YELENA P.O.V Isang buwan na akong nagtatrabaho kay Mayor Vlad, at sa bawat araw na lumilipas, mas napapansin ko na may kakaiba sa ugali niya kapag nasa paligid ako. Hindi lang ito tungkol sa pagiging mayor niya; para bang nagiging mas protective siya sa akin. Sa tuwing may mga lalaking napapatingin sa akin—lalo na ‘yung mga kasamahan niya o mga ka-meeting—halata kong hindi siya komportable. Madalas niyang hapitin ang bewang ko, idikit ako sa kanya na para bang ipapaalam sa lahat na ako’y kanya. Hindi ko naman alam kung dapat ba akong matawa o malito sa ginagawa niya. Minsan, habang nasa isang meeting kami kasama ang ilang negosyante, naramdaman ko na naman ‘yung kamay niya sa bewang ko. Dikit na dikit ako sa kanya habang nakaupo siya at nakatingin lang ako sa notes ko. Nang biglang sumil

