#CHAPTER19
Ilang beses pa akong kumurap nang tumama sa aking mukha ang sinag ng araw. Ramdan ko din na may mabigat na nakadagan sa aking tyan. Inangat ko nang kaunti ang aking upper body para malaman kung ano 'yon. It's Nilus' arm. Napaulupot sa akin. Nang ibinalik ang likod ko sa kama at bahagya siyang gumalaw, mas niyakap pa niya ako nang mahigpit, tila ayaw niya akong pakawalan sa lagay na ito - kahit na ilang beses kong sinasabi na hinding hindi ko siya iiwan, maliban lang kung kinakailangan kong bumalik sa Poland dahil sa pag-aaral ko.
"Nilus?" halos pabulong 'yon. Baka kasi gising na siya. Subalit bigo ako. Hindi siya sumasagot. Mukhang malalim pa ang tulog niya kaya hinayaan ko na lang.
Inilapat ko ang mga labi ko habang nakikipagtitigan sa kisame ng isa sa mga kuwarto ng mansyon. Talagang pinanindigan niya ang sinabi niya. We made love up all night. Hindi ko na rin namalayan kung anong oras na kami nakatulog. O dahil sa labis na pagod na naramdaman ko ay ako na yata ang naunang nakatulog.
Dahil gusto ko nang gumalaw ay sinubukan kong inaangat ang kamay niyang nakapatong sa aking tyan, good thing nakawala ako. Maingat akong umalis muna sa kaniyang tabi. Nang lumapat na ang mga paa ko sa sahig ay mga nakakalat na mga damit ang bumungad sa akin. Agad kong hinahanap ang night gown na isa sa mga binili niya sa akin, kasama ang lingerie na ipinasuot niya sa akin kagabi. Naghanap din ako ng damit pamalit. Kahit simpleng short at damit niya ang gagamitin ko, ayos na siguro 'yon.
Nang masuot ko na 'yon, pumasok na ako agad sa banyo para maligo na muna. Siguro naman ay gising nas siya sa oras na matapos na ako dito.
Ilang minuto din ang itinagal ko sa banyo ay lumabas na ako. Nasa ulo ko pa ang tuwalya at nakabihis na din. Tumambad sa akin si Nilus na ngayon ay gising na. Tanging boxer shorts lang ang suot niya. Medyo magulo pa ang kaniyang buhok habang nakaupo sya sa gilid ng kama. Napukaw ko ang kaniyang atensyon. Nakangiti akong lumapit sa kaniya. Nilahad niya ang kaniyang palad sa akin. Tinanggap ko 'yon. Marahan niya akong hinila palapit sa kaniya hanggang sa pinulupot niya ang kaniyang mga braso sa aking bewang kahit nanatili siyang nakaupo.
"Good morning," malambing kong bati.
"Morning..." he greeted me using his husky voice bago man niya binaon ang kaniyang mukha sa aking tyan. "Tinulugan mo na ako..."
Inilapat ko ang mga labi ko para pigilan ang sarili na matawa. Sinasabi ko na nga ba, nakatulog ako at hindi ko na tanda kung ano ang mga nangyari kagabi. But I only remember few fragment of memories last night. He's always hot and wild on bed. Tipong walang kapaguran sa katawan. As I remember, we did it three times before I got knocked out.
Ngingiti-ngiti ako. "I'm so sorry, napagod lang ako. Babawi ako." hindi nawawala ang lambing sa boses ko.
Inangat niya ang kaniyang tingin sa akin, nanatili pa rin siyang nakayakap sa akin. "You will?" he sounds anticipated.
Sunud-sunod akong tumango to assure him.
Napatingin lang kami sa pinto na may narinig kaming may nakatok.
"Ako na." prisinta ko. Kinalas ko ang mga braso niya sa aking bewang. Nagmartsa ako sa pinto para buksan 'yon.
Tumambad sa akin ang isang babae na hindi ko kilala. Pero dahil sa uniporme niyang suot ay agad ko din siya nakilala. Isa siya sa mga kasambahay ng mansyon na ito.
"Good morning po, Ma'm... Pinapatawag na po kayo para kumain na. Hindi na raw po kayo nakasali sa breakfast." magalang niyang sabi.
"Oh, sige. Salamat... Bababa na rin kami." nakangiting sagot ko.
Tumango ito. "Sige po, ma'm." umatras na din siya para makaalis na. Nang tuluyan na siyang nakalayo ay isinara ko na rin ang pinto.
