Dinala kami ng mga paa namin sa gazebo ng mansyon na ito. Sa likod nito ay ang walang hanggan na karagatan. The sea was calm, pulsing rhythmically and breathing with cadence. Ramdan ko din ang sariwang hangin na may halong lagkit sa aking balat ngunit hindi ko iniinda 'yon. For me, it's breathaking. Perpekto ang lokasyon ng isla na ito kung ang batayan ay kung ganito klaseng mansyon ang itatayo.
Tumigil lamang kami sa paglalakad nang tumigil din si Madame Elene. Agad niya kaming hinarap na seryoso ang mukha. Alam kong may kasalanan rin ako sa kaniya. Dahil sa problema at sitwasyon ko, nadamay ko din ang pamilya niya, lalo na ang anak niyang si Ardis. Nahihiya man ay wala na akong pagpipilian pa kungdi humingi ng tawad sa kaniya. Sa kasalanan at kahihiyan na ginawa ko.
"I'm so sorry, Madame Elene. I think I owe you an apology." ako na ang nagsimula. Iyon ang una kong gagawin talaga sa oras na makakausap ko na siya.
Wala akong natanggap na sagot mula sa kaniya. Nanatili siyang tahimik. Diretsong nakatingin sa akin. Tila pinag-aaralan niya ako sa mga mata niya na mas nagtambol ang aking dibdib sa kaba. Hinahanda ko na rin kung ano ang mga masasakit na salita na matatanggap ko.
Ngunit mas ipinagtataka ko kung bakit sa huli ay nagbuntong-hininga siya. "Ayos ka lang ba, Janella?"
Natigilan ako sa tanong niyang 'yon. Ibinuka ko ang aking bibig ngunit walang salita na lumalabas. Hindi ko magawang sagutin ang kaniyang tanong dahil sa pagkabigla.
Muli siya nagbuntong-hininga. "Sinabi sa akin ni Ardis na pupunta ka rin dito. Alam ko na hindi magiging maganda ang kalalabasan na oras na magpapakita ka sa kanila, lalo na kay Tarrah. Kaya naisipan kong magsinungaling... Sorry."
Suminghap ako nang marinig ko ang kaniyang rebelasyon. Hindi ko nga inaasahan na matutulungan niya kami. Na itutulak niya para sa aming dalawa ni Nilus. "Hindi ko lang po alam kung ano po ang rason kung bakit... Ninyo po kami... Tinutulungan..." maingat kong wika. Ayokong mag-assume kung talaga bang tinutulungan niya kami. Hindi ba dapat mas kailangan niyang tulungan si Ardis dahil anak niya 'yon?
Pero bakit?
"Yes. I saved your asses there a while ago." ngumiti siya pero ramdam ko doon ang sakit at pait. Nasisiguro ko para 'yon sa kaniyang anak. "Hindi ko lang kaya na may makita na naman akong naiyak dahil sa mga Hochengco."
"Ninang..."
"Saksi ako kung papaano nagmamahalan ang mga magulang mo, Nilus. Pati sa mga tiyo at mga tiya mo. Saksi ako kung papaano sila naging masaya at naging sawi. Kasi sa mga panahon na 'yon, wala akong nagawa para matulungan sila." dumako ang tingin niya sa akin. "At ikaw, Janella. Alam ko naman noon pa man na si Nilus pa rin. Hinayaan ko na nga lang ang lahat kahit na magkita pa kayo ni Nilus... Kung hindi lang humarang si Ardis." saka tumalikod siya sa amin.
Sumasayaw sa hangin ang kaniyang mahaba at maalon niyang buhok. Humalukipkip siya. Sa puntong ito, parang malalim ang kaniyang iniisip.
"Hayaan ninyo lang muna si Tarrah. Huhupa din ang galit niya sa inyo. Basta ipakita ninyo lang sa kaniya na hinding hindi ninyo kayang mabuhay kung wala ang isa man sa inyo." seryoso niyang pagpapayo. "Sadyang nakalimutan lang niya kung papaano siya nagsimula na maging masaya sa piling ni Kalous. Baka sakali na marealize niya ang lahat sa pamamagitan ninyo."
"We will, ninang." sagot ni Nilus.
Lumingon siya sa amin. "Good. Ano palang balak ninyong dalawa? Magpapakasal ba kayo ulit? Dito?"
Ramdam ko na humigpit ang pagkahawak ni Nilus sa kamay ko. "Yes, ninang. Magpapakasal ulit kami." walang alinlangan niyang tugon.
"Kailan naman?"
"Sa oras na matanggap na po niya kami nang tuluyan." ako na ang sumagot ng tanong na 'yon.
