Nagising ako dahil sa tama ng sikat ng araw sa mga mata ko. Nakapikit pa rin ang mga mata ko at hindi ko sila maimulat dahil sa sakit ng ulo ko, para hinihiwa ang ulo ko sa sakit. Ugh! Idadag mo pa ang mabigat na nakadantay sa tiyan ko, at ang mainit na hangin sa side ng leeg ko.
Nakapikit pa rin ako at hinawakan ko ang nakadantay sa tiyan ko, kumunot ang noo. Ano 'to? Parang balat. Pinasadahan ko ng kamay ko ang bagay na nakadantay sa tiyan ko. Bigla kong naimulat ang mga mata ko sa gulat.
"Mmm.." Ungol ng lalaking nakayakap saakin habang nakabaon ang mukha niya sa leeg ko.
"AAAAAAAAAAAAH!!!!!!!" sigaw ko at tinulak ko siya ng pagkalakas-lakas dahilan para mahulog siya sa kama.
"Aray! Damn!" Daing niya habang nakapikit pa rin.
"AAAAAAAAAAAH!!!" sigaw ko sabay kapa at tingin sa katawan ko.
Suot ko pa rin ang damit ko. Walang kulang saakin, kumpleto pa rin ako.
"f**k! Ang ingay naman!" Reklamo niya habang nakapikit at humiga ulit sa kama.
"HOY! B-BAKIT TAYO MAGKATABING NATULOG HA?!" Sigaw ko at pinaghampas ko siya ng unan. Nagulat ako ng bigla niyang agawin ang unan na ipinanghahampas ko sakanya at ibinalibag iyon kung saan. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at sinamaan ako ng tingin.
"Panira ka ng tulog alam mo ba 'yon?" Inis niyang tanong habang nagkakamot ng ulo. Napansin ko na wala siyang T-shirt pero may pantalon siya. Maputi ang katawan niya at may mga muscle at abs din siya, idagdag mo pa ang messy purple hair niya. Kaya pala ang daming babaeng nagpapakama dito dahil katawan pa lang ulam na. Nakatabi ko ba talaga siyang natulog ng ganyan siya? Teka bakit ko ba siya katabing natulog?
Ah! Oo nga pala, uminom kami kagabi tapos nagkwentuhan kami hanggang sa mahilo ako at wala na akong maalala.
"Ano, ba't tulala ka diyan? Mukha kang tanga." Inaantok niyang sabi.
"Uuwi na ko," sabi ko at akmang tatalikuran siya pero bigla siyang nagsalita.
"Hoy hindi pwede!" Sabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit naman?" Mataray kong tanong.
"Dahil pagbabayaran mo pa yung mga ginawa mo saakin." Sabi niya.
"Ilang araw na rin naman ang nakalipas, palampasin mo na lang." Sabi ko sakanya habang nagkakamot ng ulo.
Napangiwi siya."Sobra na yung mga ginawa mo kung papalampasin ko! Una, muntik na akong makulong dahil sayo. Pangalawa, sinipa mo ang baby ko. Pangatlo, sinapak mo ako. Pangapat, tinulak mo ako kani-kani lang. At panglima, puro mura ang natatanggap ko sayo! Masakit sa ego ko yun bilang gwapong lalaki!" Sigaw niya.
Bumuntong hininga ako. "Paano ba yan, wala akong pera e." Sabi ko.
"Hindi ko kailangan ng pera, asawa ang kailangan ko." Halos lumuwa ang mga mata ko sa sinabi niya.
"A-anong ibig mong sabihin?! Gagawin mo 'kong asawa mo?!" Gulat kong tanong sakanya.
Ngumisi siya. "May utak ka pala." Nakangisi niyang sabi.
Mabilis akong umiling. "Ayoko! Ayoko!" Tangggi ko.
"One week lang naman, at hindi naman tayo ikakasal. Magkukunwari lang tayo." Pag e-explain niya.