Agad ako bumalik sa tabi ni Nilus na tila naghihintay sa akin.
"What is it?" he asked. Isinandal niya ang kaniyang ulo sa aking gilid ng aking ulo.
"Uhm , pinapababa na tayo kasi hindi pa raw kayo nakakapag-breakfast. Mukhang kailangan na nga natin bumaba... Anong oras na ba?" sabay kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa side table na katabi lang kama. Namataan kong it's quarter to nine!
"Alright, I'll take a quick shower. Sabay na tayo." tumayo na rin siya pero bago man siya tuluyang pumasok sa banyo ay sumulyap siya sa akin. Tumaas ang isang kilay niya. Isang mapaglarong ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi. "My shirt looks good on you, huh."
Tila natauhan ako sa sinabi niya. Saby bumaba ang tingin ko sa damit na suot ko ngayon. Hindi naman ako na-bother kung maluwag ang damit na ito. In fact, it makes me comfortable. "Ayaw mo ba?"
He chuckled. "Mas gusto ko nga 'yan. I love you!"
"I love you, too!" sagot ko bago siya tuluyang pumasok sa banyo para mag-shower.
**
He's wearing a simple printed shirt, khaki shorts, and casual lether slippers while we were going downstairs. Hawak niya ang isang kamay ko, he lead the way to the Dining Hall. Siya na rin mismo ang nagbukas n'on. Hindi katulad kahapon na may nagbabantay.
Sa pagpasok namin ay pareho kaming natigilan nang makita namin ang iba pa niyang kamag-anak na naririto. Napatingin at natigilan din siya sa pagdating namin. Karamihan sa kanila ay kumakain din ng breakfast, mayroon din na nag-uusap. Meron din sa kanila na pinapakain pa ang kanilang mga anak. Pero ang mas pumukaw ng atensyon ko ay si Madame Tarrah na kumakain rin, kasama si Sir Kalous at si Vesna.
"Oh, dumating na kayo. Kain na, Nilus, Janella." nakangiting bati sa amin ng isang babae. She looks innocent and pretty! "Rowan, ikaw muna ang bahala dito kay Bran, please?" ipinasa ang tray ng mga prutas sa katabi niyang lalaki.
"Okay, my heaven."
Nahuli ko din ng tingin ang asawa ni Sir Aldrie Ho na tahimik na itinuturo niya ang mesa kung nasaan ang mga magulang ni Nilus sa pamamagitan ng kaniyang nguso.
Muli akong hinila ni Nilus nang marahan. Lumapat ang palad niya sa aking likuran habang palapit na kami sa mesa kung nasaan ang kaniyang pamilya na tahimik lang na nakatingin sa amin.
Kahit ganoon, hindi ko pa rin maiwasan na mamangha sa kaniya. She's still in beauty and classy regarding of her age. she's still a beautiful madame in my eyes even I'm in teenage years.
Kahit na binigay sa akin ni Madame Tarrah ang kaniyang singsing ay hindi ibig sabihin n'on ay lubusan na niya akong tinanggap nang buo. Alam ko rin na mahirap din sa kaniya ang sitwayson na ito. Pero para sa akin, hindi niya kailangan mag-adjust dahil ako dapat ang gagawa n'on.
"G-good morning po..." nahihiya kong bati sa kanila nang tuluyan na kaming nakalapit sa kanila.
Bumati pabalik si Sir Kalous at Vesna, maliban lang kay Madame Tarrah na nanatiling tahimik. Imbis na tumingin sa amin ay hinawakan niya ang baso ng juice at uminom doon. Nang ipinatong niya 'yon ay tumango lamang siya. Binibigyan ng permiso na umupo sa kanilang mesa. Hahawakan ko na sana ang upuan pero naunahan ako ni Nilus. Hinila niya 'yon para sa akin. Ngumiti akong nagpasalamat sa kaniya. Nakahain na din ang pagkain sa harap namin.
"Eat." malamig niyang sabi sa amin.
Tumango ako. Maingat kong iginalaw ang mga kurbyertos. Sinimulan ko na din sumubo ng agahan. Para akong pinagpapawisan ng malamig dahil sa malamig na tingin ng ina ng lalaking pinakamamahal ko.
Kumawala siya ng malalim na buntong-hininga. "Kailan ang balik mo sa Poland?" bigla niyang tanong sa malamig na tono.
Medyo ikinagulat ko sa tanong niyang 'yon. "S-sa susunod na linggo po." hindi pa rin nabubura ang kaba sa akin dahil sa matindi niyang presensya sa harap ko.
"Ang bilis naman yata?" sunod niyang tanong.
Suminghap ako. "May klase pa po ako sa Poland..." maingat kong tugon.
Natahimik siya saka ipinagpatuloy sa pagkain.
"Uhm, Janella... May usapan kaming magpipinsa. Tatawid kami sa kabilang isla para mamasyal. I wanna inviting you na mamasyal na rin." nakangiting wika ni Vesna sa akin.
"That's good idea. Para naman, makalibot naman siya bago siya babalik sa Poland." segunda ni Sir Kalous habang hawak ang tasa ng kape.
Sinsero akong ngumiti. "Pwede rin po."
"Mamasyal lang ba talaga?" si Nilus, tinapunan ng pagdududang tingin ang nakakabatang kapatid.
Namilog ang mga mata ni Vesna, ramdam ang pag-aakusa nito sa kaniya. "Kuya, walang masama kung papasok tayo sa mga pool clubs, hello? Parang para ka namang baguhan." saka humalakhak ito. Inilipat niya sa akin ang kaniyang tingin. "Have you been there, Janella?"
Tumingin din sa akin si Nilus. Inaabangan ang isasagot ko. Gustuhin ko man sumagot ay palihim akong sumulyap kay Madame Tarrah pero halos mapatalon ako sa kinauupuan ko dahil nakatingin din siya sa akin. Inaabangan din ang isasagot ko!
"Well, I just wanna know. Don't mind me." sabi niya sabay umirap para uminom ng juice.
"Err... It's not a pool clubs, but night clubs and bars..." mas lalo ako nilamon ng hiya nang sagutin ko 'yon. Nagiging delusional na ako dahil baka anong isipin sa akin ni Madame Tarrah!
"Really?" hindi mapigilang mamangha ni Vesna.
"Kapag nakakabisita lang naman si Ardis at kasama ko naman si Felka." pagpapaliwanag ko.
"Who's Felka?" kunot-noong tanong ni Nilus. Oo nga pala, hindi pa pala niya namimeet si Felka pero hindi niya alam, kilala na siya nito.
"She's my friend also schoolmate."
"I see."
"Kailan ninyo pala balak magpapakasal?" biglang sumingit si Madame Tarrah sa usapan.
Tumikhim si Nilus. Umayos naman ako ng upo. Kailangan naming magig attentive sa harap niya.
"Pinag-uusapan pa po namin, mama." si Nilus ang sumagot.
"I assume, this year?" taas-kilay niyang sabi.
"Ang balak ko sana after graduation na niya. She have many things to do." pormal na sambit ni Nilus.
Umangat ang tingin niya sa akin. "Then, you're going to work there?" direktang tanong 'yon sa akin.
"No, ma'm..."
"Mama." matigas at pagbabanta niyang sabi. It's like a reminder.
"M-mama..."
"Then?"
"I plan to work here in Philippines once I graduate and process my papers po."
"Saan naman?" si Sir Kalous ang nagtanong. Mukhang interisado din siya sa usapin na ito.
"Actually, naghahanap pa po ako ng mga prospect companies kung saan po ako pupwede mag-apply, sir."
"Papa." nakasimangot na sabi niya sa akin. May halo ding kaseryosohan.
"P-papa..."
Dumungaw ako kay Vesna na nakalapat ang mga labi, nagpipigil ng tawa sa nasaksihan.
"Bakit kailangan mo pa mag-aapply sa ibang kumpanya? Bakit hindi na lang sa amin?" nanatiling malamig pa rin na tanong ni Madame Tarrah. "We can offer you a job with a good position, a salary, benefits and all."
Sinsero akong ngumiti sa kanila. "I'm sorry but I have to decline, m-mama... Hindi naman po sa ma-pride po ako, pero nahihiya po ako kung aasa pa po ako sa iba para lang makapagtrabaho. And I want to prove myself to you. I want to be successful through my efforts and my own abilities." mapagkumbaba kong paliwanag.
Kita ko kung papaano sila natigilan nang dahil sa pahayag ko. Napalunok ako ng matindi. Kinakabahan ako na baka magalit siya sa akin dahil tinanggihan ko ang offer niya.