Hinarap na niya ako nang tuluyan. Tumaas ang kilay niya. "Sigurado ka? Kahit umabot ng katagal-tagal bago ka niya matanggap?"
Ngumiti ako kahit may halong lungkot. "Opo, kahit matagal pa po."
Tumango siya. "Saan kayo magsesettle? Dito sa Pilipinas?"
"Yes, ninang."
She slightly tilted her head. "But I received an email from your university, Janella. They received a letter from a companies, it said they want to hire you from a big company there. They were fascinated by your performance and research papers."
"P-po...?" napamaangan ako. Napatulala. Pinoproseso ko pa ang balita na natanggap.
"Yes, darling. Nagulat din ako sa nabasa ko. Isa 'yan sa rason kung bakit ako pumunta dito." sumulyap siya kay Nilus. "It's a big opportunity for Janella once she graduate. Hindi lang 'yon, dalawa o tatlong malalaking kompanya pa ang gustong kumuha sa kaniya. They offered just a year, or two tataas na ang posisyon niya sa kompanya. Of course they offered apprenticeship, too."
Napalunok ako. Hindi pa rin ako makapaniwala.
"Mag-usap kayong dalawa. Pag-isipan ninyong mabuti ang magiging desisyon ninyo. Hindi ninyo maiwasang magsasakripisyo kayo dito." payo pa niya. "That's all. Babalik na ako sa Dining Hall. If you excuse me..." tinapik niya ang mga balikat namin nang dumaan siya sa pagitan namin. Hinayaan lang namin siyang iwan kami dito.
Hindi ako makapagsalita. Wala rin ako narinig ni isang salita mula kay Nilus.
"Nilus-" tawag ko sa kaniya pero natigilan ako nang makita ko na diretso siyang nakatingin sa akin. Nababasa ko ang lungkot at sakit sa kaniyang mga mata. Na parang natatakot siyang iwan ko na naman siya ulit.
"Let's talk about it if you decide, affinity." masuyo niyang hinawakan ang isang kamay ko. Pinaglalaruan niya ang singsing na suot ko - ang wedding ring namin. "Whatever it is, I will gladly accept it, kahit mahirap."
Kahit na nalulungkot ako dahil sa mga nangyari ngayong araw, ay ginawaran ko pa rin siya ng ngiti. "Nakapagdesisyon na ako, Nilus. Kahit na dumating pa ang malaking oportunidad para sa akin."
Umiling siya. "Affinity, ayokong maging harang sa mga pangarap mo. Ayokong maging sagabal. Ang kasal lang natin ang tanging pinanghahawakan ko kung sakaling babalik ka ng Poland. You should think about this... Many times." namamaos niyang wika.
Masuyong dumapo ang isang palad ko sa kaniyang pisngi. "Nilus, sa tinagal na nating nagkahiwalay, ayoko nang mapahiwalay ulit sa iyo. Mas gugustuhin kong makasama ka, pupuwede kong patunayan ang sarili ko sa pamilya mo habang naririto ako sa Pilipinas."
"Affinity..."
Yumakap ako sa kaniya. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko. Dinadama ko siya sa pamamagitan ng aking yakap. "I love you, Nilus. I love you."
Ramdam ko rin na niyakap na niya ako pabalik. Mas mahigpit pa kaysa sa yakap ko. "I won't let you down, affinity. Hinding hindi masasayang ang sakripisyo mo para sa atin."
**
Imbis na bumalik kami sa Dining Hall ay pinagpasyahan na lang namin ni Nilus na i-tour niya ako sa buong isla. Doon ako nagkaroon ng pagkakataon na mamangha sa mga nakikita ko, although may nakikita akong mga kalalakihan sa paligid ng isla, I think it's their bodyguards.
Hindi na rin namin namalayan na inabot na kami ng dapit-hapon sa pagmamasyal. Marami kasi siyang kwento at naituro sa akin kung ano ang mga halaman at mga puno dito. Hindi rin namin namalayan na nakarating na kami sa tabing-dagat na dahilan na mas lumapad ang ngiti ko. The beach was a tranquil paradise, bathed in hues of pink and gold. Palm tress swayed in the breeze as waves whispered secrets to the shore. That will be looks more majestic.
Dahil d'yan, hinubad ko ang suot kong sapatos. Hinawakan ko 'yon at nagtatakbo palapit sa beach front. Umikot-ikot ako hanggang sa tumigil sa harap niya. Tingin ko din ay medyo magulo na rin ang ayos ng aking buhok kaya hinawi ko ang takas kong buhok. Isinabit ko 'yon sa aking tainga. Pinapanood ko ang nakangiting si Nilus na papalapit sa aking direksyon habang nasa loob ng mga bulsa ng pants ang mga kamay niya. Wala siyang pakialam kung nagugulo na din ng marahas na hangin ang kaniyang buhok.
