🥀 Chapter 13

2237 Words
Inabot ko ang bayad sa taxi saka bumaba na. Wala na akong time para kumuha ng grab or uber dahil na rin sa sobrang pagmamadali. Nanatili akong nakatayo sa harap ng malapad na gate ng bahay ng mga Hoffman hanggang sa nakaalis na ang sasakyan. I swallowed hard and clench my fists. I hardly shút my eyes to calm my nerves. I know I'm wrong and I need to face him after what happened last night. Pero habang nasa byahe ako ay nag-abot ako ng mensahe kay Ardis na magkikita nalang kami dito, isama na din niya ang mga gamit ko. It's up to him kung dadalhin pa nga niya ang gamit ko dahil alam kong umaahon pa rin ang galit sa kaniya hanggang sa mga oras na ito. Hindi ko siya masisisi doon. Lalo na't umalis ako kagabi nang walang paalam and it's my responsibility to explain. When I fully composed myself, nagpasya na akong humakbang palapit sa gate hanggang sa tagumpay akong nakapasok. Kilala naman ako ng mga guard dito kaya hindi ako nahirapan na makapasok. Halos walang pinagbago ang labas ng malaking mansyon ng mga Hoffman. It's still elegant and massive. Napapaligiran man ito ng mga ornamental plants at mga bulaklak ay sa tingin ko ay nadagdagan pa ito. Mahahalatang inaalagaan ng husto ang lugar na ito. Nang marating ko ang loob ay agad ko dinaluhan kung nasaan ang kuwarto ni Ardis nang itinuro sa akin ng isa sa mga kasambahay na kilala na rin naman nila ako. Nagbabakasakali na naroon na siya o hindi kaya nasa byahe pa siya pauwi. Kumatok ako, naghihintay kung may sasagot pero bigo ako. Wala akong narinig na boses ni Ardis mula sa loob. Muli ako napalunok. Inilapat ko ang mga labi ko. Dumapo ang aking palad sa doorknob saka marahanb pinihit ito. Dahan-dahan kong itinulak ang pinto, sinilip ko kung naririto ba ni bakas niya. Hindi pa ako nakontento, humakbang pa ako papasok. Napukaw ng aking atensyon ang isang katawan na nasa ibabaw ng kama. Nakatagilid dito ng higa. Mas lumapit pa ako sa kaniya. "Ardis?" sinubukan kong tawagin ang pangalan niya. Hindi siya nasagot. Huminga ako ng malalim. Lumipat ako sa kabilang gilid ng kama para masilip ko ang kaniyang mukha, titingnan ko kung gising ba siya o tulog. I squat a lil bit. Naniningkit ang mga mata ko nang makita ko na mahimbing ito natutulog ngayon. "I'm sorry, Ardis. . ." mahina kong sambit. "Sorry kung hindi ako nakapagpaalam sa iyo kung saan ako pupunta. . ." at saka tumayo na ako ng tuwid. Iiwan ko muna siya para ako naman ang pupunta sa guest room kung saan ako matutulog ngayon dapat. Siguro ay kailangan niya muna ng sapat ng pahinga. Hindi kami makakapag-usap ng maayos kung ganito. Pipihitin ko na sana ang pinto nang marinig ko na nagsalita siya. "Are you with him all night?" Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya 'yon. Agad akong humarap sa aking likuran. Nakita ko na siya doon na nakaupo na siya sa gilid ng kama. Nilingon niya ang direksyon ko. Ginawaran niya ako ng malamig na tingin, nababasa ko sa kaniyang mga mata na para bang nasasaktan siya. May pait at kalungkutan. "A-Ardis. . ." hindi ko magawang sabihin sa kaniya ang totoo kaya pangalan nalang niya ang magawa kong sambitin. He scoffed. "Yeah, right. . . Alam ko namang siya na talaga sa una palang." umalis siya mula sa pagkaupo at dinaluhan ako. Hinawakan niya ang isang kamay ko. "Alam ko na hanggang ngayon, siya pa rin, Janella." Hindi ko magawang tumingin ng diretso sa kaniyang mga mata. Nanatili sa sahig ang aking tingin. "P-pero aakuin ko ang responsibilidad tungkol sa engagement--" "No." mapait niyang sagot. Doon na ako nagkaroon ng lakas ng loob na tingnan siya. Bakas sa mukha ko ang pagkagulat. "A-anong. . ." "Alam ko ding ibinigay mo na ang lahat sa kaniya, Janella. If you're asking why, it's obvious. Hindi na ako bata para hindi ko malaman. Pero kahit masakit, tatanggapin ko. Pero ang malaman ko na hinding hindi ko makukuha ang pagmamahal mo, na hindi ko makukuha ang atensyon mo . . . Ayaw ko na ipagpilitan ang sarili ko." marahan siyang pumikit. "Ardis. . ." nanginginig na ang boses ko. "Alam ko din na matagal ka nang nay nararamdaman para sa akin." pumikit ako ng mariin. Hindi siya nagsalita. Nanatili pa rin sa akin ang kaniyang tingin. Ni hindi nagbabago ang bawat ekspresyon doon. Ang tanging nakikita ko lang ay kung papaano niya tatanggapin ang lahat