"Magkano ka ba?"
Nag-igting ang tenga ko sa narinig ko kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at tumayo ako at sinapak ko siya sa mukha. Tumingin naman ang mga tao saamin pero wala akong pake. Atleast nasapak ko 'tong gago na 'to.
"Ah f**k!" Daing niya sabaw hawak sa mukha niya.
"Hindi mo alam kung bakit ako nandito ngayon at hindi rin ako ganoong klase ng babae gaya ng iniisip mo. At pwede ba, hindi ako for sale! Tangina mo!" Sigaw ko at lumabas na ng bar.
Nang makalabas na ako ay huminto ako sa paglalakad. Iniisip niya na marumi akong babae, sabagay sino ba naman ang matinong babae na sasayaw sa stage ng ganoon? Kung hindi lang talaga ako gipit hindi ko naman gagawin yun. Pero nahihiya ako sa sarili ko pakiramdam ko ang baba kong tao. Nangingilid na ang mga luha ko ay tumingin ako sa taas para hindi ako maiyak.
Huwag kang iiyak Rexenne, ginusto mo yan. Panindigan mo!
Halos mapatalon ako sa gulat ng may maramdaman akong tela sa balikat ko. Tinignan ko kung sino ang naglagay ng jacket saakin at nakita ko si Klyde.
"Anong ginagawa mo dito?!" Inis kong sabi.
"Ikaw pa ang may ganang mainis e ako na nga itong sinapak mo." Naiirita niyang sabi.
"Kasalanan mo naman kung ba't kita sinapak e!" Singhal ko. Napairap na lang siya sa hangin at hinawakan ako sa braso.
"Sumama ka sakin," sabi niya at kinaladkad ako.
Nagpumiglas ako pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak saakin. "Sinabing hindi ako ganong klaseng babae e!" Sigaw ko at pilit pa ring nagpupumiglas.
Binitawan niya ako ng marahas. "Manahimik ka!" Sigaw niya saakin.
"E gago ka pala e! Sapilitan mo akong isinasama sayo anong expect mo? Steady lang ako?" Sarcastic kong sabi.
"Kung iniisip mo na kaya kita isinasama dahil pinagnanasahan kita, you're wrong! I have so many girls to f**k with at mas sexy sila sayo." Inis niyang sabi at kinaladkad ako ulit kaya wala na akong nagawa. What an ass. Shet napa english pa ako ng hindi oras sa kahayupan nito.
Sinakay niya ako sa passenger seat at sumakay naman siya sa driver's seat. "Saan mo ako dadalhin?" Tanong ko.
"Manahimik ka." Sabi niya at nagsimula ng mag drive. Umayos ako ng upo at inayos yung jacket na ipinasuot niya sakin, hindi naman kasi ako sanay magsuot ng ganito kaiksi. Sinulyapan ko siya at napaka seryoso niya sa pag da-drive. Tumingin na lang ako sa bintana.
*
"HOY! BAKIT MO 'KO DINALA DITO SA UNIT MO HA?!" sigaw ko.
"Ang ingay mo!" Inis niyang sabi sabay takip sa tenga niya. "Nandito ka para pagbayaran lahat ng ginawa mo saakin." Sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko ang sabi niya hindi niya ako pinagnanasahan and she has so many girls to f**k with daw.
"Hoy hoy. Kung iniisip mo na pagbabayarin kita sa ganoong paraan nagkakamali ka," sabi niya nakanhinga naman ako ng maluwang.
"E anong ginagawa ko dito?" Tanong ko sakanya. Inilibot ko ang paningin ko sa unit niya. Ngayon ko lang na realize na ang ganda pala dito, pang mayaman na pang mayaman ang dating. Dark and white ang kulay ng unit, walang-wala ang apartment ko kung ikukumpara mo dito. Unang tingin pa lang alam mo na na lalaki ang nakatira dito, mula sa kulay pa lang at design.
"Bukas mo malalaman," sabi niya kaya naibalik ako sa realidad. Nagtungo siya sa kusina kaya sinundan ko siya. Binuksan niya yung ref niya at kumuha ng limang canned beer. Inilapag niya ang mga iyon sa counter top at umupo na.
Tinignan niya ako. "Umiinom ka ba?" Tanong niya.
