Labis ang pasasalamat ko kay Nilus. Mabilis niyang na-track kung nasaan ang kinaroronan ni Corrine ngayon. Ang sabi niya ay wala ito ngayon sa Quezon kungdi nasa isang lungsod siya ng Maynila. Hindi na kami nagsayang pa ng panahon. Agad namin iyon pinuntahan. Hapon na nang tumigil ang kaniyang sasakyan sa harap ng isang luma pero mataong gusali. Palagay ko ay isa itong apartment. Sa paglabas namin ay pinagmasdan kong mabuti ang gusali na nasa harap namin. Maraming mga damit na nakasampay, may mga grupo ng mga tao na nakatambay sa labas ng gusali na 'yon. Mayroon grupo ng mga nanay na abala sa pakikipag-usap, may mga naglalaro ng mahjong, meron ding mga matatandang lalaki na abala sa paglalaro ng chess o dama. Ang mga bata naman ay abala sa paglalaro sa gitna ng kalsada. Pero mukhang mal

