Chapter 3

1424 Words
Akmang maglalakad na ako palayo nang biglang tumigil sa paghalik doon sa babae si purple hair. "Babe, why did you stopped?!" Iritang tanong nung babae. Ay ang harot mo te. Inalis ni purple hair ang mukha niya na nakasubsob sa leeg ni girl at pinagpantay ang mukha nila. Nginitian niya ito. "I stopped because someone is watching us." Nakangisi niyang sabi at tinignan ako, para akong na freeze sa kinatatayuan ko. Kingina! Ang lakas naman ng senses ng kulugo na ito! Gulat akong tinignan nung babae. "It's you again Red hair." Nakangisi niyang sabi saakin. "Is she one of your girls?" Medyo iritang tanong nung babae. Excuse me! Anong ibig niyang sabihin?! "No." Nakangisi niyang sagot pero nakatingin pa rin siya saakin, nakakatakot ang mga titig niya. Parang gusto niya akong kainin ng buhay. "S-sorry sa istorbo ha? Alis n-na 'ko. B-bye." Mautal kong sabi at tumakbo na paalis. Mabuti na lang hindi na niya ako hinabol, siguro libog na libog na siya kaya itinuloy na lang nila ang naudlot nilang kababuyan. Pambihira yung purple hair na 'yun, playboy pala siya. Well hindi naman nakakapagtaka, gwapo siya, malakas ang dating, yung ilong niya matangos at ang cute, pati yung mga mata niyang singkit, at yung labi niyang pinkish at yung mga ngiti niyang pamatay. Hindi ko siya crush pero ine-explain ko lang ang hitsura niya. Sa kakatakbo ko nakarating ako dito sa gym. Wow as in wow. Ang gara ng school na 'to, may sarili pang gym. Ang sarap sigurong mag-aral dito, pero hanggang pangarap ko na lang yun. Paano ako makakapag-aral dito ay ako lang ang bumubuhay sa sarili ko. Pumasok ako sa gym, walang tao. Nasaan kaya sila? May narinig akong ingay at pagpatak ng mga tubig. Sinundan ko kung saan nanggaling yun at pumasok ako doon nang mahanap ko kung saan yun. Napanga-nga ako ng makita ko yung mga lalaki towel lang ang bumabalot sa pang-ibabang katawan nila. Natigilan silang lahat sa ginagawa nila at ngayon ay tulalang nakatingin saakin. s**t Rexenne, ano ba 'tong pinasok mo?! "Miss, doon sa kabila yung shower room for girls." Sabi noong lalaking nakasuot na pantalon sa pang-ibaba pero sa pang-itaas wala pa siyang suot. "Transferee ka ba dito? Ngayon lang kita nakita." Sabi nung lalaking towel lang ang nakatakip sa pang-ibaba niya. Tang ina, may mga abs sila! Hindi ako makasagot, shock pa rin ako. "May chiks?!" "Asan yung chiks?!" Sunod-sunod ang mga lubas na lalaki mula sa mga cubicle at towel lang rin ang tumatakip sa pang-ibaba nila, iba ang mga hitsura ng mga ito. Mukhang hindi gagawa ng matino. "Ano pare, tirahin na natin dito? Salit-salitan na lang." Nakangising sabi noong isang manyakis at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Tang ina, mukhang ma ga-gang rape ako rito kapag hindi pa ako aalis. "AAAAAAH!" sigaw ko at tumakbo palabas nang paglabas ko doon sa shower room ay may nabunggo akong isang lalaki, nasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Ang tigas, at ang bango. Ano bang pabango nito? "Pumunta ka lang ba rito para mamboso?" Nag-angat ako ng tingin. "Ikaw nanaman?!" Inis kong sabi, nakakasawa na ang pogi niyang pagmumukha e. "Oo ako nga," nakangisi niyang sabi at isinandal ako sa pader. "Anong ginagawa mo dito? Stalker kita ano?" Mayabang niyang sabi. "Ulul! Stalk mo mukha mo!" Singhal ko sakanya. "Damn, you really have a dirty mouth." Sabi niya. "Dirty mouth ka ng dirty mouth diyan! Hoy! FYI 3 times a day akong nag to-toothbrush!" Inis kong sabi. "Gaga! Hindi mo 'ko naiintindihan!" Singahal niya saakin. Ibang klase tong lalaking to. "Hoy ikaw Red hair, hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa mo sa junior ko! Kapag hindi kumalat ang lahi ko mananagot ka saakin!" Matalim ang mga titig niya saakin at parang gusto na niya akong sapakin, napalunok naman ako. "Hindi ako papayag na hindi kumalat ang lahi ko! Sa gwapo kong 'to?!" Mayabang niyang sabi. Kailangan ko ng makaalis, mukhang wala naman akong mapapala rito at baka masapok ko pa tong mahangin na 'to. "Binabalaan kita lumayo ka saakin." Pagbabanta ko, mabilis naman siyang lumayo saakin at hinawakan ang junior niya. Gusto kong matawa, mukhang na trauma siya. Ngumisi ako. "Paalam sayo, gago." Sabi ko at tumakbo na palayo. "Hoy saan ka pupunta?! Hindi ka pa nakakabayad sa ginawa mo saakin!" Dinig kong sigaw niya. Pero hindi ko siya pinansin, bahala ka! Wala akong pambayad sayo! Hinanap ko ang fire exit ng eskwelahan na ito at doon na lang ako lumabas, baka questionin ako ng guard kapag dumaan ako doon sa gate.  