Hinubad na din niya ang kaniyang mga sapatos. Iniwan niya 'yon sa buhangin. Ganoon din ang ginawa ko. Itinabi ko sa mga sapatos niya ang stilettos ko.
Hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi. Nilahad ko ang isa kong kamay sa kaniya. Tinanggap din niya agad 'yon. Sabay naming nilapitan ang tabing-dagat na parehong nakayapak. Hindi namin ininda ang mainit na buhangin na dumidikit sa aming balat napawi din 'yon hanggang sa dumapo naman sa amin ang marahas na alon na malinaw na dagat sa aming mga paa.
"Hindi ka kaya hanapin doon sa loob?" bigla kong tanong habang naglalakad kami sa seashore pero natatamaan pa rin kami ng alon.
"Nope. Marami sila doon. The party goes on without us." tanging sagot niya sa tanong ko. Nakaakbay na siya sa akin. "Affinity,"
"Hmm?"
"What does your dream home look like?" he asked out of the blue.
Saglit ako napaisip sa tanong niyang 'yon. Iisa lang ang tumatak sa akin. Iyon lang din ang nag-flash sa isip ko. "When I got a tour in Malopolska when I saw this house. I clearly remember how I fell completely in love with his house." napangiti ako habang sinasariwa ko ang bahay na 'yon. "From that day, I always imagine waking up every day to fresh air and a peaceful dawn with heavy mist... Spending my days immersed in nature. Living with privacy from the outside world, but large enough home to keep everyone inside your heart inside your house as well."
"Then?"
"Sabi ko pa sa sarili ko, kung makakapagtapos ako ng pag-aaral at makapagtrabaho, 'yon ang una kong pag-iipunan. Hindi bale na mag-isa akong titira sa bahay na 'yon, that will makes me happy and peace." bumaling ako sa kaniya. "Noon 'yon. Pero ngayon, I can live everywhere as long as you are here, with me... Spending our lives together until we grow old."
Tahimik lang siyang nakatingin sa akin. Pinagmamasdan niya ako sa lagay na ito. Mula sa tabi niya, inilipat niya ako sa harap niya. Hinawakan niya ang bewang ko. Kusang dumapo ang mga palad ko sa magkabilang balikat niya. Idinikit niya ang kaniyang noo sa akin. Pareho kami nakapikit habang nasa ganitong posisyon kami. Tanging tunog mula sa alon at hangin ang nangingibabaw.
"You made me adore you more, affinity." he whispers. "And you made me fall over and over again."
Napangiti ako kahit nanatiling nakapikit.
"Do you want to get married, again, my Janella?"
I chuckled. "But we're already married."
Dumilat siya't direktang tumingin sa aking mga mata. "For real. I want to hold a grand wedding. Your dream wedding..."
Huminto ang pagtawa ko. "Nilus..."
"I'm expecting we will have our ups and downs in the future."
"I'm not a perfect wife for you. I know I can be a pain the ass sometimes.... Lalo na kung magkasama tayo nang matagal."
"I don't care. Just be with me, I'm fine with it." seryoso niyang sambit. "I want you to know that after all of it, and after all this time, I still feel so lucky that you chose me."
Kinagat ko ang aking labi para pigilan ko na naman ang sarili ko na maiyak.
"Ehem!"
Sabay kami napalingon sa gilid namin nang may narinig kaming boses. Napaawang ang bibig ko nang tumambad sa amin ang buong angkan nila, kasama na rin ang mga Hoffman. Lahat sa kanila ay may pawang na nakangiti sa aming direksyon. Ang mga pinsan niya na kasama ang mga asawa nila at mga anak. Kasama din nila si Madame Tarrah na nasa unahan, mapait na nakangiti, katabi si Sir Kalous na sinserong nakangiti. Why it looks like an approval for me?
"And why all of you are here?" taas-kilay na tanong ni Nilus sa kanila.
Dahil sa hiya ay kusa akong bumitaw mula sa yakap niya.
"What? We're just wondering what's going on, kung bakit hindi pa kayo nabalik sa loob." si Sir River ang nagsalita, kaakbay ang asawa nitong si Ma'm Pauline.
"It was unexpected we're witnessing a wedding proposal." nakangising dugtong ni Ma'm Sarette Wu, nasa tabi ang asawa na kung hindi ako nagkakamali, si Fabian Wu, galing din sa mayaman at makapangyarihang pamilya.
