BOX 01

1180 Words
“ALONA, dahan-dahan ka naman. Madadapa na ako sa’yo, e!” reklamo ni Bea na bestfriend ni Alona. Tumigil si Alona sa paglalakad. Kakababa lang nila ni Bea ng kotse niya at nandito na sila sa parking lot ng condominium building kung saan nakatira ang kanyang nobyo na si Mario. Parehas silang may bitbit na malaking box. Twenty-one years old pa lang siya noong ligawan siya nito at ngayon ay limang taon na ang kanilang relasyon. Masasabi niya na matatag na ang kanilang pagmamahalan. Tanggap sila ng pamilya ng bawat isa, parehas silang stable. Isa siyang teller sa malaking banko habang si Mario naman ay manager sa isang kumpanya. Marami nga ang nagsasabi na kasal na lang ang kulang sa kanila. Pero hindi naman sila nagmamadali dahil naniniwala sila na ang ganoong bagay ay hindi minamadali at dapat na pinaghahandaan. Perfect couple. Iyan ang madalas na itawag sa kanilang dalawa ni Mario. Paano ay maganda siya habang ito naman ay gwapo. Sigurado daw na kapag nagkaroon sila ng anak ay magiging maganda ang lahi. Hinintay muna ni Alona ang kanyang kaibigan. “Ang bagal mo naman kasi! Alam mo naman na kailangan kong maayos ang surprise ko kay Mario bago pa siya dumating.” aniya. Ngayon ang eksaktong ika-limang taon ng kanilang relasyon at isang sorpresa ang ihahanda niya sa condo unit nito. May dala siyang mga cut-out letters, balloons at mga bulaklak. Para kasi sa kanya ay deserve ni Mario ang ganitong klase ng effort dahil sa naging faithful ito sa kanya. “Ang effort mo naman, Alona. Pati ako dinamay mo.” “`Wag ka nang magreklamo, okay? Be supportive na lang.” “Dapat kasi isinama natin si Lindsay para mas madali nating matapos `yang surprise mo sa boyfie mo. Hindi mo ba siya tinawagan?” “Tinawagan. Kaya lang may lakad daw siya with her family. Family day daw,” sagot niya. Chi-neck niya ang oras sa wristwatch niya. “Four o’clock na, Bea! Tara na at isang oras na lang at mag-o-out na sa trabaho niya si Mario. Let’s go na!” sabay hila niya sa braso ni Bea papunta sa elevator. Habang lulan ng elevator ay hindi mapalis ang ngiti sa labi ni Alona. Sigurado kasi siya na magugustuhan ni Mario ang gagawin niyang ito. Madalas kasi ay ito ang gumagawa niyon sa kanya pero ngayon ay pagkakataon naman niya na gawin iyon. Na-i-imagine na niya ang magiging hitsura ng condo unit ni Mario. Puno ng balloons na may tali at sa bawat dulo ng tali ay mga pictures nilang dalawa. Tapos, ididikit niya sa wall iyong cut-out letters at lalagyan niya ng petals ng flowers iyong sahig. Sa wakas ay narating na nila ang seventh floor kung saan naroon ang unit ni Mario. Pagkalabas nila ng elevator ay nagsalita si Bea. “Wait lang, Alona. Sure ka ba na wala si Mario sa unit niya? What if, tawagan mo muna siya? Mamaya nasa loob pala `yon, e.” Sinunod ni Alona ang sinabi ng kaibigan. Tinawagan niya si Mario. Medyo natagalan pa nga ito sa pagsagot. Nang tanungin niya kung pumasok ba ito sa trabaho ay um-oo ito. Nagmamadali pa nga ito dahil may kausap daw itong kliyente. Nakataas ang kilay na ibinalik ni Alona ang cellphone niya sa handbag na dala niya. “Wala siya diyan. Tara na nga. Baka maabutan pa niya tayo!” At nagmamadali na tinungo nilang dalawa ni Bea ang unit ni Mario. May duplicate key siya kaya nakakapasok siya kahit wala si Mario doon. Excited