TWO YEARS LATER DELTA: MARIIN akong nakapikit na ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin habang may hawak na isang pumpong ng puting rosas. Nandidito ako ngayon sa Batanes. Sa lugar mismo kung saan tumalon si Yumi. . . dalawang taon na ang nakakalipas. "Ang bilis ng panahon. Dalawang taon na pala magmula nang umalis ka, mahal ko. Pero bakit nandidito pa rin 'yong sakit noong iniwan mo ako? Bakit ang sakit-sakit pa rin dito?" usal ko na naduro ang puso. "Ang daya mo eh. Ang daya-daya mo na inawanan ako dito. Paano naman ako? Bakit hindi mo manlang ako inisip noon bago mo kinitil ang buhay mo?" puno ng pait kong tanong habang nakamata sa asul na dagat sa ibaba ko. Mariin akong napapikit na niyakap sa dibdib ang dala kong bulaklak para dito. Kung sana katulad ni Flavio ay alam ko kung s