Nakaka bad trip, kung ano-ano pang paakyat-akyat sa puno ang nalalaman ko tapos wala naman akong napala?! Malas talaga sa buhay ko yang purple hair na yan e. Nakakagigil. Paano ako nito bukas? Malapit na pa naman ang exam namin. Kung hindi ako mag-aaral, hindi ako makakaahon sa sitwasyon ko. Ayoko namang rumaket na lang forever.  * Nandito na ako ngayon sa apartment ko at nagpapahinga, ano ng gagawin ko ngayon? Wala naman akong napala sa GU. Sana hindi ko na lang siya nakita, edi sana may pero ako ngayon. Well, galing nga lang sa masama. Pero kasi, kung gagamitin lang nila yung pera para pambili ng kapritsuhan nila hindi talaga ako manghihinayang na dukutan sila. Natigil ako sa pagmumuni-muni ko nang may kumatok sa pintuan. Kaagad akong tumayo at pinagbuksan yung kumatok. "Jackie, tantanan mo 'ko dahil hindi ako papayag sa offer mo." Sabi ko at akmang isasara na yung pintuan pero nagsalita uli siya. "Rexenne, ganito kasi yan. Hindi pumasok yung dancer namin kasi may sakit, pwede ba na ikaw ang pumalit? Promise! Hindi ka magbebenta ng laman, sasayaw ka lang." Sabi niya. "Ano naman ang sasayawin ko? Cramping?" Tanong ko. "Gaga hindi! Sexy dance dapat, alam ko naman na may talent ka sa pagsayaw-sayaw." Sabi niya. "Ayoko Jackie." Tanggi ko. "Sige na naman Rexenne, 10,000 naman ang sweldo e." Sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko. "Seryoso Jackie?!" Gulat kong tanong, aba. Ang laking pera nun.  "Oo, basta galingan mo lang." Sabi niya. Isang gabi lang Rexenne, isang gabi. * Nandito ako ngayon sa stage, nakasuot ako ng itim na sando na medyo kita ang cleavage at maliit na short, nakasuot rin ako ng fishnet stockings. Ang bilis ng t***k ng puso ko, gagawin ko 'to para makapag-aral ako at umasenso sa buhay. Lahat titiisin ko. Nagsimula na ang tugtog kaya nagsimula na rin akong sumayaw, isang sexyng sayaw. Hindi ko pinansin ang mga manonood, inisip ko na mag-isa lang ako at walang nakakakita sakin. Mas lalo ko pang ginalingan.  Naghihiyawan ang mga tao sa paligid, nakahinga ako ng maluwang nang matapos na ang kanta. Nandito ako ngayon sa backstage. Inabutan ako ng 10,000 ni Jackie tinanggap ko naman iyon at inilagay sa bag ko. "Mukhang nagustuhan nila ang performance mo. Magaling ka Rexenne." Puri niya pero hindi ako nakaramdam ng tuwa, ayoko ng ganito. "Nga pala, may gustong mag table sayo. Mukhang mayaman, gwapo, at batang-bata." Sabi niya. "Akala ko ba hanggang sayaw lang?!" Reklamo ko. "Sige na Rexenne, big time to. Baka magalit si ma'am at bawiin ang pera mo." Sabi niya. "Rexenne, alam ko naiipit ka lang sa sitwasyon. At dahil ayokong mapahamak ka, kapag sinubukan ka niyang galawin upakan mo ha? Ayokong matulad ka sakin." Sabi niya. Napangiti naman ako. "Tara, samahan mo ako doon sa magte-table sakin." Sabi ko.  Ngumiti siya. "Basta yung bilin ko ha?" Sabi niya. Natawa ako at tumango.  Sinamahan niya ako doon sa mag te-table saakin, pero wala na yung lalaki. Magsasaya na sana ako pero sinabi saakin ni Jackie na nag CR lang siya at umupo na raw ako at hintayin na lang siya. Iniwan na ako ni Jackie at pinuntahan yung nagtable sakanya. Nakatingin ako sa mga kamay ko na nakapatong sa lap ko habang hinihintay yung lalaki. Maya-maya pa may naramdaman akong umupo sa tabi ko, hindi ko siya tinignan.  "I'm Klyde," pakilala niya. "Rexenne," sagot ko at hinarap ko siya. Gusto ko na lang na maglaho, sana ay lamunin na lang ako ng lupa.  "Tignan mo nga naman, nagkita tayo ulit." Nakangisi niyang sabi, napaawang ang bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.  "By the way, nice performance Rexenne." Nakangisi niyang sabi. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o ano dahil nababalot na ako ng kahihiyan. Inipit niya ang ibang hibla ng buhok ko sa tenga ko kaya napasinghap ako. Mas lalo akong napasinghap ng hawakan niya ang baba ko gamit ang pointing finger niya at iniangat ang mukha ko. Nagtama ang mga tingin namin. "Magkano ka ba?" ____________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD