Chapter 22

1127 Words
CHAPTER 22 Kotse ni Haris ang ginamit. Hindi na ako nagreklamo at gusto ko rin namang maging passenger princess for today's video. Ang likod ko ay nakasandal sa gilid ng bintana. Nakahalukipkip ako habang bulgar kong pinapanood si Haris na magmaneho. Patingin-tingin siya sa akin, tila ba naaalibadbaran sa paninitig ko. Gumalaw ang panga niya. Hindi naman siya nagsasalita bagkus ay seryoso lang na nagda-drive. Iniisip ko kasi kung ano ba ang nagustuhan ko sa lalaking 'to. Oo, gwapo siya, matalino, malaki ang katawan, mukha ring malaki 'yung ano, pero habang sila ba ni Larisa ay nagugustuhan ko na siya? Saglit kong inalala iyong palagi naming away sa tuwing napag-iisa kami. See? Wala naman kaming matinong encounter. Laging mainit ang ulo ko sa kaniya. Kaya paano ko siya magugustuhan kung purong pagkaayaw ang nararamdaman ko sa kaniya? Ngunit naalala ko rin iyong mumunting moment namin kahit sa maikling oras. Iyong palagi niyang pagsunod at pagsundo sa akin sa Bottle Ground. Iyong minsan na pagtatanggol niya sa akin kapag napapaaway ako. Iyong pagtulong niya rin sa akin na mag-review, iyong mga advice niya na kahit papaano ay nakatulong din sa buhay ko. That's it maybe. Ayoko lang paniwalaan dahil ang sariling puso ko mismo ay nagulat sa katotohanang kaya ko pa lang magmahal. Kapag nagkaka-boyfriend naman kasi ako, alam ng lahat na hindi iyon seryoso. Para sa akin ay laro-laro lang, libangan gano'n. Hindi ko balak na mag-settle sa isang tao lalo kung masyadong nakakasakal. Ayoko ng gano'n. At siguro rin, kaya ako papalit-palit ng mga lalaki ay dahil hinahanap ko rin iyong taong tatanggap sa akin, iyong talagang mamahalin ako hindi lang dahil may kailangan sila sa akin. Ngunit hanggang sa kahuli-hulihan kong boyfriend na si Ricky ay hindi ko maramdamang kaya kong magmahal. Not until ma-realize ko ang presensya ni Haris, siya iyong tipo ng lalaking parang hindi pwedeng maging akin. Parang ang hirap niyang abutin, tila ba kailangan ko munang patunayan ang sarili ko sa kaniya. Iyon bang kagaya ni Larisa, matalino, inosente at desenteng babae, mabait at may mabuting puso. Wala sa sarili nang kumibot ang labi ko. Sa kawalan ko sa huwisyo ay hindi ko namalayang nakahinto na pala ang kotse ni Haris sa parking ng Mall mula sa labas. Nakatitig na rin siya sa akin. "What are you thinking?" tanong niya nang mapakurap-kurap ako. Umayos ako ng upo at tinanggal ang seatbelt. Nilingon ko ang Mall na siyang palagi naming pinupuntahan ni Daddy. Nandito ang mga paborito niyang store, like kapag mamimili kami ng mga branded bags and jewelry. Napangiti ako. Nauna na akong bumaba ng kotse, iniwan ko nang nakanganga si Haris habang hinihintay pa rin ang sagot ko. Nilingon ko ito na siyang kabababa lang ng kotse. Madilim na ulit ang expression ng mukha. "Let's go!" masayang turan ko at napatiuna nang maglakad patawid sa pasukan ng Mall. Mabilis naman akong pinantayan ni Haris. Nasa gilid ko na kaagad siya. Nagtaas ako ng tingin sa kaniya at ngumiti. Nagmukha lang akong bata na minsan lang nakalaya sa kaniyang crib. Isa-isa kong pinasukan ang lahat ng mga store at boutique roon. May ilan akong mga binili, katulad ng bikini and swimsuit, mga damit pang-socialize. Mga gamit din, make up and skincare, and for hygiene purposes. Nakasunod lang sa akin si Haris na tahimik lang. Nagmukha nga lang siyang bodyguard ko dahil bitbit niya ang ilan sa mga pinamili ko, kahit pa ayaw ko namang ipabuhat sa kaniya iyong mga paperbag. Nagpumilit pa rin siya kaya bahala siya. At ang bottomline sa pagpunta ko sa Mall na ito ay ang kagustuhan kong matanaw ang Diamond and Multi-Gem Pendant Necklace by Cartier. O mas kilala sa tawag na Panthére de Cartier. Istilo nito ang lounging panther, round diamonds, round cabochon rubies and emeralds, onyx hoop and plaques. Nasa loob ito nang matibay na pakuwadradong salamin na may security alarm. Nasa magkabilaang gilid din nito ang dalawang attendant na nagbabantay sa bawat galaw ng mga taong tumitingin doon sa kwintas. Mataas ang halaga niyan kaya iniingatan. Ang sabi ni Daddy noon, ireregalo niya iyan sa akin sa 18th birthday ko, since iyan talaga ang hiniling ko sa kaniya. Pero seventeen pa lang ako noong maghiwalay sila ni Mommy at twenty years old na ako ngayon. Hindi ko mabili-bili at mukhang hindi na rin magiging akin pa. Kaya hanggang tanaw na lang ako, pero ayos lang. Kuntento na ako rito. Nangingiti ko iyong dinudungaw sa salamin habang nag-aasam na sana ay mahawakan— bawal din kasing isukat. "Bibilhan mo 'yan?" takang pagtatanong ni Haris nang magtagal ako roon katitingin sa iisang kwintas. "Ang mahal niyan. Higit four million. Kahit may kaya kami, Aliyah, hindi ko iyan bibilhin." Nilingon ko ito at pinaningkitan ng mata. "Pinapabili ko ba sa 'yo?" Masama niya akong tinitigan. Hindi na siya nagsalita at mukhang wala na siyang mairebat sa akin. "Pero alam mo, Haris, kapag may bumili niyan para sa akin? Pakakasalan ko kaagad," natatawang biro ko. Lalo namang naging masama ang timpla ng mukha niya. "Kahit hindi mo mahal?" "Ang pagmamahal ay pwede namang matutunan. So, habang asawa ko na siya, pwede ko siyang mahalin." "You're unbelievable," bulalas niya. Malakas akong natawa. Halos pagtinginan ako ng mga tao. Madali naman akong nagtago sa likod ni Haris at hinila na siya palabas sa boutique na iyon. "Anyway, saan mo gustong kumain? Ililibre na kita, para hindi ka na malungkot." Hila-hila ko siya sa kaniyang braso, samantala ay nangunot naman ang noo niya. "Did I look sad to you?" napipilan niyang sinabi. Nagkibit ako ng balikat. "Wala na kayo ni Larisa 'di ba? Break na kayo? So to mend your broken heart, paliligayahin kita ngayong araw." Nakita ko ang gulat sa mukha ni Haris. "But don't get me wrong, ah? Hindi tayo magtse-check in. I mean, iti-treat lang kita gano'n!" "Aliyah Denice!" suway sa bulgar kong salita. Muli akong natawa. "Shhh!" Hinatak ko papasok si Haris sa isang Restaurant. Kaagad akong naghanap ng bakanteng upuan at sa dulong bahagi ako nakakita. Magkatapat kami ni Haris, wala pa rin sa mood. Dumukwang ako sa lamesa at saka pumangalumbaba sa harapan niya. "Tell me, Haris, bakit kayo nag-break ni Larisa? Is there someone else? Third party? Kaninong side? Kay Larisa?!" Nanlaki ang mga mata ko at napatakip pa ng bibig. "Pero feeling ko naman ay hindi niya iyon magagawa. Pero... totoo ba talaga iyong Sugar Daddy niya? Iyon ba ang dahilan?" Mariin akong tinitigan ni Haris. Kaagad nga lang iyon naputol nang may lumapit sa aming waiter. Ako na ang nagsabi ng mga order namin kaya mabilis din siyang umalis. Muli kong binalingan si Haris. "Ano? Nangaliwa talaga si Larisa?" "No, Aliyah," seryoso niyang wika, bumuntong hininga siya kalaunan. "Ako... ang may kasalanan. Ako ang dahilan kung bakit kami naghiwalay. Don't blame her."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD