TPOV: WALANG malay na itinuloy ng binatang si Rohan Barker ang dalaga sa kanyang unit. Wala namang pagkakakilanlan ang dalaga at hindi pa nakakausap. Kaya hindi niya malaman kung kanino ibabalik. Hindi niya rin maintindihan ang sarili para dito. Napakagaan ng loob niya sa dalaga kahit alam niya sa sariling. . . ngayon pa lang sila nagkikita. Tila may kung anong bagay ang kumukunekta sa kanya sa dalaga at hindi matiis na pabayaan na lamang ito. Kaya naman pagdating niya sa dinaungan ng speedboat niya kung saan siya sinundo ng driver niya ay itinuloy na ang dalaga sa unit niya. Magdodoseng anyos pa lang ang binata. Pero dahil may lahing dayuhan ang ama nito ay napaka-matured na niyang titignan na parang eighteen years old na. Matangkad kasi ito na may kalakihan ang katawan. Kaya madalas

