âWe need to talk, Ardis.â
Sabay kaming napatingin ni Ardis sa pinanggalingan ng boses. Si Ma'am Elene. Nakahalukipkip siyang nakatingin sa amin. Alam namin pareho kung ano ang magiging reaskyon niya. Nababasa ko ang pinaghalong galit at kalungkutan sa kaniyang mga mata. She doesnât look disgusted, kahit ganoon ay nagpapasalamat pa rin ako doon. Pero alam naming hindi niya nagustuhan kung anuman ang narinig niya kanina. Nahihiya akong bumaling kay Sir Flare na ngayon ay seryoso at tahimik na nakaupo sa sofa habang nakikinig sa amin. Heâs holding a glass of red wine.
Isang nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa buong silid. Tapos na ang party at ang mga staff na ng hotel ang nag-abalang magligpit. Tanging kaming apat lang ang naririto habang ang dalawa pa niyang kapatid ay dumiretso na sa kanilang hotel room para makapagpahinga na.
âMom,â naging seryoso ulit siya nang humarap siya sa kaniyang mga magulang. Siya ang bumasag ng katahimikan.
Naningkit ang mga mata ni Maâm Elene. Humakbang siya palapit kay Ardis at walang sabi na kuwelyuhan niya ito. Marahas niyang inilapit ang si Ardis sa kaniya. Nagulat ako sa kaniyang ginawa!
âWhat the hĂ©ll do you think?â matigas niyang tanong. âYou know what will happen after you did.â
âI know.â lakas-loob niyang tugon. âAnd Iâm ready to face the consequences, mom.â
I saw how Maâm Elene gritted her teeth. Nanatiling malamig ang kaniyang mga mata. âYou probably know whoâs your rival, donât you?â
Hindi siya nagsalita, sa halip ay tumango siya bilang kasagutan. Mas humigpit ang pagkahawak ni Madame Elene sa kuwelyo ng damit ni Ardis pero sa huli nagawa niyang bitawan ito. Tumalikod siya sa amin at napahilamos ng mukha dahil sa frustration. Kumawala siya nang malalim at marahas na buntong-hininga. Marahas din niya kaming hinarap.
âI never thought of this, you two.â wika niya sa amin. âAfter many years, the friendship between Hoffmans and Hochengcos might end this way!"
Malungkot akong yumuko. Ginapangan na akong guilty dahil sa nangyari. Alam kong matagal nang magkaibigan ang mga Hoffman at mga Hochengco pero masisira âyon nang dahil sa akin. Kahit ako, naiinis sa sarili ko kung bakit nagkaganito. I did my very best para hindi na ulit magkrus ang mga landas namin lalo na ni Nilus pero bakit gumagawa pa ang tadhana para magkita na naman kami? Lalo ng angkan niya. Bakit?
Kita ko kung papaano hinihilot ni Madame Elene ang kaniyang sentido. Malalim ang iniisip niya sa mga oras na ito. Nilapitan niya ang bakanteng sofa saka umupo doon. Naglagay din siya ng redwine sa isang kopita ang marahas niyang iniinom âyon. Nanatili kaming nakatayo ni Ardis, pinapanood namin kung anuman ang mangyayari o magiging reaksyon nila.
âElene,â tawag ni Sir Flare sa kaniyang esposa. Tumingin ito sa kaniya. Nagpalitan sila ng seryosong tingin sa isaât isa. âTingin ko, ipagpatuloy nalang nila kung anuman ang nangyari.â
Laglag ang panga ni Madame Elene sa naging kumento niya. âAnong pinagsasabi mo, Flare? Alam mo naman siguro kung ano ang iisipin ang mga Hochengco sa oras na--â
âSa tingin mo, iniisip nilang tinatraydor natin sila kahit hindi naman talaga?â
Natahimik si Madame Elene. Sa halip ay lumunok siya.