na dapat niyang malaman. Kung ano talaga ang dapat niyang marinig. "I'm sorry. . . Kung nasaktan kita. Sorry kung. . . Kung hindi dahil sa akin, hindi mangyayari ito. Hindi ka rin madadamay at ang pamilya mo sa gulo na dala ko." Ramdam ko na unti-unti na niya akong binitawan. Umukit ang kalungkutan sa kaniyang mukha. "I let you go, Janella. But it doesn't mean hindi kita tutulungan kung kailangan mo ako. If you need to breathe from this mess, I'll let you because you need it. Please, iwan mo muna ako." tinalikuran niya ako. "A-Ardis. . ." "Please, leave Janella. And I want to be alone. So please." mas naging matigas niyang sambit na dahilan para matigilan ako. I swallowed hard. Yumuko ako. Dahan-dahang tumango kahit hindi na niya makita pa 'yon. Nilapitan ko ang pinto hanggang sa sltuluyan ko nang nabuksan 'yon saka lumabas na. Nang nagsara na ang pinto ay hindi agad ako umalis doon. Inilapat ko ang mga labi ko. Napatalon pa ako sa gulat nang may narinig akong ingay na mula sa loob ng kuwarto niya. Na para bang may binasag siya doon. May sunud-sunod na malalakas na kalabog mula doon. Mas bumigat ang pakiramdam mo sa ginawa ni Ardis. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapaluha. Napasandal ako sa pinto. Lumipad ang palad ko sa aking bibig. Pilit ko tumahimik habang pinapakinggan ko ang bawat pagbasak at pagbabasag niya mula sa loob. I'm always blaming myself why I was born? Why I keep always mess someone's life? Why I leave them miserable kahit na maganda naman ang ipinapakita nila sa akin? Bakit? Ang tanging magagawa ko lang ay mga mahihinang paghingi ng tawad kahit bigo nilang marinig ang mga ito. ** I decided to go back in Poland today although Christmas break is not yet over. Mas gusto ko nalang na umalis at doon nalang ako magpapasubsob or maybe I can find a part time job to divert my attention. Sa airport na rin ako kukuha ng plane ticket. Madaling araw akong umalis sa mga Hoffman pero nag-iwan na ako ng note para mabawasan ang pag-aalala nila sa akin. Nagawa ko naman ang bagay na 'yon ay para umiwas na ako. Lalo na't nakikita ko ulit ang nakakatakot na reaksyon ni Madame Tarrah sa akin nang nagkrus ulit ang aming mga landas. Mas maigi na ang ganito. Iwas sa gulo. After more than twenty four hours flights, nakarating na din ako sa Warsaw Chopin Ariport. Medyo makapal na jacket na suot ko ngayon alam ko ang temperatura na meron dito. Masyado nang malamig, mas malamig pa sa Baguio o Tagaytay. Pero kahit na makapal na ang jacket ko ay ramdam ko pa rin ang lamig. Napagtanto ko na naiwan ko pala ang winter gloves ko sa apartment kaya heto na ang kinahinatnan ko. Kaya umaasa ako nga ako sa natitirang init sa aking hininga. Even through rubbing against my palms to feel warm. Nagsimula na akong maglakad habang hatak-hatak ko ang aking maleta, habang ang isang kamay ko naman ay nasa isang kamay ko naman ay nakasilid sa bulsa ng aking jacket. Dahil sa pagod ko sa flight ay didiretso na ako sa apartment para bumawi ng lakas at mag-uumpisa na ako sa paghahanap ng magiging part time job. Tutal naman ay kompleto ang mga papel ko bago ako nakarating dito para mag-aral. May residency card na ako dahil lagpas limang taon na ako naninirahan sa bansang ito. Binuksan ko ang pinto ng apartment habang hatak ko ang aking maleta. Iniwan ko muna sa isang gilid ang aking gamit. Nilapitan ko ang sofa. Ibinagsak ko ang sarili ko doon dahil sa pagod mula sa napahabang byahe. Hindi rin ako nakaramdam ng gutom. Namumungay ang aking mga mata habang tinititigan ko ang mababang mesa. Nanatili akong ganoon habang hinihintay ko nag sarili ko na makatulog hanggang sa itim nalang ang nakikita ko. Medyo naalipungatan ako nang may nararamdaman ako. Para akong binubuhat at dadalhin kung saan man. Bahagya kong idinilat ang aking mga mata. Medyo naaaninag ko ang isang pamilyar na mukha. Nakaputing long sleeves polo shirt ito. Medyo seryoso ang kaniyang mukha pero hindi siya nakatingin, sa ibang direksyon. Sa aking nakikita ay daig mo na isa siyang balintataw. "Nilus. . ." tawag ko na walang boses. Ramdam ko ang malambot na bagay sa aking likod. Pati na din ang makapal na comforter sa aking katawan. Tumagilid ako, mas nagiging komportable ako sa posisyon ko ngayon. Mas mapapasarap ang tulog ko nito. Medyo naramdaman ko na may