Napasandal si Sir Kalous sa upuan at humalukipkip. He looks impressed and satisfied. Gayundin si Nilus, hindi mapigilang mapangiti. Si Madame Tarrah naman ay blangkong ekspresyon pa rin ang iginawad niya sa akin, she staring at me with her cold and dark eyes.
"Papaano namin makikita ang abilidad mo kung hindi ka sa amin mag-aapply?" aniya.
Hindi ako makapagsalita. Nanatili ang tingin ko sa kaniya. Bakas ang pagtataka, naguguluhan.
"I heard you're an A plus student."
Nanatili akong tahimik. Ayokong ipalandakan sa kaniya kung ano ang mga nakamit ko sa Unibersidad.
"Okay, let's do this, you're going to submit your resume once you graduate. We will hiring you in a normal way. No back ups or so whatever. How about that?" she sounds like a businesswoman who doing a business deal.
"Pero..."
Tumuwid siya ng upo at nagdekuwatro ng upo. "It's rather than you're going to another company? You forgot that the people here in this room who you are dealing with are the businessmen, including your husband?"
Lumunok ako. Ramdam ko na naman ang matindi at nakakatakot nilang aura.
"You're now taking a Hochengco's name. Sa tingin mo ba, hahayaan ka lang namin na mapunta ka sa ibang kompanya na kalaban din namin? No. Hindi kami papayag na ang mga kalaban namin ang makikinabang sa iyo."
It made sounds rude but it can't help it. She's right anyway. She's not only a Hochengco in name. If I remember correctly, she's also a business minded. She may be ruthless but she appriciate the abilities of her emloyees.
Sa huli ay nagawa kong tumango bilang pagtanggap ng kaniyang alok.
"Good, so this deal closed." sumilay ang isang sulok ng kaniyang labi. Tila nasiyahan siya sa kinalabasan ng usapan na ito. Kinuha niya ang baso ng juice at ininom niya 'yon.
"It's look like that." si Sir Kalous na malapad ang ngiti.
"But you need to take care of your self first. Don't push yourself too much, it may bad to your baby." pahabol na paalala ni Madame Tarrah.
Tikom ang aking bibig pero muling tumango.
**
Pagkatapos ng breakfast ay nagpasyahan namin ni Nilus na magpababa ng kinain sa gazebo. Tanaw ko mula dito ang ibang pinsan niya na abala sa pagligo sa dagat. Kasama na rin ang mga asawa't anak nila. Ang iba rin ay nanatili lamang sa buhanginan at naglalaro o hindi kaya gumagawa ng sand castle. Masarap sa pakiramdam ang hangin. Mas gumagaan ang kalooban ko.
"You okay?" malambing na tanong ni Nilus sa akin. Nakayakap siya sa akin sa bandang likuran ko.
"Okay lang naman ako..." sagot ko pero nanatili pa rin nakatingin sa mga tao sa baba. "May mga naisip lang ako."
"Like what?" he plant a kiss on my bare neck.
"About Corrine." walang alinlangan kong tugon.
Ramdam ko kung papaano siya natigilan at naiitindihan ko 'yon. "What about her...?"
"Gusto kong malaman lahat. Kung bakit niya nagawa ang lahat ng 'yon? Kung bakit nagawa niya akong ipaampon kung buhay naman siya? Kung nasaan ang ama ko?"
Pakiramdam ko, nag-umpisa na naman ako sa simula. Kinukwesyon ko na ang buo kong pagkatao. When I learned I'm an orphan, it broke me and shattered everything I believe in. I feel like I'm burden. You know the people raising you shouldn't be. I don't deserve things like home, food, clothes, my education. Kahit ganoon, malaki rin ang naipasalamat ko sa mga kinamulatan kong mga magulang. They don't let me sleep in a cold and dangerous streets. Ginabayan nila ako ng tama at hindi nila ipinaramdam sa akin na iba ako - na hindi nila ako tunay na anak. Kahit ganoon, gusto ko pa rin malaman ang lahat para na rin sa ikakatahimik ko.
"You want to talk to her?" masuyo niyang tanong muli.
"If I have a chance. I will. I'm ready to listen even it hurts me."
Ramdam ko ang hininga niya sa aking leeg. "Alright, if you want. Sasamahan kitang harapin siya."
Hindi na ako nagsalita pa. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko. Sana'y tama ulit ang pinili kong desisyon.