He leaned forward and clasps his hands. âSa tagal ko nang nakilala ang angkan na âyon, sa palagay mo habambuhay sila mabubuhay sa pagkamuhi? I think, no.â tumayo siya mula sa inuupuang sofa at humarap siya sa amin. âWe didnât betray them. Weâre just helping a lost and hopeless child wayback then. We just take her in my house. We gave and fill what the childâs needs. Education, a good life, especially a family where she can come back home. And besides, walang kinalaman si Janella sa alitan nina Kalous, Tarrah, Corrine at Hywel. Matagal nang ibinaon âyon sa limot.â
âFlare. . .â
âWe still also fight for justice, Elene. If they need help, weâre always there. Remember what we did when they needed help for Spencer and MC, right?â
Kumawala nang malalim na buntong-hininga si Madame Elene. Tanda ng pagsuko. âI think we have no choice, then.â
**
Tamad akong umupo sa gilid ng kama. Pinapatuyo ko ang aking buhok sa pamamagitan ng tuwalya dahil kakatapos ko lang magshower. Nang dinapuan na ako ng katamaran ay halos itinapon ko ang aking sarili pahiga ng kama. Tumitig ako sa kisame. Nag-flashback sa akin ang nangyari kanina sa company party. Kung sino ang mga nakita ko--lalo na ang ekspresyon na ipinakita sa akin ni Nilus nang nalaman niya ang biglaang announcement ni Ardis, kahit na hindi naman talaga. Lalo naât wala naman namamagitan sa aming dalawa. Tulad nang sabi n ni Madame Elene, mukhang wala na kaming magagawa kungdi itutuloy ang kasal. Pero bakit parang may mali? Bakit pakiramdam ko ay may pinaplano sila na may kinalaman sa mga Hochengco?
Pero sabi nga nila, matuturuan mo naman ang puso mo na magmahal kung sinuman. Siguro ay 'yon nalang ang gagawin ko sa sitwasyon na kinalalagyan namin ni Ardis.
Napabaikwas ako ng bangon nang marinig ko na tumunog ang aking cellphone. Nang silipin ko âyon ay tumambad sa akin ang pangalan ni Felka. May mensahe siya para sa akin. Binuksan ko âyon.
FROM : FELKA
Tama bang narinig ko kanina? Engaged ka na pala kay King Ardis mo?
Nang binasa ko âyon ay hindi muna ako nagreply. Bumalik ako sa paghiga. Ipinatong ko ang aking braso sa aking noo. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Alam ko maski si Felka ay nagulat sa nangyari kanina. Sayang lang at hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap. Pumikit ako ng mariin. Dmn, ang akala ko pa naman ay magiging maayos at masaya ang pagbabakasyon ko dito sa Pilipinas. Mukhang magkakamali pa ako.
I flinched when my phone rang again. Muli ko sinilip ang screen ng cellphone. Ngumiwi ako nang makita ko ulit ang pangalan ni Felka. Mukhang hindi siya makapaghintay, talagang tinawagan na niya ako. Wala naman akong magagawa kungdi sagutin ang tawag niya.
âHello,â sambit ko nang idinikit ko na ang telepono sa aking tainga.
âAre you alright?â iyan ang naging bungad niya nang sagutin ko ang tawag.
âHindi ko alam. . .â pag-amin ko.
She sighs. âDonât tell me you accept the engagement because of responsibility and avoid embarrassment.â itâs not even a question. Itâs clearly a statement.
âFelka. . .â
âHindi ko rin alam na may katĂĄngahan ka din palang taglay.â may bahid na panunuya niyang pahayag.
âHuh?!â hindi ko alam pero medyo natriggered ako sa sinabi niya!
âNagagalit ka kasi totoo.â dagdag pa niya.
Natahimik ako. Hindi ko magawang ipaglaban ang sarili ko dahil aminado akong tama siya.
âMatagal na din kita kilala, Janella. Sa tinagal na ng pagkakaibigan natin, halos kabisado ko na ang autobiography mo sa buhay. Pero mas alam ko na wala kang nararamdaman para kay Ardis. Mas mahal mo si Nilus Ho.â
âKung ipagpapatuloy ko na si Nilus ang mamahalin ko, mas magiging komplikado ang sitwasyon. Itâs against all odds. And you know that.â
I could imagine her weird face at this moment. Ganoon ang magiging reaksyon niya kapag hindi niya gusto ang naging sagot ko.