"Slight," sagot ko. Pag kasi may okasyon, halimbawa pasko, kapag nagiinuman kami nila Nanay, tatay at Cholo kaagad akong babawalan ni Cholo kapag dumadami ang iniinom ko.
"Samahan mo ko." Sabi niya sabay bukas doon sa canned beer at ininom, tumabi naman ako sakanya. Binuksan niya pa yung isa at ibinigay saakin. Hindi ko siya tatawaging gentleman dahil sa ginawa niya, kung alam ko lang. Ito ang mga style niya kaya marami siyang napapaibig na babae.
Ininom ko na yung canned beer.
"Anong ginagawa mo doon?" Tanong niya pero hindi siya nakatingin saakin.
"Ahh sa bar?" Sabi ko tumango naman siya pero hindi pa rin nakatingin saakin. "Ngayong gabi ko lang ginawa yun, kailangan ko kasi ng pera. 10,000 nga yung nakuha ko dahil sumayaw ako kanina, isang beses lang yun at hindi na mauulit pa." Pagkukwento ko sabay inom nung beer.
"At hindi rin ako ganoong klaseng babae na iniisip mo, hindi ako bayaran." Paglilinaw ko.
Natawa siya ng kaunti. "Kaya pala sa hitsura mo kanina mukhang ilang na ilang ka." Sabi niya. "At kaya pala hindi ganoong maiksi ang suot mo." Dagdag pa niya sabay tingin saakin mula ulo hanggang paa at ibinalik na ang tingin sa beer na hawak niya.
"Anong hindi gaanong maiksi? Ang iksi na nga e!" Gulat kong sabi.
"Tsk. Alam mo yung dating mo kanina? Para ka lang si HyunA na nagsasayaw ng troublemaker," sabi niya kumunot naman ang noo ko. Sino yun? "Yung mga babae sa bar, dapat mas maliit pa diyan ang suot yung kita talaga yung cleavage at dapat hindi rin naka fishnet stockings para mas kita ang view sa legs."Sabi niya. Ano 'to? Mentor?
"Expert na expert ka ano?" Sarcastic kong sabi.
"Ako naman ang magtatanong," sabi ko.
"Go on." Sabi niya at nagbukas pa ng isa pang beer, naubos na niya kaagad yung sakanya? E ako hindi pa nakakalahati.
"Bakit ka playboy?" Tanong ko.
Natigilan siya at ngumisi ng mapait. "Next question please." Natatawa niyang sabi.
Nagkibit balikat na lang ako at uminom ng beer, wala naman akong magagawa kung ayaw niyang sagutin e.
"Ikaw ba Rexenne wala kang crush saakin?" Tanong niya at muntik ko ng maibuga ang iniinom ko. Hindi makapaniwala ko siyang tinignan mataman niya lang akong tinignan.
"Eww. Bakit naman ako magkaka crush sayo aber?" Sabi ko habang nakataas ang isa kong kilay.
Nag-iwas siya ng tingin at napailing. "Ibang klase, bakit ganoon? Yung mga ibang babae kapag tinitignan ako nai-in love sila saakin. Tapos ikaw hindi. Kakaiba." Nagtataka niyang tanong.
"Kasi ako, wala akong pake sa mga ganyan. Alam mo kung ano ang crush ko?" Tanong ko. Tinignan niya ako at umiling. "Pera." Sagot ko. Bahagya naman siyang nagulat.
"Pera ang crush ko, ay hindi true love na nga yata e. Kasi ang kapag wala akong pera parang hindi na ako mabubuhay, kasi hindi ako makakakain at makakapag-aral. Mahalaga ang pera saakin." Sabi ko.
"Tss. Sana lang ay mabuntis ka sa pera mo." Sarcastic niyang sabi.
"Tsk. Darating din naman sa punto na mag-aasawa ako, pero sa ngayon pera muna. Ikaw kasi puro libog ang pinaiiral mo."sabi ko at kumuha ng isang beer at binuksan iyon saka ko ininom.
"Anong puro libog? Hoy may pangarap ako sa buhay ko! Magiging doctor ako balang araw. At sa mga sexy chiks na pasiyente libre na lang ang check up." Nakangisi niyang sagot. Napailing na lang ako. Ibang klase. Bakit ba ako nakikipag-usap sa taong 'to? At bakit ba hinayaan ko na mapunta ako dito sa unit niya? Tsk tsk. Nakakahilo mag-isip.