na ipinasok niya ang susi sa keyhole at binuksan ang pintuan. Pagpasok nila ay nagkatinginan silang dalawa dahil may nagkalat na damit sa salas. Pantalo, shirt at may palda pa. Nagkaroon agad siya ng kutob lalo na nang makita niya ang nakabukas na pinto ng bedroom. Mula doon ay may mga ungol siyang naririnig. Hinawakan siya ni Bea sa braso. “Alona, gusto mo bang umalis na lang tayo?” bulong nito. Sa pagsasalita nito ay mukhang parehas sila ng hinala. Umiling siya. “No. I have to see this…” aniya. Iniwan niya si Bea sa may bungad ng pintuan. Mag-isa lang siyang naglakad papunta sa may bedroom. Habang papalapit siya doon ay palakas nang palakas ang ungol. Parang sinusuntok ang dibdib niya ng mga oras na iyon. Sana ay mali ang iniisip niya. Sana ay nagkakamali lang siya. Halos madurog ang puso ni Alona nang sa wakas ay marating na niya ang bedroom. Mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang kanyang nobyo na nakapatong sa isang babae. At lalo siyang nasaktan dahil kilala niya ang naturang babae—si Lindsay! Isa sa mg kaibigan niya. Kapwa walang saplot ang dalawa. Nakapikit pa ang babae at tila sarap na sarap sa bawat pag-ulos ni Mario. Hindi pa rin napapansin ng dalawa ang presensiya niya kaya sumigaw na siya. “Wow! Ang gandang eksena!” sigaw ni Alona. “Oh my, God!” gulat na bulalas ni Lindsay. Nagmamadali na tinakpan ng dalawa ang kahubdan ng mga ito. “A-alona? Anong ginagawa mo dito?” natatarantang tanong ni Mario. Nameywang siya sa harap ng dalawa. “Hindi ba ako dapat ang magtanong niyan sa inyo? Akala ko ba nasa trabaho ka? At ikaw, Lindsay! Kailan pa naging family day ang pakikipag-s*x sa boyfriend ko?” Isang nag-uuyam na ngiti ang pinakawalan niya. Sa sobrang hiya siguro ni Lindsay ay hindi na siya nakasagot. Yumuko na lang ito. Ayaw sanang umiyak ni Alona pero hindi na niya napigilan ang kanyang luha. Tila nag-uunahan ang mga iyon na dumausdos sa kanyang makinis na pisngi. “Bakit, Mario? Bakit?” gigil niyang tanong. “M-mahal ko si Lindsay… Mahal niya rin ako…” sagot nito sa kanya. “E, ako? Hindi mo mahal? Naglolokohan lang ba tayo sa loob ng limang taon? Ha?!” “Sorry…” “Sorry? Alam mo ba na anniversary natin ngayon, Mario? Imbes na nag-iisip ka ng gagawin natin ay busy ka sa pagkant*t diyan sa ahas kong kaibigan!” Sa sobrang galit ni Alona ay hindi na niya kontrolado ang lumalabas sa bibig niya. Galit na galit siya at parang nagdidilim na ang kanyang paningin! Tumahimik na lang si Mario at hindi na rin ito katulad ni Lindsay. Sa pananahimik ng dalawa ay mas nanggalaiti siya. “Oo nga pala, may surprise ako sa iyo, Mario! Sa inyong dalawa na ni Lindsay! Diyan lang kayo, ha!” Lumabas siya ng kwarto at nagpunta sa kusina. Naghalughog siya sa dish organizer na naroon. “Alona, anong gagawin mo?” nag-aalalang tanong ni Bea sa kanya. Hanggang sa makita niya ang hinahanap. Kinuha niya ang matalim na kutsilyo at mahigpit iyong hinawakan. “Tuturuan ko lang ng leksiyon ang dalawang iyon!” galit na saad ni Alona at naglakad na siya pabalik sa kwarto kung saan naroon sina Mario at Lindsay. “Alona, `wag mong gagawin iyan!” Pero wala nang magagawa ang pagpigil sa kanya ni Bea. Tuturuan niya talaga ng leksiyon ang dalawang iyon! Puputulin niya ang dapat putulin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD