CHAPTER 32 BOOK 2 of THE HOTTEST BED IN TOWN Ang kwentong ito ay RATED SPG It contains words and actions not suited for very young readers. Babala: Mas Nakakapaso! Mas Mainit! ARWYNN (POV) Masaya akong nagawa ko ang aking mga binabalak ng maayos. Sa pagkakataong ito ay pinakinggan Niya talaga ako. Maraming salamat po Panginoon. Ang muling pagpapakasal ko kay Lyndel ay ang paghingi ko sa kanya ng tawad sa lahat ng mga pagkakamaling nagawa ko sa kanya kasama ang pangakong siya lang ang mamahalin ko habang buhay. She changed me kahit na alam naman naming nandoon pa rin ang dating ako. Sa pagkakataong ito nga lang ay mas alam ko ng pigilan ang aking mga hindi magagandang katangian. Ngayon ay mas nangingibabaw na ang pagmamahal ko para sa kanya. I will love her till eternity.

