aaral— well, para sa akin iyon. Pananaw ko iyon. Ngunit nandoon iyong feeling na napa-proud ka dahil may natututunan kang isang bagay na galing sa subject mo. At magkakaroon ka ng eagerness na kailangan ay perfect score ang makukuha mo sa exam, kung hindi man ay mataas ang grade. Araw ng linggo ngunit maaga akong nagising para rito. Walang pasok kaya ito na lang din iyong kinuha kong pagkakataon na makapag-review nang walang istorbo sa paligid. Ni wala pa akong kain at ligo. Itinagilid ko ang ulo ko nang maramdaman ang ngalay sa batok ko. Nakaupo ako sa papag habang nakasandal ang likod sa pahabang sofa. Tinanaw ko ang lamesa kung saan nagkalat doon ang mga libro, notes, ilang highlighter at ballpen ko. Napahinga ako nang malalim. Doon ko napagpasyahan na tumayo na muna para makakain. Suot ang ternong pajama ay deretso akong lumabas ng kwarto. Hawak ko pa rin ang libro at patuloy na binabasa. Mabagal at marahan ang paglalakad ko. Bawat hakbang ko sa baitang ng hagdan ay pahinto-hinto ako. Sa sala ay medyo nagtagal ako. Nakatayo lang ako roon at saglit na kinabisado ang nabasa kong key words. Ilang sandali lang nang maglakad ulit ako, papasok naman sa kusina. Dumeretso ako sa sink upang magtimpla ng gatas gamit lamang ang isang kamay. Halos hindi ko na alisin ang tingin sa librong binabasa dahilan para madaplisan ng mainit na tubig mula sa water dispenser ang kamay ko. Kamuntikan ko nang malaglag ang baso kung hindi lang din iyon maagap na nahawakan ni Haris na biglang sumulpot sa gilid ko. Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na napaatras sa sobrang lapit naming dalawa. "Haris!" gulat na bulalas ko sa kaniya, tila pa ngayon lang din nagising ang katawang lupa ko at naramdaman ko ang malakas na pagtíbok ng puso ko. Hawak pa rin niya ang mug at dahil hawak ko rin iyon ay nakapatong ang kamay niya sa akin. Hindi niya iyon mabitaw-bitawan. Dahan-dahan nang bitawan ko ang mug. Wala naman akong narinig galing sa kaniya. Hanggang sa siya na mismo ang magpuno ng tubig sa mug ko. Dinala niya iyon sa lamesa kaya sinundan ko naman siya. Nananatiling kunot ang noo ko habang mataman siyang pinagmamasdan na tahimik lang. Kanina pa siya yata rito sa kusina. Na-realize ko iyon nang balikan nito ang naiwang pagkain sa kabisera ng lamesa. Mabilis at walang imik niyang iniligpit iyon, na kahit hindi pa yata siya tapos na kumain ay nagligpit na siya. Bawat galaw niya ay sinusundan ko. Nagtatanong ang mga mata ko ngunit hindi naman na rin niya ako magawang lingunin pa. Nakatayo lang ako at animo'y natuod ang mga paa sa sahig ng kusina. "May lakad ka?" tanong ko at mukhang madaling-madali siya. Isang beses niya akong nilingon mula sa pagitan ng leeg at balikat niya, since nakatalikod siya sa akin. Pinasadahan ko naman ng tingin ang kabuuan niya. Mukhang kagigising lang din niya— himala? Samantalang maaga 'yang nagigising, nauuna pa 'yan sa tilaok ng manok. Early bird 'yan si Haris kahit wala ng alarm clock ay awtomatikong nagigising ang katawan niya pagdating ng alas singko ng umaga. Unless ay napuyat siya kagabi? O 'di kaya ay naglasing? Kaya late nang gumising? Bilang sagot ay umiling lang siya. Natigilan ako at muling nanumbalik sa utak ko iyong mga tanong kung bakit iniiwasan niya ako. Gusto ko sanang tanungin iyon, pero nakaisip ako ng ibang paraan. "Pwede bang samahan mo ako mamaya magpunta ng Mall?" Ngumiti ako at bahagya pang hinarangan ang daanan niya nang matapos siya sa ginagawa. Nangunot ang noo ni Haris. "May gagawin pa ako sa taas, magre-review din." "Oh!" Napanguso ako, kalaunan nang tumango-tango rin. "Sige! Linggo naman pala ngayon, for sure ay nandito si James! Sa kaniya na lang ako magpapasama!" Tumalon ako sa tuwa sa natantong iyon. Kinuha ko na rin ang mug at para pang uod na naglakad ako palabas ng kusina. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakalalabas nang marinig ko ang malakas niyang pagtikhim. "I mean, pwede ko naman iyon ipagpaliban at mamayang gabi ko na lang gagawin. Pwede kitang samahan," seryosong wika niya, rason para mapangisi ako. See that? Pagdating sa kalokohan ay magaling ako. Sana lang din kahit sa exam ay pasado ang score ko. Lalong humaba ang nguso ko. Nang malingunan ko siya ay napansin kong hindi na nalalayo ang agwat naming dalawa, tila ba tinangka niyang habulin ako. Ubod ng tamis na nginitian ko si Haris. "All right! Alas dos ng hapon mamaya," magiliw kong sinabi at tuluyan nang gumayak pabalik ng kwarto. Muli akong bumalik sa pagre-review. Mas ganado na sa pagkakataong ito— salamat sa gatas! Tinapos ko ang tatlong subject sa natitirang oras bago kami umalis ni Haris. Excited pa ako at wala pa mang alas dos ay natapos na ako sa lahat. Nakabihis na ako, isang plain white racerback top at highwaist tokong shorts na terno sa aking white strap sandals. Nasa balikat ko ang mini hand bag ko. Ang buhok ko ay nakatali gamit ang clamp ko na yari sa artificial white pearl. Okay na siguro 'to. Hindi rin naman malala ang paglagay ko ng make up. Parang natural lang na mapula ang pisngi at labi ko. Isang pasada nang mamahaling perfume ang iginawad ko sa buong katawan ko bago tuluyang lumabas sa kwarto ko. Naabutan ko sa sala si Haris. Inakala kong ako lang ang excited, mas excited pa yata ang isang 'to. Naka-white button down polo siya na terno sa kaniyang cargo shorts. Suot niya ay mountain sandals na bumagay sa kaniya. Simple lang din namang tingnan si Haris, pero sa ayos ng buhok niya at sa lakas ng dating niya ay para bang nagmukha siyang modelo sa paningin ko. Madali kong ipinilig ang ulo at nilapitan siya. Tumayo siya nang makita ako. "Let's go." Nauna siyang maglakad palabas ng bahay. Napairap naman ako sa hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD