Seryoso ba siya? Iyan talaga ang pinunta niya rito sa building namin at hindi ang girlfriend niyang si Larisa? Gustong pumalakpak ng tainga ko, pero ngayon na nabubwisit ako sa kaniya ay sadyang hindi ko magawa.
Like, bakit ba ang daming problema ng mga tao sa akin? Ano bang pakialam nila?
Akala mo kung sino. Tumira lang sa bahay namin, nabigyan lang ng karapatan ni Mommy na bantayan ako ay halos hindi na yata ako maiwanan.
Iyong sarili ko ngang ama, ni magparamdam o kumustahin ako ay hindi magawa. Iyong sarili ko ngang pamilya ay binabaliwala ako, sila pa na hindi ko naman kadugo?
Totoo na gusto kong matuwa ngunit nakakagalit na bakit kailangan na sa iba ko pa mararamdaman iyong kalinga na gusto ko? Bakit sila... may pakialam sa akin? Bakit sina Mommy at Daddy ay wala?
Marahas kong isinarado ang pinto sa kotse ko. Kasabay nang pagsinghap ko. Muling nag-ring ang cellphone sa hand bag ko. Malamang si Anthony na naman iyon. Nakailang missed call na siya.
Huminga ako nang malalim bago inabot ang cellphone. Marami na siyang iniwang text.
‘Nasaan ka na? Nandito na ako sa Bottle Ground. Deretso ka na lang dito.’
‘Kanina ka pa dapat nakalabas, right?’
‘Where are you?’
‘Answer your damn phone, babe.’
Marami pa siyang text na hindi ko na talaga binasa. Mayamaya lang ay nag-ring ulit ang cellphone ko, si Anthony.
Hindi ko na sinagot, hindi ko na rin siya pinuntahan sa meet up namin. Nawala na ako sa mood. Hindi ko na kayang makipag-date pa. Bwisit kasi na Haris, masyado namang pinangatawanan ang pagiging step-brother sa akin.
Marahas kong hinampas ang manibela. Nasa parking pa ako ng school. Naroon lang ako sa nagdaang oras hanggang sa tuluyang magdilim ang langit. Inabot na ako ng alas siete at doon pa lamang ako umalis.
Ngunit imbes na dumeretso ng uwi ay saglit pa muna akong tumambay sa labas ng Bottle Ground. Wala naman akong balak na uminom ngayon at maglasing. Ayoko lang talaga na umuwi sa bahay.
Malamang din ay nakauwi na si Anthony kaya malakas ang loob ko na dumayo rito. Bukas ko na lang haharapin ang galit niya. Kahit mag-wrestling pa kaming dalawa.
Ipinikit ko ang mga mata habang yakap-yakap at nakayuko sa manibela. Madilim sa loob ng kotse kaya hindi naman din ako napapansin ng mga taong dumaraan sa gilid. Gusto ko sanang umidlip ngunit maya't-maya ang pag-ring ng cellphone ko.
Si Anthony ulit panigurado.
Nagdaan pa ang ilang oras. Ang patulog ko na rin sanang diwa ay biglang nagising nang makarinig ng katok mula sa bintanang nasa gilid ko. Unti-unti kong ipinilig ang ulo upang harapin ito habang nananatiling nakayuko pa rin sa manibela.
Madilim man din ang labas, sobrang liwanag naman ng buwan na siyang nagsisilbing ilaw sa madilim na parteng iyon ng Bottle Ground parking. Naaninag ko ang mukha ni Haris. Pilit niya akong tinatanaw mula sa loob, since tinted ang bintana ng kotse.
Dahan-dahan na nangunot ang noo ko. Kahit saan na lang yata ako magpunta ay talagang susundan ako ng lalaking 'to, ano? Binabayaran ba siya ni Mommy? Grabe at sobrang dedicated naman niya sa trabaho.
Matagal ko siyang tinitigan mula sa labas. Kagaya pa rin ng Haris na nakilala ko, malamig ang expression at parang robot. Kaya hindi ko alam kung bakit nandito siya na animo'y nag-aalala sa akin.
Pagak akong natawa. Kalaunan nang buksan ko rin ang pinto habang nasa ganoon pa rin akong posisyon. Kaagad na bumaba ang mariin niyang paninitig sa mga mata ko. Saglit niya akong pinag-aralan.
"Are you drunk?" maang niyang tanong.
Blanko naman ang mukha ko. Literal na wala sa mood at inaantok na.
"Kanina ka pa nakalabas ng school, dapat ay kanina ka pa nasa bahay. Kapag ganiyan na maaga kayo pinauwi, dapat ay maaga ka ring uuwi ng bahay ninyo," sermon ni Haris, pero sinamaan ko lang ito ng tingin. "Anong oras na at nandito ka lang pala? Kanina pa nag-aalala sa 'yo ang mga tao sa bahay."
"Kasama ka ba roon? Nag-aalala ka rin?" bigkas ko na siyang ikinagulat niya.
Ngumisi ako kung kaya ay mabilis niyang ikinunot ang kaniyang noo.
Bumuntong hininga siya, binaliwala ang sinabi ko. "Kaya mo bang mag-drive?"
"Hindi naman ako lasing," agap ko.
Ilang segundo kaming nagkatitigan. Parehong nagkakasukatan kung sino ang unang bibitaw. Mayamaya nang muli siyang humugot ng hininga.
"Umuwi na tayo," anyaya ni Haris, pero mas niyakap ko ang manibela ng kotse.