malambot na bagay na dumapo sa aking sentido. "Sleep tight, my affinity. . ." Rinig ko ang boses niya, siguro ay nabuo ito dahil lang sa aking imahinasyon. Kahit ganoon ay nagawa ko parin ito tugunan sa pamamagitan ng aking isipan. Goodnight too, Nilus. ** Maingat kong iminulat ang aking mga mata. Kasabay na parang may nakadaganan sa akin. Bahagya akong gumalaw para tingnan kung ano 'yon pero mas humigpit ang pagyapos sa akin na dahilan para medyo magising ang aking diwa. Naaamoy ko pa ang pamilyar na pabango. Nanlaki ang mga mata ko. Walang alinlangan akong umalis sa bisig na yumayapos sa akin. Marahas akong tumingin para makita ang mukha ng nagmamay-ari ng mga braso na 'yon. Napasinghap ako nang makita ko ang mukha ni Nilus! What?! Wait, hindi ba imagination 'yon? Ang akala ko imagination lang siya! Talagang naririto siya sa Poland at talagang katabi ko siya sa pagtulog ko?! "N-Nilus. . .?" sinubukan ko siyang gisingin pero bigo ako. Mahimbing ang kaniyang tulog. Bumalik ako sa pagkahiga. Niyakap ko ang comforter na akala mo ay kailangan ko pang takpan ang aking sarili dahil sa higa. Dahil din sa pagkagulat ay nagawa ko pa itong kagatin. Tumitig ako sa kaniya. Kumurap ako na hindi makapaniwala sa aking nakikita. Talagang hindi ako makapaniwala. Wala akong ideya kung papaano siya nakapasok dito sa apartment kung saan ako nakatira ngayon! Muli ko na naman nasilayan ang mukha niya. He looks peacefully sleeping right now. Para bang balewala lang sa kaniya na ilang beses ko na siyang sinaktan at iwan mula sa nakaraan. Bumilis ang pintig ng puso ko habang patuloy ko pinagmamasdan ang maamo niyang mukha. Iginalaw ko ang aking kamay. Sinubukan kong abutin ang kaniyang buhok. Gusto kong subukan kung totoo ba talaga o sadyang imagination ko na naman ito dahil sa pagkamiss ko sa kaniya? "You finally woke up," bigla niyang sambit sa pamamagitan ng namamaos niyang boses bago ko man tuluyan abutin ang kaniyang buhok. Nanigas ako sa gulat. Marahan siyang dumilat at nagtama ang aming tingin. "You made me wait until you wake up, my affinity." pakurap-kurap siya kahit namumungay pa ang mga mata niya. Mabilis kong binawi ang aking kamay. "G-gising ka na pala?!" bulalas ko. Namimilog ang aking mga mata. Bago man niya ako sagutin ay sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. "Good morning, affinity." Mabilis akong bumalikwas ng bangon. Bumangon na din siya, wala siyang pakialam kung magulo na ang buhok niya, still, mas gumaguwapo siya sa paningin ko! "A-anong ginagawa mo dito? Papaano ka nakapasok? Papaano mo nalamang wala na ako sa Pilipinas? Papaano mo nalaman kung saan ako nakatira?" sunod-sunod kong tanong. Lumabi siya. "I have a work here in the mean time, I. . . Intentionally not to check in at the hotel when I got here. Your fiancé called me and give me your address personally. The answer how I get here is he also give me the spare keys." Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Bakas sa mukha ko na hindi makapaniwala. Wait, nagkausap sila ni Ardis? Tinawagan talaga siya? At nagkausap nang harapan?! "So!" bulalas niya sabay inilapit niya ang sarili niya sa akin. Dahil sa gulat at napaatras ako. "Mukhang wala naman iistorbo sa atin ngayon." "H-ha?" "Wala nang iistorbo sa atin." "Pero. . ." "If you still worried about the issue, I don't care. And besides, I have a solution and your cooperation is the key." Kumunot ang aking noo. "Anong solusyon naman?" He grinned. Bumaba ang tingin niya. Sinundan ko 'yon. Huh, bakit siya nakatingin sa tyan ko? Muli kami nagkatinginan. "You still love me, don't you, my affinity?" Yumuko ako. "I. . . I do." He touched my chin. Umangat ang tingin ko pabalik sa kaniya. I could see his soft expression in his beautiful face. "You're already a grown up woman now. You can fight and be my side. So marry me, affinity. I can provide everything you want without my family's name or wealth. The only I want from you just say yes." "H-how about their blessings. . .?" Sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. Inilapit pa niya ang sarili niya sa akin saka dinampian niya ako ng halik sa noo. Muli nagtama ang aming mga mata. "Being with you and knowing you're still in love with me makes me feel more blessed, Janella."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD