CHAPTER 23
"Bakit ikaw, Haris?" mataman kong tanong. "Paano naging ikaw? Natukso ka? May Sugar Mommy ka rin ba?"
Sa huling sinabi ko ay kamuntikan nang lumuwa ang parehong mata ni Haris. Natawa naman ako sa naging itsura niya.
"Just kidding!"
Nag-peace sign ako rito. Lalo lang siyang sumimangot. Sumandal ito sa kaniyang upuan at pinagkrus ang dalawang braso niya sa itaas ng dibdib nito.
"Pero bakit nga kasi? Paano naging kasalanan mo? May babae ka, Haris?" Hindi talaga ako matatahimik nito, hindi ko naman akalain na siya ang magloloko sa relasyon nila ni Larisa.
Kasi sa totoo lang, na kay Larisa na ang lahat. Maganda siya, mabait, matalino, matulungin, mapagkumbaba at maintindihing tao. A wife material indeed. Ipagpapalit pa ba siya ng sino mang lalaki sa ibang babae?
Kung ako lang, kung ako lang ang naturingang boyfriend ni Larisa, I would say I am the luckiest man in the world. Bagay na bagay nga sila ni Haris, parehong perfect. Kaya minsan din akong nainggit kay Larisa.
Ngunit ang katotohanang hiwalay na nga sila ay hindi kapani-paniwala. Tapos ay si Haris pa iyong may kasalanan? How come? Oh! Sumasakit yata ang ulo ko para sa relasyon ng ibang tao.
"I fell out of love," simpleng wika ni Haris, rason para mangunot ang noo ko. "And I liked another girl, Aliyah. That's the reason."
Bumilog ang bibig ko sa sobrang pagkamangha. Kalaunan nang matawa ako sa reyalisasyong lahat ng lalaki ay posibleng gawin ang ginawa ni Daddy noon. Iyon bang habang may karelasyon pa ay nagkakagusto pa sila sa ibang babae.
"You fell out of love because you like someone else," untag ko sa na-realize. "That's a form of cheating, right? At hindi iyan katanggap-tanggap para sa mga babaeng kagaya ko. You're a cheater, Haris."
Matagal kaming nagkatitigan ni Haris. Nilabanan ko ang mariin niyang paninitig at dahil tama ako sa sinabi kong iyon ay siya ang unang bumitaw. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Sakto at dumating din ang pagkain namin na dala ng waiter.
Kaagad kong ipinaskil ang ngiti sa labi ko. "Thank you!"
"Enjoy your meal, Ma'am!" Ngumiti rin ang waiter bago binalingan si Haris. "And Sir!"
Sinundan ko ng tingin ang waiter hanggang sa mawala siya. Mayamaya nang umpisahan ko ring kumain. Mabagal ang bawat galaw ko habang pinapanood si Haris, tinatapatan ang kawalang gana niyang kumain.
"So, sino 'yung babae, Haris?" tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain namin.
Tumigil saglit si Haris. Ibinaba ang mga kamay niyang may hawak na kubyretos.
"You don't have to know, Aliyah. And I don't think you're going to like the answer."
Kumibot ang labi ko para sa isang ngisi. Mayroon na akong idea, but then, ayokong i-spoil ang sarili. Hindi na ako nangulit pa sa kaniya at ipinagpatuloy na lang ang tahimik naming pagkain.
Matapos naming kumain ni Haris ay nag-bill out din kami kaagad. Ang sabi ko pa kanina ay ako ang magbabayad, pero nagulat na lang ako nang i-offer ni Haris ang kaniyang card sa waiter. Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Ako ang manlilibre 'di ba?" angil ko rito.
"Ipunin mo na lang iyang pera mo pambili sa Cartier na 'yon," seryoso niyang pahayag.
Napanguso ako at inirapan na lang siya. Hindi na ako nagreklamo pa. Ilang sandali ay sabay pa kaming tumayo ni Haris. Hinintay ko siyang makalapit sa akin upang mahawakan ko siya sa braso niya.
Habang naglalakad pa palabas ng Restaurant ay nalingunan ko iyong isang lalaking papasok sa mga VIP rooms. Matangkad iyon at kuhang-kuha ang tikas ng katawan ni Daddy Sebastian.
Gusto ko sanang sundan iyon para makasigurado, pero ayokong ipahiya ang sarili sa maraming tao. Hindi ko nga alam kung tanggap ko pa rin ba si Daddy pagkatapos kong malaman na hindi naman pala niya ako tunay na anak.
Kaya rin marahil na madali lang para sa kaniya na iwanan ako, na hindi ako kausapin at hindi siya magpakita sa akin sa loob ng tatlong taon. Baka nga nandidiri rin siya sa akin. Alam ko na galit siya kay Mommy, posibleng galit din siya sa akin ngayon.
At wala rin naman akong ibang maramdaman kung 'di purong galit sa kaniya. Oras siguro na makita ko siya ay pupunuin ko ng pasa ang mukha niya, kasama ng babaeng kinakasama niya.
Wala sa sarili nang mapairap ako sa hangin. Naabutan ako ni Haris sa ganoon kaya dagli rin niyang nilingon ang tinitingnan ko. Mas hinila ko nga lang siya hanggang sa makalabas kami ng Restaurant.
Mayamaya nang mapansin kong nagbibilang ng pera si Haris sa kaniyang wallet. Inisa-isa rin niyang tingnan ang mga card niya. Dinungaw ko ang wallet niya at bulgar na nangunot ang noo ko.
"Anong binibilang mo? Ang mahal ng bill natin, 'no? Sabi ko naman sa 'yo ay ako na ang magbabayad." Humalakhak ako.
"Matagal pa akong makakaipon nito ng four million at wala pa akong trabaho," bulung-bulong niya sa sarili, kusa namang nalaglag ang panga ko sa narinig.
Nanlaki rin ang mga mata ko habang hindi makapaniwalang napamaang kay Haris. Hindi niya napansin ang pagkakatigil ko sa paglalakad at deretso niya akong nilampasan habang wala pa rin siya sa sarili.
"Don't get married yet."
Hindi rin nagtagal nang malinguan ako ni Haris sa gilid niya. Kaagad siyang nagpalingun-lingon hanggang sa magtagpo ang mga mata namin. Nanatili ako sa pagkakatayo ko at kumaway pa sa kaniya.
Hinintay ko talaga na balikan niya ako para mapatunayan ko ang lahat— tuluyan kong pinakawalan ang ngisi ko nang mabilis pa sa kidlat na nasa harapan ko na siya.
Namamangha ko siyang tinitingala, samantala ay nag-iiwas lang siya ng tingin sa akin. There you have it, Haris! Hindi man niya deretsong sabihin, but I know for sure, he likes me. Ako iyong gusto niyang babae.
He likes me, too much, that he can't handle his own feelings. May parteng in denial siya sa parteng iyon kaya niya ako iniiwasan nitong mga nakaraang araw. Sabagay, kaka-break lang din nila ni Larisa.
Gusto ko pa sanang magmayabang sa buong mundo na gusto ako ng isang Haris Abraham Martin, kaya lang ay alam kong ako ang pangunahing dahilan ng break up nila ni Larisa. So nevermind.
Mayamaya nang hawakan niya ang braso ko, masuyo niya akong hinila at iginiya sa paglalakad. Nakangiti lang ako buong oras na tinatahak namin ang daan patungo sa parking lot ng Mall.
What does it feel like when you both like each other, yet relationships are not possible?
Pwede bang ang isang tamang tao sa maling panahon ay magiging mali rin?
It's downright common. I can say he's the right person for me, but at the wrong time.