"Dito muna ako. Ayoko pang umuwi."
Ngumuso ako at umiling-iling.
"Ayoko sa bahay. Hindi naman ako masaya roon. Hindi rin naman ako gustong makita ni Mommy. Kaya rito na lang ako."
Naningkit ang dalawang mata nito. Gusto niyang maawa sa akin, pero may kung ano sa utak niya ang pumipigil. Kalaunan nang lumabas din iyon galing sa bibig niya.
"Hinahanap ka sa akin ni Anthony, hindi ka ba sumipot sa date ninyo?"
Kumibot ang labi ko. Mas lalong humaba ang nguso ko at pakiramdam ko'y bigla akong nakonsensya sa hindi pagsipot. Baka hindi lang sigaw ang abutin ko sa kaniya. Baka mala-Elias din iyon at saktan din ako.
"Hindi..." malungkot kong sinabi. "Nabwisit kasi ako sa 'yo, nawalan ako ng gana makipagkita sa kaniya. Ayoko naman din na masira ang araw niya nang dahil sa akin."
Hindi naman ako lasing, pero bakit ang daldal ko? Fvck.
"That's better, Aliyah. Kung iyon lang din pala ang paraan para tumigil ka sa kagaganiyan mo, araw-araw na kitang bubwisitin."
"You're evil."
"Break up with him after this," untag ni Haris dahilan para mapatitig ako sa mukha niya.
"Bakit ba ayaw mo akong mag-boyfriend? Iyon na nga lang ang kaligayahan ko, pinipigilan mo pa ako. Sa ganoon na nga lang ako sumasaya," animo'y batang nagtatampo ang boses ko, inaantok na talaga ako.
Dumilim ang itsura ni Haris. Mas lumamig din na dinaig pa ang lamig ng hangin sa gabing iyon. Hirap akong napalunok.
"Kaligayan mo ang ipahamak ang sarili mo? The last time you had a boyfriend, hindi ba't sinaktan ka niya? Sinakal? Pinagsalitaan ng masama?" sunud-sunod niyang palatak.
"Hindi naman siguro ganoon si Anthony. Higit sa ating dalawa, mas kilala mo siya. Hindi naman siya ganoon 'di ba? Hindi naman siya katulad ni Elias."
Lumamlam ang dalawang mata ko, may maliit ding ngiti sa labi. Ewan ko ba sa sarili at kung bakit parang mas natutuwa pa ako na makitang naaasar ang mukha niya, kaysa harangin na ngitian niya ako sa school.
Dagli namang bumaba ang atensyon ni Haris sa labi ko, matagal siyang tumitig doon. Kulang na lang ay umusok ang ilong niya at kitang-kita ko ang bawat pag-igting ng kaniyang panga. Marahil ay galit pa rin at pati ang kaibigan niya ay pinatulan ko.
Well, para sa akin ay laro-laro na lang naman ang pagbo-boyfriend ko. Alam ko sa sarili ko na wala nang magseseryoso sa akin sa kaalamang nakarami na ako ng lalaki. Kaya hindi na rin sobrang big deal sa akin kung saktan man nila ako, o iwan pagkatapos makuha ang lahat ng gusto nila.
"Just... leave him... Aliyah. You're just too good to be with Anthony... break up with him," malumanay na pahayag ni Haris.
Sa narinig pa ay humagikhik ako. "Too good? Sa kama ba ang ibig mong sabihin, Haris?"
"Aliyah!" suway niya sa akin ngunit panay lang ang mahinang pagtawa ko.
"I'm telling you, Haris, hindi ka man maniwala, pero virgin pa ako. Oo at nakarami na ako ng boyfriend... but this is the only thing that I have to find my true love," pagmamayabang ko.
Bumangon ako sa pagkakayuko at tuluyan nang hinarap si Haris, hinawakan ko ang laylayan ng suot niyang damit.
"And what if ihanap mo na lang ako ng bebe ko? Iyong kagaya mong... mabait, matalino," dagdag ko, kapagkuwan ay marahang hinawakan ang dibdib niya at pinaglandas doon ang daliri ko. "Malaki ang katawan... stick to one, mahal na mahal ang girlfriend, masipag at family oriented."
"The fvck you're saying?" giit niya kaya tuluyan nang lumakas ang pagtawa ko.
Hinawakan pa nito ang braso ko at inilayo sa kaniyang katawan. Dahan-dahan ko siyang tiningala habang nakangisi pa rin.
There you go, Haris.
Karma mo ito pagkatapos mo akong inisin kanina. It's now my turn.
"If ever na mahanapan mo ako, magtatanan kami. Lalayo kami, tapos ay bubuo ng sariling pamilya. Pwede akong mag-anak nang marami—" Hindi ko na natapos ang gusto ko pang sabihin nang tuluyan ding mapigtas ang pasensya ni Haris.
"Shut up, Aliyah! Ang layo na nang narating ng pangarap mo, pero pag-aaral mo ay hindi mo inaatupag!" matabang niyang wika.
Nawala ang kasiyahan sa mukha ko. Itinulak ko siya at kaagad na umayos ng upo. Muntik pa siyang maipit nang isarado ko ang pinto dahil balak ko na ring umalis na, pero mariin niya iyong hinawakan para pigilan.
"See? Pikon ka," natatawang turan ni Haris, rason para lalong mamula ang pisngi ko. "And that's not going to happen, Aliyah. I'm also telling you this once and for all, kung magkakaroon ka man ng pamilya at maraming anak— hindi sa ibang lalaki."