CHAPTER 25 Patuloy ang tahimik kong pag-iyak habang nagtatago. Kasabay din nang pagtulo ng luha sa pisngi ko ay ang bulto-bultong pawis sa noo at leeg ko. Damang-dama ko ang init na humahagod sa kaibuturan ko, pababa sa pumipintig kong pagkabàbae. Ito na yata iyong bagay na siyang kinatatakutan ko. Ito iyong sitwasyon na talaga namang iniwasan ko noon simula pa sa unang boyfriend ko hanggang sa kahuli-hulihan, hanggang kay Ricky. Marami sa kanila na iyon lang naman talaga ang habol sa akin at kapag tinanggihan ko sila ay saka nila ako iiwan. Minsan ko ring naranasan ang pilitin akong makipag-séx. Kamuntikan na ako noon, mabuti kahit papaano ay nadala ko siya sa pag-iyak ko. Hindi ko binibigay sa kanila ang puri ko dahil iyon na lang ang mayroon ako. Iyon na lang din ang magandang rega

