TPOV: HABANG nagi-scuba diving sa isang isa sa probinsya ng Batanes ang binatang si Rohan Barker ay may natanaw itong katawang palubog mula sa 'di kalayuan. Kaagad niya itong sinisid at nilapitan na hindi nga nagkamali! Isang dalagang wala ng malay ang tila nahulog sa malalim na dagat. Kaagad niya itong binugaan ng hangin sa baga mula sa bibig bago inilangoy paahon sa kanyang speedboat na nasa malapit lang. Kagad itong nagtanggal ng oxygen tank matapos maiahon ang dalaga sa kanyang speedboat at inasikaso. Umawang ang labi nito na mapatitig sa dalagang wala pa ring malay at bahagyang nagsalubong ang mga kilay. "Mikata?" bulalas nito na namumukhaan ito. "Imposible. . . bakit parang ang bata niya," takang tanong nito. Ilang beses itong yumuko na binugaan ng hangin sa bibig ang dalaga ha

