CHAPTER 17 ARWYNN (POV) Pabalik na kami ngayon sa ospital. Nagpumilit na namang sumama si Lyndel. Pagdating sa pamimilit bagay na bagay talaga kaming dalawang mag-asawa. Gusto ko pa sana siyang pagpahingahin sa bahay dahil parang namumutla pa siya. Baka mapano pa ang baby namin pero kaya naman daw niya. Pagdating sa ospital ay sakto namang kagigising lang ni Ardel. Kaagad akong lumapit sa kanya at hinagkan ang kanyang noo. Halatang nanghihina pa siya ngunit sinalubong na kaagad niya ako ng kanyang inosenteng ngiti. Alam kong nasasaktan siya pero tila mas matatag pa sa amin ang anak ko. Baka nga sa amin din siya kumukuha ng lakas. Wala pa naman siyang alam sa kamatayan. Masyado pa siyang bata para ipaintindi sa kanya yun. Alam ko makakaligtas sya. Malalampasan niya ang lahat ng ito.