"Ano na, Janella? Just say yes! Aba, gusto ko rin maging abay, noh!" si Verity na kinikilig na. Natatawa ang asawa niyang si Sir Ramey na isang professor sa isang sikat na unibersidad dito sa Pilipinas.
Hindi ako makapagsalita. Dumapo ang tingin ko kay Madame Tarrah na tahimik lang na nakatunghay sa amin. Nang nakita niyang hindi pa ako nagsasalita ay nagbuntong-hininga siya saka lumapit sa amin. Bigla ako ginapangan ng hiya at takot. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong iakto sa harap niya. Matindi ako napalunok habang pinapanood siya.
Nang nasa harap na namin siya ay bumaling siya sa kaniyang anak. "Kneel." malamig niyang utos.
"Huh?' nagtatakang si Nilus.
"Kneel. Just do what as I say." mariin niyang utos.
Kusang sumunod si Nilus. Itinukod niya ang isang tuhod hanggang sa lumapat 'yon sa buhangin. Mas nagtataka kaming dalawa kung bakit bigla niyang hinubad ang isang singsing ng kaniyang ina sabay bigay kay Nilus. "Use this one." wika niya sa malamig pa rin na tono.
Nang tanggapin 'yon ni Nilus ay nanlaki ang mga mata niya nang may napagtanto siya. "Mama, this is your wedding ring!"
"Yeah, this will be our family's heirloom from now on."
Namilog ang mga mata ko. Napasapo ako sa aking bibig sa aking narinig.
Matalim akong tiningnan ni Madame Tarrah. "I'll give you a chance to prove yourself to me, not only me, also in the clan. If I see wrong with you, I won't hesistate to kick you out."
"I... I understand, Madame..."
"It's mama."
Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Hindi ako makapaniwala. Parang pinipiga ang puso ko. Para na naman akong maiiyak. Hindi ko malaman kung dahil ba ito sa tuwa o ano. "S-salamat po..." I hitched my breath. Nag-aalangan ako kung 'yon ba talaga ang itatawag ko sa kaniya. "M-ma... Mama."
Tumaas ang kilay niya at nag-angat ng tingin pero nanatili pa rin sa akin ang mga mata. "Okay. Continue." saka tinalikuran na niya kami. Pinapanood namin siya kung papaano siya bumalik sa tabi ni Sir Kalous. Humalukipkip siya. Seryosong nanonood sa amin.
"Affinity," tawag sa akin ni Nilus na dahilan para mapukaw niya ang aking atensyon. "Will you marry me... Again?"
Inilapat ko ang mga labi ko. Hindi ko na napigilang maluha sa harap niya. Sunud-sunod akong tumango. "Oo, Nilus. Magpapakasal ako sa iyo!"
Ngumiti siya lalo nang tumayo na siya. He grab my hand and he slid his mother's ring on my finger - kung nasaan ang aking wedding ring. Niyakap niya ako ng mahigpit, ginantihan ko 'yon. Sunod namin narinig ay ang hiyawan ng mga pinsan niya. Napasapo ako sa aking dibdib sa gulat nang makita namin na tumatakbo sila nang sabay-sabay patungo sa amin.
"Swimming time na!" malakas na boses ni Vesna ang narinig ko.
Sinundan namin sila ng tingin. Talagang sumugod sila sa dagat nang sabay-sabay. Kahit na medyo pormal pa ang mga suot nila. Wala silang pakialam.
"Wait for us!" rinig naman namin ang matinis na sigaw.
Nakita namin ang mga bata na sumugod na rin sa dagat, ang iba pa sa kanila ay may suot na salbabida. Napagtanto kong mga anak ito nga mga pinsan niya!
Cute!
Napatili ako nang bigla akong binuhat ni Nilus animo'y bagong kasal. Dahil sa pagkataranta ay agad ko pinulupot ang mga braso sa leeg niya at sumugod din kami sa dagat!
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na umahon at basa na ng tubig-alat. Nanatili pa rin ako sa ganoong posisyon. Hawak niya pa rin ako.
"Ginulat mo ako!" halos mangiyak ako na dahil masakit sa mga mata ang tubig.
He chuckled. "Sorry, affinity. Masaya lang ako. Sobrang saya ko!"
"Hoy, Nilus! Huwag mong biglang ginaganyan si Janella! Buntis 'yan!" malakas na sigaw ni Madame Tarrah na ngayon ay nasa tabing-dagat na.
Nagkatinginan kaming dalawa nang may napagtanto kami. Ang prank ni Madame Elene!
"Maybe it's time to make an evidence, huh?" natatawa niyang sabi. Itinapat niya ang kaniyang labi sa aking tainga. "I bought a lingerie for you, wear that tonight."
"Huh?"
"I want to spend all night with you... And your body, affinity."