"Bakit ba? Ano ang dahilan?" Tanong ko.
"Sabi ni mommy, sa loob ng one week na 'to. Bibisita siya, at alam ko na ang gagawin niya. Ipapakasal niya ako para matigil na ang pambababae ko, at hindi ko kaya yun. Mawawala na ang kalayaan ko kapag ipinakasal ako ng mommy." Pagkukwento niya. Tignan mo nga naman, takot na takot maitali ang mokong dahil hindi na makakatikim ng iba't-ibang flavors.
"Ah basta, ayoko pa rin!" Tanggi ko sabay iling.
"Babayaran naman kita!" Singhal niya.
Tinignan ko siya at nginitian. "Kailan tayo mag s-start?" Nakangiti kong tanong.
Napa-iling naman siya. "Psh." Tumayo na siya kaya naman mas lalong naging maliwang ang view ng katawan niya. Nilampasan niya ako kaya sinundan ko siya ng tingin, yung mga muscles niya sa likod ay nakaka wow. Piniling ko ang ulo, ang landi mo Rexenne tumigil ka nga!
Kaysa sa tumunganga ako dito ay inayos ko ang kama na pinagtulugan namin, amoy Klyde leche. Matapos kong ayusin ang kama niya ay bumaba na ako, hinanap ko siya at nakita ko siya sa kusina.
Kailangan topless siya magluto? Porket maganda ang katawan niya kailangan na niyang i-display? Nagiging mahalay tuloy ako. Lalo na't tuwing iginagalaw niya ang mga kamay niya habang nagluluto ay naghuhumiyaw ang mga muscle niya. Nako naman Rexenne! Nakatabi mo lang siya matulog na hawaan ka na ng libog niya?! Hayop naman ang libog virus ni Klyde. Tsk.
Biglang nagwala ang mga bulate ko sa tiyan ng maamoy ko ang niluluto niya. Ang bango naman ng niluluto niya.
"Klyde, ano yan?" Tanong ko. Hinarap niya ako saglit at ibinalik ang tingin niya sa niluluto niya.
"Burger steak." Sagot niya habang nagluluto.
"Pahingi, gutom ako." Sabi ko. Aba! Kapag tiyan na ang pinag-uusapan wala ng hiya-hiya! Tsaka walanghiya naman si Klyde e kaya quits lang kami.
"Of course gugutumin ko ba ang asawa ko?" Nakangisi niyang sabi habang nagluluto.
"Sige lang, basta may bayad." Sabi ko sakanya at umupo na.
Napailing siya. "Oo babayaran kita." Sabi niya. Dapat lang, sa hirap ng buhay wala ng libre sa mundo, ulitimo candy nga e. Noon piso tapos dalawang candy ibibigay sayo, ngayon piso, isang candy na lang. Baka nga sa susunod piso kalahating candy na lang.
Maya-maya ay natapos na siya sa pagluluto niya at ipinag serve niya pa ako. #GalawangMaharot If i know ganyan siya sa lahat ng mga babae, naku Klyde. Anong akala mo? Mahuhulog ako sa mga paganyan-ganyan mo? Hanggang halay lang ang habol ko sayo.
Magsisimula na sana akong kumain pero napangiwi ako ng may makita akong mushroom. "Eww, ayoko ng mushroom." Nakangiwi kong sabi.
"Arte, ang sarap kaya niyan." Sabi niya habang patuloy lang sa pagkain.
"Ayoko talaga nito, ugh." Reklamo ko. Nagulat naman ako nang tusukin niya ang mga mushrooms na nasa plato ko gamit ang tinidor niya at inilagay ang mga iyon sa plato niya.
"Ayan kumain ka na, tapos kumuha ka ng gamit sa bahay niyo good for one week. At para makaligo ka na rin." Sabi niya at kumain ulit. Hindi naman ako sumagot dahil busy ako sa pagkain ko. Infairness masarap magluto si Klyde.
*
Nandito kami ngayon sa loob ng apartment ko, naghahanda ako ng mga gamit ko habang si Klyde naman nakatayo lang at iniikot ang paningin sa apartment ko habang nakangiwi.
"Mag-isa ka lang dito?" Tanong niya habang nakangiwi pa rin.
"Obvious ba?" Sarcastic kong sabi habang inilalagay ang mga damit ko sa isang bag.
Poker face niya lang akong tinignan. Maya-maya biglang may kumatok sa pintuan. "Rexenne!" Dinig kong tawag niya mula sa labas.
"Ay si Cholo, buksan mo dali!" Utos ko kay Klyde. Inikot niya ang mga mata niya bago buksan ang pinto. Halata na nagulat si Cholo nang makita si Klyde.
"Sino ka?" Tanong ni Cholo kay Klyde.
"I'm Klyde," sagot ni Klyde at umupo doon sa maliit na sofa. "Dalian mo na diyan Rexenne!" Singhal niya saakin.
Naramdaman kong nilapitan ako ni Cholo. "Sino siya? At bakit ka nag iimpake ng gamit mo? Aalis ka na?" Sunod-sunod na tanong niya saakin.
Itinigil ko ang pag iimpake ko at hinarap ko siya. "Hindi no, babalik pa rin ako. One week lang akong mawawala." Pag e-explain ko sabay tingin kay Klyde na ngayon ay nakatingin saamin at naka halukipkip.
"Nga pala, pinabibigay ni Jackie. Nakalimutan mo raw sa BAR!" Seryoso niyang sabi at idiniin ang salitang bar sabay abot saakin nung bag. Kinuha ko naman iyon at chineck kung nandoon pa ang 10,000. Nakahinga ako ng maluwang, nandito pa.
"Sabihin mo nga Rexenne, anong ginawa mo doon sa bar na yun?" Seryoso niyang tanong. Tinignan ko siya at napalunok, ayaw na ayaw ni Cholo na pumunta ako sa mga lugar na yun. "Pumayag ka ba sa alok ni Jackie?" Inis niyang tanong na para bang walang Klyde na nandirito sa loob kasama namin.
"Hindi naman sa ganun Cholo, n-nagsayaw lang a-ako." Mautal kong paliwanag.
"s**t! Bakit?!" Galit niyang tanong.
"Cholo, sorry na. Alam mo naman na gipit ako, at isang gabi lang yun. At hindi ako sumayaw na sobrang halay. Gaya nga ng sabi ni Klyde parang sumasayaw lang daw ako ng troublemaker." Paliwanag ko.
Galit niyang tinignan si Klyde na mukhang bored na bored na nanonood saamin. "Nandoon ka?!" Galit niyang tanong kay Klyde.
"Yea. So what?" Bored na sabi ni Klyde.
"Pero hindi mo man lang siya pinigilan?!" Galit niyang sabi. Hinawakan ko ang braso niya. "Cholo tama na." Awat ko.
"Woah kiddo, hindi ko trabaho na pakealaman ang mga ginagawa ng mahal mo." Sabi ni Klyde. Natigilan si Cholo at namula ang tenga.
"Hoy gago ka ba Klyde? Mahal ka diyan! E parang kapatid ko na si Cholo e!" Singhal ko sakanya.
Ngumisi si Klyde at tinignan si Cholo. "Kapatid huh? Sige. Kapatid." Parang nang-aasar niyang sabi.
"Ah R-rexenne, uwi na ko. M-mag ingat ka balik ka kaagad." Paalam niya at mabilis na umalis.
"Ano bang ginawa mo at natakot siya ha?!" Inis kong sabi. Kawawa naman si Cholo.
Nagkibit balikat siya habang nakangisi. "Wala naman akong ginawa." Nakangisi niyang sabi.
"Haay Rexenne, matapang ka at kakaiba. Pero may pagka boba ka pala."
___________________