âHindi bale, kapag may oras ka magkita tayo at mag-usap tayo nang masinsinan. For now, you need to take some rest. Ingat ka dâyan.â saka ibinaba na niya ang tawag.
Nanghihina kong inilapag ang cellphone at aking braso sa kama. Muli ko kinagat ang aking labi kahit na pakiramdam ko ay hindi ako makahinga dahil sa mga narinig kong katotohanan galing kay Felka.
âNilus. . .â tawag ko sa kaniyang pangalan kahit bigo akog maramdaman ang kaniyang presensya sa mga oras na ito.
Inabot na ako ng madaling araw ay nanatiling gising ang aking diwa, Oo, napagod ako dahil sa party pero hindi ko alam pero parang nawala âyon nang parang bula. Bumangon ako mula sa pagkahiga. Nanatili pa rin akong nasa hotel room at tiyak bukas ay mananatili naman ako sa bahay nila sa Tagaytay para sa buong Christmas Break. After noâon ay babalik na ako ng Poland para sa resume classes.
Nilapitan ko ang aking bagahe para maghanap ng susuotin. Nagpasya akong lumabas muna. Mukhang kailangan ko ng inumin para antukin. O hindi kaya mas pagurin ko pa ang sarili ko. Nilabas ko ang black off shoulders fitted dress with a slit at white high heels stilettos. Balak kong magparty muna o hindi kaya pumunta sa isang bar para magpalipas ng oras hanggang sa dadalawin na ako ng antok. Dahil sa nakaligo na din naman ako ay pagbibihis na lang at saka kaunting pag-aayos sa sarili ang ginawa ko. Pinusod ko ang aking buhok.
Ilang saglit pa ay lumabas na ako ng hotel room ko. Hindi na ako nag-abala na magpaalam pa kay Ardis dahil tingin ko ay tulog na siya nang mga oras na ito. Ayoko siyang isorbohin kahit ang mga kapatid niya para lang samahan ako. Nagpareserved na din ako ng Uber para ihatid ako. Nagsearch na din ako ng mga club or bar na pupuwede kong puntahan lalo na sa mga oras na ito.
Tulad nang inaasahan ko ay dumating na ang sasakyan na pinareserved ko sa Uber. Sinabi ko sa kaniya kung saan niya ako dadahin.
**
Tumigil ang sasakyan nang nasa harap na kami sa isang party club. Nagsearch kasi ako kung saan pupwede hanggang sa nagustuhan kong puntahan ang Cove Manila. Hindi na din masama. Curious lang din ako. Nakaattend na din naman ako sa mga ganitong lugar habang nasa Poland ako na minsan ay dinadala ako ni Felka sa ganoong lugar.
Bago ako bumaba ay nagbayad na ako. Inayos ko ang damit ko nang nasa labas na ako. I took a deep breath and composed myself first. Ito ang first time ko na makapunta sa lugar na ito na ako lang mag-isa. I promise, kaunti lang iinumin ko. Hinding hindi ka mapapahamak, Janella! Control yourself, okay?
Fortunately, nakapasok ako sa loob ng naturang club. As expected maingay at party-party nga ang nagaganap dito. Marami din pala ang tao na busy sa mga kausap, makipagsayahan o sumasayaw sa dance floor. Sa totoo lang, ginapangan ako ng kaba nang tumapak ang mga paa ko dito. Siguro ay dahil sa hindi ako sanay na pumupunta ako sa mga ganitong lugar kapag wala akong kasama. Mas sanay at komportable ako kung narito lang sana ang mga Hoffman o hindi kaya si Felka.
Ugh, shĂșt up, Janella. This is what you want, right? So bear it! At hindi ka naman magtatagal dito. All you need to drink to be sleepy then you can just go home after!
I stand tall and firm before I walk. Dahil sa dami ng tao ay medyo natagalan ako bago ko man marating ang bar counter. May nakita din ako na may mga bakanteng upuan pa doon. Umupo ako sa isa doon. Nagka-dekuwatro pa ako ng upo. May lumapit pa akin na bartender para kunin ang order ko.
"Three shots of Hubba Bubba, please?" wika ko.
