CHAPTER 18 BOOK 2 of THE HOTTEST BED IN TOWN Ang kwentong ito ay RATED SPG It contains words and actions not suited for very young readers. Babala: Mas Nakakapaso! Mas Mainit! ARWYNN (POV) Si Lyndel naman ngayon ang nasa loob ng emergency room. Sinabi ko na kay Ara ang nangyari sa kapatid niya. Hindi ito mapigil sa pag-iyak. Nagpapakatatag kami para kay Ardel tapos isa na namang mahal namin sa buhay ang malalagay sa peligro. Mahirap na ngang magpakatatag sa ganitong sitwasyon at kitang-kita ko iyon sa naging reaksyon ni Ara. FLASHBACK Pagdating sa opsital ay dineretso sa emergency room ng mga nars si Lyndel. Nanginginig kong inabot ang walang malay at duguan kong asawa sa isang lalaking nars. Nakakapangilabot. Nakakapanghina. Hindi ko na kakayanin pa kapag may nangya

