CHAPTER 31 BOOK 2 of THE HOTTEST BED IN TOWN Ang kwentong ito ay RATED SPG It contains words and actions not suited for very young readers. Babala: Mas Nakakapaso! Mas Mainit! LYNDEL (POV) “Wala naman kayong dapat ikakaba. Hindi cancerous ang isa pang tumor sa kanyang ovary. Pwede na iyong tanggalin. May chance na magkaanak pa rin kayo.” Paulit-ulit na nag-echo sa tainga ko ang sinabing iyon ni Dr. Aldama. Para itong musika na masarap pakinggan. Kung kanina ay hindi ko siya magawang tingnan ngayon ay hindi na maalis ang pagkakatitig ko sa kanya. Baka kasi nagloloko lang siya at madali kong makikita sa kanyang mukha. Pero walang bahid ng pagloloko o “joke” ang mukha ng doctor. Kitang-kita ko ang kasiyahan sa mga mata nito. Napatingin ako kay Arwynn na kanina pa halos pig