Tumango ang bartender, tila naitindihan niya iyon kahit na malakas at nakakabingi na ang tugtugin dito. Kumilos na siya para gawin na niya ang inumin na hinihingi ko. Habang ginagawa niya 'yon ay inikot ko ang sarili ko sa aking likuran. Pinagmamasdan ko ang mga tao sa paligid ko. Hindi rin pala masama na makarating ako sa ganitong lugar. Mukhang nasisiyahan naman ako at mapapagod ako tulad ng gusto ko.
Hindi naman nagtagal ay natapos nang gawin ng bartender ang shots. Bumaling ako sa mga shot glass saka ininom ko ang unang shot.
"Aaah!" bulalas ko pagkatapos kong inumin ang una.
Ramdam ko ang hagod at tapang ng alak. Nagustuhan ko naman siya kaya nakaya kong ubusin ang natira pang dalawa. Mataas naman ang tolerance ko sa alak kaya ayos pa ako. Mukhang nabitin pa ako kaya muli ako nagrequest ng alak sa bartender.
"Bacardi Superior, please."
"Right away, ma'm."
Nang inilapag ang alak sa harap ko ay hindi ako nagdalawang-isip na nilagok ko ito. Hindi ko alam pero mas lalo yata nagising ang wild side ko. Nang nakuntento naman ako ay nagbayad na ako, kasama na din ng tip. Umalis na ako mula sa bar stool. Balak kong lumabas muna pero mukhang nagkakamali ako. Napadpad ako sa mas maraming tao. Pakiramdam ko ay hindi ako makalabas dito. Daig mo pang may stampede! Mas nagiging wild ang mga tao sa paligid ko. Ngumiwi ako. I need to get outta here! I am sure Ardis will checking out on me this morning!
"Hey, miss." rinig kong boses nang isang lalaki sa gilid ko. "Need some company?"
Bumaling ako sa kaniya na hindi nawawala ang pagkangiwi ko. "No. . ."
Pero mukhang hindi niya ako pinakinggan. Imbis mas inilapit pa niya ang sarili niya sa akin. Pumuwesto siya sa harap ko at nag-uumpisa na siyang sumayaw sa harap. Oh, no. I don't need a man. I just need a wind to breath! Please!
Nanigas ako sa kinakatayuan ko nang makita ko inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. What the. . .
"Come on, sway your thick hips on me, missy." namamaos niyang bulong sa akin.
Ugh. I politely pushed him away from me. "Sorry, hindi ako marunong sumayaw." then I gritted my teeth. "And you mistook me for what I am. I'm biséxual. I'm looking for a jug, not a shaft." walang kagatol-gatol kong pahayag.
Sa sinabi kong 'yon ay para siyang nabuhusan ng malamig na tubig. Malamig akong tumingin sa kaniya. Yeah, right. Inom lang hanap ko, hindi kalĂĄndian. My goodness! Mabuti nalang ay nilayuan na niya ako. I feel relief now.
"For real, Miss Morales? You're biséxual but engaged with a man, hmm?" I heard a bitter voice from nowhere.
Pero ako naman yata ang nanigas sa kinakatayuan ko nang maramdaman ko ang isang pares ng palad na dumapo sa aking bewang.
Agad akong lumingon sa aking likuran. Tumambad sa akin ang lalaking kinakatakutan ko. Kahit na natatakot ako, ramdam ko ang pagpiga sa aking puso nang masilayan ko ang mukha niya nang ganito kalapit. Sa ilang taon na kaming nagkita, kita ko kung anong nagbago sa kaniya. His younger version that I adored and loved before was slowly fading away. He's now completely matured, successful, powerful, dominant and intimidating in my eyes.
"N-Nilus. . ." mahina pero nanginginig ang boses ko nang tawagin ko ang pangalan niya.
Wala siyang sinabi ni isang salita. Maliban nalang sa bigla niya ako hinatak. Halos kaladkarin niya ako palabas sa lugar na ito hanggang sa napadpad kami sa parking lot kung saan humupa kahit papaano ang ingay mula sa loob. Walang tigil ang pagbilis ng t***k ng puso ko nang isinandal niya ako sa itim na kotse. Nagawa pa niyang ikulong sa pamamagitan ng mga kamay niya na nasa magkabilang balikat ko para hindi ako makawala sa kaniya. Nagtama ang mga tingin namin. Bakas doon ang kalungkutan, galit at naguguluhan sa kaniyang mga mata. Aminado ako may parte sa akin na natatakot pa rin ako kahit na ilang beses kong gustuhin na makita siya. Kahit sa ganito lang ay masaya na ako.
"Nilus," muli kong tawag sa kaniya na may halong pag-aalangan.
He scoffed. "You finally showed up, huh, Janella?" panimula niya. Hindi niya mabitawan ang magkabilang balikat ko. Ramdam ko na humigpit ang pagkahawak niya doon. Nanginginig ito sa hindi malaman na dahilan. "All this time, nagtatago ka lang pala sa mga Hoffman? Talagang gusto mong lumayo sa akin, gusto mong magtago sa akin. . . Talagang gumagawa ka ng paraan para hindi kita mahabol. . . At malalaman ko nalang na ikakasal ka na kay Ardis?!" matigas at galit niyang sabi.
Pumikit ako nang mariin. "Dahil alam mo ang rason, Nilus."
"Fck the reason, Janella!"
Halos matalon ako sa gulat. Ngayon ko lang nakita na ganito magalit si Nilus. Nanindig ang balahibo ko. "Nilus. . ."
"So what? I'm willing to fight for you! I'm willing to sacrifice everything for you! I'm willing to give up everything but you choose to leave me while I'm fighting in that fcking battle! Kung alam mo lang kung gaano mo ako pĂnatay nang pinili mo ang desisyon na 'yon, Janella!" his voice broke.
Kinagat ko ang aking labi at pumikit nang mariin. Parang sinĂĄksak na nang ilang ulit ang aking puso. "I'm sorry. . ." nang dumilat ako ay doon na lumihis ang aking mga luha. "Pero isinampal na sa atin ang katotohanan na. . . Sa simula palang. . Hindi talaga tayo pwede. . ."
Malamig siyang tumingin sa akin. Hindi pa niya ako magawang bitawan.
Napahawak ako sa kaniyang mahabang mangas ng kaniyang polo shirt. Humigpit na ang pagkahawak ko doon, hanggang sa nalukot ko na 'yon. "Kahit na nalayo ako sa iyo. . . Walang oras na hindi kita iniisip, Nilus. Ilang beses ko inihanda ang sarili ko na sa oras makita kita. . . Na nasa maayos ka na, panatag na ako. Kahit na. . . May pamilya ka na. . . Sapat na akin na makita kita kahit nasa malayo na ako. K-kahit ang sakit-sakit. . ." wika ko na walang humpay ang mga luha sa pagtulo.
Masuyong lumipat ang mga palad niya sa aking mga pisngi. Idinikit niya ang noo niya sa akin. "Can you look at me while I'm with my wife? Can you look at me while I'm carrying my children? Can you look at me while you still have feelings for me, Janella?"
Sa mga sinabi niyang 'yon, mas nadurog ako. Bumigay na ako. Yumuko ako. Napahagulhol na ako. Naimagine ko palang, ang sakit na. Sobrang sakit. Kung mangyayari man 'yon sa hinaharap, daig ko pang namĂĄtay dahil sa sakit at bigat. Ang hirap. Ang hirap mamili. "Hindi ko alam. Naguguluhan na ako. . ."
"Listen, Janella." namamaos niyang sambit. "Kung ganoon man ang mangyayari sa iyo, hindi ko kakayanin. Hindi ko kayang makita na hindi ako ang nasa tabi mo. Na hindi ako ang tatay ng magiging anak mo. Mas hindi ko kakayanin na wala ka nang mararamdaman para sa akin."
"Nilus. . ."
"You are still the teenager who I want to protect. You're my strength at the same time, my weakness. Please, be with me. . . I'm begging you. . . Gustuhin mo ulit ako kahit hindi na tulad ng dati, because I'm living for you, my affinity." at dinampian niya ako ng halik sa noo.